MUL 9

1.6K 48 7
                                    

AUTHOR'S NOTE

I DEDICATE THIS CHAPTER TO HER AS A SORT OF THANKSGIVING FOR MAKING A BEAUTIFUL TRAILER FOR THIS STORY.

Zafirah's POV

"Di ba si Emilia Tan iyon? Ang asawa ng anak ni Sir Clinton Tan. Bakit kayo magkausap at magkakilala? Bakit mo siya tinatawag na ma?" sunod snod na tanong niya sa akin na tunay ngang nagpakaba sa akin.

"So?" naiinip niyang wika.

"Eh ano bang pakialam mo sa buhay ko?" pagalit kong tanong sa kanya.

"Wala naman. Curious lang naman ako eh," wika niya at nagkibit balikat pa.

"Hindi mo ba alam 'yung quote na 'curiousity kills'?"

"Actually hindi eh kaya sagutin mo na ko."

"Bakit kita sasagutin? Nanliligaw ka ba?"

"Wow ha. Ang ibig kong sabihin sagutin mo na 'yung tanong ko."

"Ah linawin mo kasi."

"Now, answer."

"Fine. Hindi ka naman siguro tanga na kapag tinawag mo ang isang taong mama ay ibig sabihin nun ay ina mo s'ya."

"Not actually, may kilala ako ang tinatawag niyang mama is her lola at mommy ang tawag niya sa nanay niya."

"Sa tingin mo ba mukhang lola na si mama?" pagalit kong tanong sa kanya.

"Hindi."

"Yun naman pala eh. So pwede na kong umalis?" saad ko at akmang aalis na.

"Hep hindi pa tayo tapos," pagpigil nito sa akin.

"Ano pa bang gusto mong malaman?"

"Well bakit ka nagtatago? Di ba nga dapat proud ka dahil apo ka ng may-ari ng university?"

"Proud? Paano ko magiging proud kung ang atensyon nasa sakin. Tsaka isa pa ayokong makipagplastikan sa mga taong gusto lang mapalapit sa akin dahil sa apo ako ni Clinton Tan o sa magpatulong na mailakad ko sila kay kuya o kay Chela."

"May point ka dun pero bakit ayaw mo ng atensyon?"

"I guess it's none of your business Mr. So ngayon pwede na kong umalis?" naiinis ko ng tanong sa kanya.

"No."

"Ano na naman ba?"

"Kailangan ko ng kapalit para hindi ko ipagkalat ang sikreto mo."

"Ano? Pera? Bukas na bukas rin bibigyan kita. Magkano ba?" tanong ko at isang iling lang naging sagot niya.

"Kotse? Sapatos? Damit? Gadgets?" tanong ko pero puro iling lang ang sagot niya sa akin.

"Marami na ko ng mga sinasabi mo eh."

"So ano ngang kailangan mo?"

"Be my girl."

Sandali lang. Anong sinabi niya?

"WHAT? Be your girl? Are you insane? What made you think na papayag ako sa gusto mo? Ako magiging GF mo? No way."

"Come on. Stop being hysterical. Tsaka isa pa fake girl friend lang naman eh hindi naman totoo. Kung baga act lang, pretend parang ganun."

"So sa tingin mo papayag ako?"

"Yes dahil malalaman ng buong campus na apo ka ni Clinton Tan and you don't want na mangyari 'yun di ba?"

"Pero bakit mo ba ko gustong gawing fake gf mo?"

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now