MUL 16

1.5K 36 6
                                    

Xander's POV

Kasama ko ang tropa sa cafeteria. Wala kaming ibang mapagtambayan eh kundi rito na lang.

"Hoy Xander magiisang buwan na kayo nung Zafirah pero hanggang ngayon hindi mo pa rin naipapakilala," wika ni Ronald.

"Correction, fake Girlfriend."

"Fake man 'yan o hindi ang issue dito hindi mo pa rin sa amin ipinapakilala. Curious pa naman kami sa itsura," si Felix naman ang nagsalita.

"Eh di mamaya ipakilala ko sa inyo."

"Promise?" tanong ni Leo na ginagaya yung pagsabi ni Honesto kaya binatukan ko nga.

"Pwede ba, hindi bagay sa'yo."

"Oo na, hindi mo naman ako kailangang batukan pa," sabi nito habang hinihimas himas ang 'yung parteng binatukan ko.

"Pero alam mo Xander base sa mga kwento mo mukhang hindi naman katulad ng ibang babae 'yung Zafirah na nagkakandarapa sa'yo," sipi ni Felix habang ako ay tumatango tango lamang.

"Paano mo s'ya napapayag?"

"Secret ko na lang 'yun."

"Ok. Sabi mo eh."

"Talaga."

Zafirah's POV

"Knock knock."

"Who's there?" tanong naman sa akin ni Kirsten.

"Inay mo 'to."

"Inay mo 'to who?"

"Inay mo 'to. Loko ka buksan mo ang pinto," medyo pagalit kong sabi habang siya naman ay tumawa pa.

"Hahaha. In fairness havey. Sige isa pa."

"Ito um. Knock knock."

"Who's there?"

"Inday."

"Inday who?"

"Indaaaay, found a very special love in you."

"Hahaha. Benta talaga. Sandali lang Zafirah hahaha," aniya habang nakahawak pa sa tiyan niya.

"Alam mo buti ka pa nakakaappreciate ng joke, sila Janina hindi man lang."

"Eh sa nakakatawa naman talaga. Isa pa nga."

"Um nagsusunbathing si Juan ng biglang may lumapit sa kanyang kano. Tinanong siya ng kano 'Hey, are you relaxing?' pero umiling lamang si Juan. Maya maya ay tinanong naman siya ng isang chinese 'Are you relaxing?' pero humindi naman si Juan. Maya maya naman ay tinanong naman siya ng isang hapon ng parehas na tanong at ganun rin ang sagot niya. Nabadtrip si Juan kaya naman umalis na siya ng makita niya ang isang koreano na nagsusunbathing rin. Tinanong niya ito 'Are you relaxing?' at tumango naman ang koreano 'Eh walang hiya ka pala eeh. Ikaw pala si relaxing napagkamalan pa akong ikaw'."

"Hahahaha. Grabe Zafirah bumenta na naman. Hindi ko tuloy lubos na maisip na ang isang taong tahimik tulad mo at malihim eh mahilig magjoke. Para kang walang problema eh," sabi nito ako naman ay ngumiti ngiti lang.

Tama nga ang sabi nila.

'Whatever happiness I put in my face, there is still sadness that no one can trace'

Xander's POV

"Hahaha oo nga eh," tawa ko pero natigil ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Xander," tawag nito sa akin kaya naman napatingin na ako sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya kaya naman tiningnan ko lang siya ng diretso.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now