MUL 46

1K 27 1
                                    

Zafirah's POV
Kagabi nangyari ang nasabing fashion contest.

Hindi ko in-e-expect na makasama pa ako sa top three winners pero kahit papaano ay hinihiling ko na manalo man lang ako.

May part na para sa akin pero syempre para sa best friend ko na si Janina.

Nakasimple lang akong get up sa ngayon. Well, lagi naman talagang simple ang suot ko eh.

Nang makapasok pa lang ako sa university ay panay na ang tingin ng halos karamihan ng estyudyante.

Masasabi kong mas nakakaawkward eto kaysa dun sa nalaman ng mga estyudyante dito na kapatid ko si kuya Albert.

Mas dumoble ang mga matang nakatingin sa akin at ang bulong bulungan.

Bakit ano bang meron?

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad ng may biglang dalawang babae ang lumapit sa akin.

"Hi Zafirah," bati sa akin ng isa.

"Hi?" pataka kong saad.

"I'm Elaine and this is my sissy Courtney."

"Nice meeting you Zafirah," saad nung Courtney tapos ay kinuha 'yung kanang kamay ko at pinagshakehands iyon.

Seriously?

"Magkatabi lang naman ang room ng first subject natin kaya sabay na lang tayong tatlo," saad muli ni Elaine.

"S-sige."

"You know what super beautiful mo kagabi. We thought nga ikaw ang mananalo eh unfortunately 'yung nagmamagandang Sophie na 'yun ang nanalo," sambit muli ni Elaine.

"Yeah. Disappointed talaga kami sa naging result. You see inagaw na nga ni Sophie si Xander sa'yo pati ba naman 'yung pagkapanalo kagabi aagawin niya pa sa'yo," ani Courtney.

"Ahh wala naman inaagaw si Sophie sa akin. Hindi naman talaga kami ni Xander tapos 'yung tungkol naman sa kagabi deserve naman talaga ni Sophie na manalo."

"Ok if you say so," sabay na saad ng dalawa.

"Ah we're here na pala." -Courtney

"Bonding tayo mamaya. Here is my number para matext kita," sabi ni Elaine kaya naman isinave ko na nga sa phone ko 'yung pinakita niyang number sa akin.

"Ciao," saad ni Elaine at pumasok na nga sila sa room nila kaya ako naman ay pumasok na rin at tumabi na kay Kirsten.

"Mga sino 'yun?" tanong ni Kirsten kaya naman nagkibit balikat na lamang ako.

Magkasama kami ngayon ni Kirsten dahil maglalunch na kami ng biglang dumating na naman 'yung dalawa.

"Hi Zafirah. Hi friend ni Zafirah," bati ni Courtney ng makalapit na sa amin.

"Pwede bang dito na lang kami makiupo?" tanong naman nito.

"Sige ba," nakangiti kong sagot kaya naman nakiupo na rin sila dito.

"You know what Zafirah ang ganda mo talaga. Hindi ka lang nag-aayos eh." -Courtney.

"Naku baka namamalikmata lang kayo. Hahaha."

"Hindi totoo talaga ang sinabi ni Courtney eh. Isa pa Zafirah dapat hindi ka nagkakain ng chocolates dahil nagpapataba 'yan," saad ni Elaine habang kinuha 'yung kakainin kong chocolate at itinapon.

Tapos na kasi akong kumain kaya naman kakainin ko na sana 'yung chocolate eh.

"Anyway as I was saying. Maganda ka Zafirah kailangan maging  consious ka sa outfit at sa beauty mo," sabi muli nito at kung ano ano pa ang sinasabi.

Papunta na kami ni Kirsten sa sunod naming room.

"Nakakainis 'yung mga babaeng 'yun lalo na 'yung Elaine. Ang aarte."

"Hayaan mo na."

Papasok na sana kami ni Kirsten ng dumating na rin si Sophie at talagang hinatid pa siya ni Xander.

Nakita kong nakatingin ito sa akin kaya naman  iniwas ko na ang tingin ko at pumasok na nga sa loob.

Wala naman ginawa kundi lesson lesson lesson.

May times pa nga na natawag ako pero hindi ako nakasagot dahil preoccupied pa rin ang isip ko kay Xander.

Tapos na ang fashion contest at wala na naman akong napagkakaabalahan kaya naman nung nakita ko si Xander ay siya na naman tuloy ang iniisip ko.

Uwian na namin at kasama ko pala si Janina. Si Kirsten kasi may kailangan pa raw gawin.

Nagkwekwentuhan kami ni Janina ng lumapit na naman sa amin 'yung dalawang babae.

"Hi Zafirah, hi Janina," bati nilang dalawa.

"Hindi nakakapaagtaka kung bakit kayo bestfriend parehas kasi kayong maganda." -Elaine

"Um Zafirah nagtetext  kami sa'yo pero hindi mo kami nirereplayan," saad ni Courtney kaya naman agad akong napatingin sa cellphone ko.

"Ay sorry."

"No it was ok. By the way ano let's go," - Elaine.

"Sige Janina ah," sabi ni Elaine at hinila na nga nila akong dalawa.

Wala na akong nagawa kundi magpahila na lamang sa kanila.

Nakarating kami sa isang mall.

Pinagpasukat nila ako ng kung ano anong damit at pinamake upan na rin nila ako.

"Ayan mas bagay sa'yo. Alam mo kasi Zafirah dapat ganyan ang mga sinusuot mo hindi 'yung shirt lang tapos jeans. Matuto ka rin heels at magmake up. Mas maganda sa babaeng tingnan ang babaeng nakadress at heels at make up. Dapat simula bukas ganyan na ang isuot mo at ang get up mo."

"Pero simpleng school days lang naman ah."

"Kahit na. Hindi ka naman nagpapalamang sa iba pagdating sa fashion. Sa society natin ngayon kailangan nating ipakita ang best natin. Kailangan nating ipakita na kaya rin natin na magsuot nito at gumamit nito para makafit in tayo sa society. Trust us Zafirah. Magiging maganda ang kalalabasan," -sipi ni Elaine.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon