MUL 14

1.5K 40 6
                                    

Zafirah's POV

"Ok class today before we will start our lesson I would like you to present the poem you just made."

Patay. Bakit ba naman kasi kailangan pang basahin sa unahan. Ayoko nga ng atensyon at ayoko rin sa unahan tapos ngayon babasahin pa 'yung sinulat ko.

Ayan na nagsimula ng magtawag si prof at hanggang ngayon hindi pa rin ako natatawag. Marami na rin ang nagbasa sa unahan at hindi pa rin ako natatawag.

"Last but not the least. . . Zafirah Mae Tan," sabi ni ma'am at tumayo na ako at kinuha 'yung papel.

Sabi ko na nga ba ako na eh. Nakatayo na ko sa gitna at sisimulan ko ng basahin.

Father can you listen to me

Just sit down and pretend you care

Where have you been all this while?

You're always gone somewhere

It was my graduation in HS. May konting salo salo lang naman dito sa bahay.

"Congratulations dear," sabi sa akin ni mama at pagdating ko sa bahay kasama si manang. Si manang kasi 'yung pumaso sa akin at nagsabit na rin ng medalya.

"Thanks ma," sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nandito sila mama,' yung mga pinsan ko, sila grandmama at grandpapa pero ni anino ni papa hindi ko man lang masilayan.

Mga 10 na siguro at wala pa rin si papa pero ito ako naghihintay pa rin sa kanya. Wala naman akong tinanungan kung nasaan si papa eh dahil ang akala nilang lahat ay wala akong pakielam kung nandito man si papa o wala pero ang totoo meron akong pakielam.

Pa, kahit ngayon lang dumating ka naman oh

Your attention can't be replaced with materiality

Like it used to work a long time ago

Please don't pick fights mother

Then pack your bags, slam the door and go

Bata pa lang ako naririnig kong nag-aaway sila mama at papa.

"Sinabi ko na di ba? Wala nga akong babae!"

"Wala kang babae ah talaga eh sa dinami dami nga ng babae mo hindi ko na alam kung ikailan yan na sekretarya mong 'yan."

"Pwede ba! Tigilan mo nga ako diyan sa kadadakdak mo."

"Ano? 'Wag mong sabihin na maliban kay Tricia may anak ka pa sa labas."

"Ewan ko sa'yo," sabi ni papa at umalis na roon.

Is this what we call a family?

When you've been a stranger all this while

Please father, don't hit me again

Scars inside, I'm forced to smile

We're not a 'happy family'

So stop drilling my head with this lie.

You want me to be a perfect daughter

Yet my desire is to die

"Ano ba naman 'tong marka mo Zafirah? I'm expecting lahat to line of nine. Yeah tama nga ang ineexpect ko. 92,93,91,90,94,93 at 79 sa math. Simpleng Math na lang di mo makaya. Kanino ka ba nagmana ha? Nung ako pa 'yung nageeskwela laging 91 pataas ang math ko. Ang mama mo naman ay accountant kaya magaling rin sa math. Sila Albert at Chela mataas ang grades sa math ganun rin ang ate Tricia mo. So ikaw lang sa pamilya natin ang mahina sa math. Nakakahiya ka!" Galit na sabi nito habang ako naman ay napayuko na lang.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now