MUL 23

1.3K 38 3
                                    

Natapos na ang dalawang buwan kaya natapos na rin ang aking punishment kaya balik sa dati ang bahay.

Pero naalala ko pa rin yung parusa sa akin dahil sa pagtulong ko kay Xander.

"Anong klaseng pagkain to Zafirah?" galit na tanong sa akin ni papa.

"Antonio pagpasensyahan mo na lang ang luto ni Zafirah. Hindi naman marunong magluto yan eh."

"Yun na nga eh. Kung sana tinuruan mo man lang yan magluto eh di sana maayos ang pagkain natin ngayon."

"Kung sana hindi mo siya binigyan ng ganyang punishment hindi ganito ang pagkain natin."

"Pwede ba tumigil na kayo. Hindi niyo ba nakikita na nasa harap tayo ng pagkain tapos nag-aaway pa kay,." saway ni grandmamma kanila papa . Bumisita kasi siya sa amin ngayon kaya dito na rin siya kumain.

Pagkatapos nung nangyari ay nagpadeliver na lang si papa ng pagkain para sa aming tanghalian.

"Ito na nga ba kasi ang sinasabi ko Zafirah. Kung pinagpatuloy mo yung cooking lesson mo nung bata ka pa eh di hindi masama ang lasa ng mga niluluto mo."

"Ma naman. Halos lahat na lang gusto mong alam ng mga anak ko. Nagcooking lesson siya, piano lesson, violin lesson, guitar lesson, voice lesson, swimming lesson lahat lahat na pero ni isang session walang natapos si Zafirah."

"Kasi walang pagpapahalaga yang anak mo sa mga pinapalesson ko sa kanya, hindi tulad ni Zychela kaya all round talented yan na si Zychela eh di tulad ni Zafirah."

"Ma naman 'wag niyo po sanang ipagkumpara ang mga anak ko."

Hay ganun talaga. Kahit sa konting panahon naranasan ko kung paano magtrabaho ng hindi sa kumpanya kundi magtrabaho na tulad ng mga ordinaryong tao lamang.

Mas naiintindihan ko na sila.

Masakit man yung mga sinabi sa akin nila papa at grandmamma buong puso ko na lang tinanggap. Hindi man lang ako humingi ng tawad kahit nahihirapan ako dahil alam kong ginawa ko lang ang tama.

"Hey, ano na naman bang iniisip mo diyan?" tanong sa akin ni Janina.

"Oo nga naman Zafirah," dagdag pa ni Kirsten.

"Huh ah wala lang."

"Anong wala lang? Si Xander iniisip mo noh?"

"Huh saan naman nanggaling yun Janina?"

"Oo nga naman Zafirah. Syempre iisipin mo ang boyfriend mo."

"Totoo ba na ako ang iniisip mo Zafirah?"

"At sino naman may sabi sa'yo nun Xander? 'Wag kang masyadong assuming ah."

"Sus deny ka pa eh. 'Wag kang mag-alala iniisip rin kita."

"Esus kakilig talaga sila noh Kirsten."

"Tama ka diyan Janina. Mabuti pa at iwan muna natin silang dalawa ng may alone time naman sila," sabi ni Kirsten at umalis na sila ni hindi nga sila nagpaalam na aalis na sila eh.

"Ano na naman bang nakain mo at ganyan ka makatitig sa akin."

"Ngayon ko lang kasi narealize na sobra mo palang ganda."

"Wag na 'wag mo kong lolokohin Xander ah. Ano ba kasi talaga?"

"Ito naman. Totoo na nga na maganda ka noh tsaka hindi ka man lang ba tablan nitong charming smile ko."

"Charming smile mong ewan."

"Eh maiba nga tayo Zafirah. Di ba hindi ka naman na grounded?"

"Hmm?"

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now