MUL 6

1.7K 44 4
                                    


"Hoy Xander, ano 'yang hawak hawak mo ah?" tanong sa akin ni Felix ng makatabi na sa akin.

"Wala," sagot ko sabay tago nito sa bulsa ko.

"Sus, ano nga 'yun?"

"Wala nga .Huwag kang makulit."

"Ok. Fine."

"Um halika snack muna tayo sa cafeteria," pagyaya ni Arthur.

"Sure," sagot ko naman at nagsimula na kaming maglakad at nagtungo na kami sa canteen.

Sa di ko inaasahang pagkakataon ay nakita ko na naman s'ya. Mukhang mahilig talaga kaming pagtagpuin ng tadhana ah.

Wala s'yang kasama at kumakain lang s'yang mag-isa. Siguro wala 'tong kaibigan kaya mag-isa lang siya.

"Ano Xander? Linya na tayo?"

"Ibili n'yo na lang ako. Ito pera oh," sagot ko at binigyan si Arthur ng pera.

"Anong bibilhin namin nito?"

"Bahala na kayo. Alam niyo naman ang gusto ko eh," wika ko at umalis na nga sila habang ako naman ay tumungo na sa kung saan nakaupo si Zafirah.

Zafirah's POV

May naramdaman akong umupo sa tabi ko. Di ko na lang pinansin st nagpatuloy sa pagkain ko.

"Gusto ko lang malaman. Bakit ang payat mo Zafirah?" Sandali nga bakit ba ko nito kinakausap at bakit kilala ko nito?

Sabagay pamilyar naman talaga ang boses niya. Sino ba 'to?

Pagtingin ko, sabi na eh pamilyar sa akin.

Inalis ko ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Di ko na lang siya pinansin.

"Eto naman deadma lang ba talaga ang poging face ko sa'yo? Naalala ko pa naman dati nagdro-drools ka na nga sa akin nun eh." Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Chillax," aniya habang ang kamay niya ay inaakto pang kumalma ako.

"Kung nakakapatay lang 'yan na tingin mo patay na ko ngayon buti na nga lang hindi dahil maraming babae ang iiyak at magluluksa. Baka nga isa ka pa dun."

"Excuse me mister. Bakit? Sino ka ba para iyakan ko?"

"Wow! Ang sungit mo naman. Nakikipagkaibigan lang eh."

"I don't need it."

"Sorry, akala ko kasi kailangan mo. Mag-isa ka lang kaya dito. Wala ka man lang kasama."

"May kaibigan ako, 'yun nga lang may klase pa sila eh."

"Siguro anti-social ka kaya di ka makuha agad ng kaibigan ngayong college," aniya habang nakalagay pa ang hinlalaki at hintuturo sa kanyang baba.

"So?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Kaya nga I'm offering myself to be your friend."

"Excuse me. Aalis na ko," sabi ko at tumayo na at iniwan na siya roon.

Sus. I don't need a new friend. Lalo pa kung mayabang na katulad niya. Nakakakulo ng dugo.

Well, I'm approachable naman at hindi naman ako warfreak pero I only consider friends are Janina and Marc beside them wala na.

Siguro nga anti-social ako. The main reason is I don't want to have fake and plastic friends. Ok na sa akin ang isa o dalawa basta totoo kesa naman sa ang dami mo ngang kaibigan eh puro naman pala peke.

Habang nag-iisip ako tungkol sa friend thingy na 'yan ay biglang nagring ang CP ko at pagtingin ko si Chela pala.

Ano naman kayang kailangan ng babaeng 'to? Ang alam ko may klase to ng ganitong oras ah

"Hello?"

"Unnie."

"Oh Chela, di ba may klase ka? Ba't ka tumawag?"

"Paano ba naman kasi ate napalabas ako sa classroom namin."

"Bakit? Ano bang ginagawa mo at napalabas ka?"

"It's him. Dahil sa kanya kaya ako napalabas."

"Sinong him?"

"Ehh just don't mind it," aniya hangga't sa nakita ko ng parating na ang prof ko.

"Oh sige Chela, baba ko na 'to. Ayan na si prof eh."

"Wait a. . ." hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil binaba ko na 'yung phone.

Xander's POV

"Sino 'yung babaeng kausap mo kanina?" tanong ni Ronald.

"Ah 'yun ba. Someone na gusto ko sanang makipagkaibigan."

"Sus kaibigan daw. Eh baka naman gusto mong ligawan at gawing flavor of the week," mapanuksong saad ni Felix.

"Yung babaeng 'yun? Nagpapatawa ba kayo? Eh hindi nga kagandahan 'yung katawan nun eh tapos liligawan ko. May taste naman ako kahit chickboy ako."

"Bakit? Pretty at cute naman 'yung girl ah?" ani Leo.

"Yeah pero 'yung katawan niya malayo sa mga naging girlfriend ko."

"And flings," dagdag pa ni Felix dahilan upang magtawanan kami.

Zafirah's POV

"Ok find your partner dahil gagawa kayo ng project at kailangan ito bukas," wika ng prof. Nagsitayuan na sila at naghanap ng kanikanilang partner.

Ako eto, nakaupo lang. Kung may magapproach eh di go. Keri ko 'yan noh pero kung wala eh di solo flight ako. Well sanay naman na ko.

Remember sa HS kahit groupings pa 'yan lagi namang may umaasa at inaasahan at isa ako sa mga inaasahan.

Mga ilang sandali pa ay may nakita akong paa sa tapat ng upuan ko at pagtaas ko ng aking mukha ay nakakita ako ng isang nakangiting babae. Maganda siya.

"Um wala kasi akong kapartner, eh pwede bang ikaw na lang?" tanong nito at nagsmile pa.

In fairness ang cute ng dimples n'ya.

"Sure," maikli kong wika.

"Yey, thank you ha,"

"No prob."

"Pwedeng patabi na rin?"

"Ok lang," sabi ko then umupo na siya sa tabi ko.

"Ako nga pala si Kirsten Gonzaga," aniya at naglahad pa ng kamay kaya naman tinanggap ko ito.

"Zafirah."

"Alam mo pansin ko lang, tahimik ka ba talaga?"

"Yeah."

"Bakit? Di ba nga dapat nagsasalita ka rin at makipaghalubilo sa ibang tao?"

"Hindi ako komportable eh."

"Ah ok pero alam mo kahit ang simple ng look mo, ang ganda mo," sabi niya kaya nagsmile na lang ako.

Wow naflatter naman ako doon pero hindi ko pinahalata. Minsan lang kaya ako mapuri kaya sulitin na.

"Ang cute cute mo pa. Sana maging magkaibigan tayo noh," nakangiti niyang saad.

"I hope so," wika ko at nagsimula na siyang magsalita. Nonstop pala ang bunganga ng babaeng 'to pagnasimulan na.

Marami pa s'yang sinasabi pero di naman ako nakikinig. Masyado siyang madaldal at makulit pero ok lang 'yun at least may nagustong makipagpartner sa akin.

"So? Sa inyo na lang tayo gagawa ng project ah," aniya dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"What! Hindi pwede."

"Bakit hindi?"

"Kasi.. . . Basta hindi pwede sa bahay."

"Wala tayong choice. Bawal naman sa bahay dahil nakikitira lang naman ako sa tyahin ko at ayaw na ayaw nun ang may bisita ako."

OH CRAP

What should I do?

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now