MUL 18

1.4K 37 2
                                    

Zafirah's POV

Nasa harapan ako ngayon ni papa na siyang nakaupo sa swivel chair niya. As usual pinapagalitan na naman ako.

"You have one month at ito lang ang nagawa mo. 'Yung iba mali mali pa."

"Pero pa 'yun kasi 'yung binigay mong data."

"Don't you dare blame me young lady on your mistakes."

"Pero pa. . ."

"I said don't talk back on me," galit na sabi nito kaya naman hindi na lang ako nagsalita.

"Ikaw grabe na 'yang ugali mo. Huwag mo kong gagayahin sa iba na kinakaya kaya na lang ng mga anak nila. Hanggang ako ang bumubuhay sa'yo 'wag na 'wag mo kong kakalabanin. Naiintindihan mo?"

"Opo."

"Sige na alis," aniya at umalis na nga ako roon.

"Hoy birthday na birthday ng grandpapa mo nakasimangot ka diyan. Ano bang iniisip mo?"

"Wala 'to Janina. May naalala lang akong masamang nangyari sa akin."

"Ok. Halika gala tayo," yaya sa amin ni Janina.

Birthday kasi ngayon ni grandpapa kaya naman walang klase at puro activities lang at kung ano ano pa.

Kaya napagpasyahan naming gumala na lang.

Xander's POV

Naglalakad ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"I'm sorry pero hindi kasi makakarating si Sophie dahil may sakit siya ngayon," rinig kong sabi ni Bryan sa isang prof.

"Ha? Paano 'yan eh siya ang dapat na kakanta."

"Yun na nga po pero may kilala akong maganda ang boses," rinig kong sabi ulit ni Bryan kaya naman sumabat na ako.

"Si Zafirah maganda ang boses niya," sabat ko.

"Si Zafirah? Eh ikaw Bryan sino 'yung kilala mong magaling kumanta?"

"Si Zafirah rin po."

"Hala sige na't hanapin na si Zafirah ng malaman na niya. Malapit na pati."

"Sige po," sabi ko at umalis na ako upang hanapin si Zafirah.

Patuloy lang ako sa paghahanap pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita.

Nasaan ka na ba Zafirah at hindi kita makita?

"Nakita mo si Zafirah?" tanong ko dun sa kaklase ni Zafirah.

"Hindi eh."

"Ikaw, nakita mo si Zafirah?"

"Hindi rin eh."

"Sige, salamat," sabi ko at maglalakad sana ulit ng makita ko si Zafirah kasama 'yung mga kaibigan niya kaya naman nagmadali ako para mapuntahan siya.

Zafirah's POV

"Woah masaya ka rin naman palang kasama Kirsten eh," sabi ni Janina.

"Salamat."

"Nice. Meron na naman nakadagdag sa atin."

"Shh tahimik Janina ang ingay mo."

"Tse. Hindi ikaw ang kinakausap ko Marc," sabi ni Janina kaya naman napatawa na lang kami ni Kirsten sa dalawa. Hay talaga ngang mas magbestfriend pa silang dalawa oh.

"Nandito ka lang pala Zafirah," sabi ni Xander na bigla bigla na lang sumusulpot kaya naman tinaasan ko na lang siya ng kilay.

"Halika," sabi nito at hinihila ako.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon