MUL 2

2.9K 66 8
                                    


"Ms. sa susnod naman tumingin ka sa dinadaanan mo."

"Sor— IKAW!" pasigaw kong saad nang makita ko kung sino ang nakabangga ko.

"Oh Ms. Drools, ikaw pala 'yan. Siguro sinusundan mo talaga ko." He said while smirking.

"Sundan mo your face," sabi ko tapos linampasan ko siya.

"Ikaw naman. Nagbibiro lang, pikon ka agad. Depende na lang kung totoo," sabi niya kaya tumigil ako sa paglalakad at lumingon para tumingin sa kanya.

"Che. Masyado kang feeling," inis kong wika then umalis talaga ko. Bad vibes siya masyado.

Xander's POV
Ako nga pala si Xander Henares. I am going to take up civil engineering.

'Yung babaeng talagang 'yun, ang sarap asarin, masyadong pikon. Mukhang nag-enroll siya dito ah at pwedeng magkrus ulit ang landas namin.

"Oh bro, anong meron at ngingiti-ngiti ka dyan?" tanong sa akin ng isa sa kaibigan kong si Felix.

I shrugged my shoulders. "Wala lang."

"Hay naku, bro. Baliw ka ba?" tanong naman ni Leo.

"Anong baliw? Di ako baliw."

"Eh ngumingiti ka diyan ng mag-isa at wala pang dahilan," si Ronald naman ang nagsalita.

"Sus may dahilan 'yan, ayaw lang isabi satin kung ano. Hulaan ko babae, ano?" sabi ni Felix tapos di na lang ako umimik.

"So tama ako. Sino 'yan ah? Ang isang casanova na si Xander Henares ay nagagawa niyang mapangiti at may kakaiba dun sa ngiti niya," panunukso pa ni Felix.

"Tss." Napailing na lamang ako sa mga pinagsasabi nila.

"Oo nga eh di ba ang nakakapagpangiti lang sa kanya ng ganyan ay si. . ." di na natapos ni Ronald 'yung sasabihin niya kasi tiningnan ko siya ng masama.

Zafirah's POV
Pagkatapos nilang mag-enrol ay dumiretso kami sa isang fastfood restaurant at kasalukuyang kumakain kami ngayon ng snacks.

"Hoy, Firah! Ano na naman ang nangyari sa'yo at nakakunot ang noo mo?" Saad ni Janina. Minsan iniisip ko nga kung nakalunok ba siya ng microphone at ang lakas ng boses palagi.

"Wala."

"Sus, Zafirah Mae Tan huwag mo nga kaming pinagloloko ni Janina."

"Oo na. Nakita ko kasi ulit siya kanina. Nakakabwesit, di ba?" saad ko habang pinaglalaruan ang inumin ko.

"Sinong siya?" At sabay pa talaga silang nagtanong ah.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Basta 'yung lalaking kumuha ng catching fire sa NBS."

"Kaya pala," sabi ni Janina at nagsmile pa na may kahulugan.

Ano kayang gustong iparating nitong babaeng 'to?

"Anong kaya pala?" tanong ko.

"Yun lang naman 'yung unang lalaking pinagaksayahan mo."

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin Janina?"

"Duh," she rolls her eyes. "Siya lang naman kaya 'yung lalaking naapektuhan ka. Di ba nga wala kang pakielam sa iba lalong-lalo na sa mga lalaki?"

"Grabe ka naman, Janina. May pakielam naman ako sa iba. 'Yun nga lang ay di katulad mo na masyadong pakielamera."

"I know right."

Sana lang talaga iyon na ang huli naming beses na pagkikita.

***NEXT DAY****

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now