MUL 26

1.3K 32 4
                                    

Xander's POV

Ewan ko ba pero napapangiti ako habang iniisip ko si Zafirah. Yung mga inosente niyang mukha at ang mga effortless niyang galaw.

Di ko alam kung anong nakain ko pero sadyang napapangiti ako kapag naalala ko siya.

"Hoy. Ba't ka nakangiti diyan na parang tanga?" tanong ni Leo.

"Bakit? Bawal ba?"

"Hindi naman sa bawal pero para ka kasing tanga diyan. Sabihin mo nga.  Sino iniisip mo? Si. . ."

"Hindi si Zafirah ah."

"Wala pa naman akong sinasabi eh. Sabihin mo nga sa akin. Inlove ka na ba kay Zafirah?"

"Hindi. Alam mo naman kung sino ang mahal ko di ba?"

"Si Sophie. Xander malay mo nawala na 'yung nararamdaman mo kay Sophie. Hindi naman imposible 'yun di ba? Ngayon na hinahabol ka na ni Sophie ba't hindi mo pa tigilan 'yan na fake relationship niyo na 'yan ni Zafirah. Baka naman kasi nageenjoy ka na kasama mo si Zafirah."

"Hindi ah. Gusto ko lang naman ipadama kay Sophie 'yung mga sakit na naramdaman ko ng dahil sa kanya."

"Kaya mo ginagamit si Zafirah. Xander sinasabihan kita. Hangga't maaga pa itigil mo na 'yan dahil pagpinatagal mo pa 'yan may masasaktang inosenteng tao," sabi nito tapos umalis na.

Ano bang ibigsabihin ng lalakeng 'yun?

Tss makapunta na nga sa susunod kong klase.

Zafirah's POV

"Di nga Zafirah. Gusto mo talagang matutong magmotor?" tanong sa akin ni Kirsten habang naglalakad kami sa corridor.

"Oo nga."

"Ba't naman?"

"I found it so cool. Nakakainggit nga si kuya kasi siya marunong."

"Hello. Lalaki naman kasi kuya mo eh."

"May kakilala ka bang pwedeng magturo sa akin?"

"Wala eh."

"Ganun ba."

"Firah, Kirsten."

"Oh hi Janina," bati ni Kirsten.

"Hi din."

"Firah tapos ko ng gawin 'yung gown niyo."

"Ganun."

"Ba't parang hindi ka excited?" tanong ni Janina.

"Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan eh tapos mangangati pa tong katawan ko dahil sa gown na 'yan."

"Don't be too nega ok? I'm sure bagay sa inyo nila Zychela at Mika 'yung gown."

"Sandali nga. Anong gown?" tanong ni Kirsten.

"Magiging bridesmaid kasi 'yan na si Firah then kami ni mama 'yung nagdesign nung mga gown na gagamitin."

"Picturan mo sarili mo Zafirah ah para makita ko," sabi ni Kirsten kaya sumimangot na lang ako.

Nakisali pa 'tong si Kirsten. Tss.

****

Naglalakad na ako dito sa labas ng university ng may biglang bumusina kaya agad naman akong napatingin.

"Gusto mo ng joyride?" tanong sa akin ni Xander.

Motor. Agad na kumislap ang mga mata ko ng makita ko iyon.

"Xander."

"Ano?"

"Pwede mo ba kong turuan?"

"Turuan saan?"

"Magmaneho ng motor."

"Seryoso ka?"

"Mukha ba kong nagbibiro?"

"Kakaiba ka talaga. Bihira lang sa babae ang magkaroon ng interes na magmaneho ng motor."

"Ano na?"

"Oo na. Ito isuot mo muna 'tong helmet," sabi nito kaya sinuot ko na ang helmet at sumakay sa motor niya.

Matapos ang humigit kumulang isang oras ay natuto na rin akong magmotor.

Ang saya pala nito.

Ang saya pala kapag nakaaccomplish ka ng isang bagay.

Yung parang kaya mong ipakita sa iba na kaya mo rin.

Na kaya mo ring may magawang tama.

"Salamat pala Xander ah. Maraming maraming salamat. Nagenjoy ako."

"Ako rin naman. Nagenjoy akong turuan ka kahit medyo slow ka."

"Aray naman."

"Sige na nga. Umuwi ka na at baka makita pa tayo ng papa mo."

"Sige. Ingat ka," sabi ko at tumango na lamang ito at pinaharurot 'yung motor at umalis tapos umalis na rin ako para makauwi.

****

"Di nga? Marunong ka na talagang magmotor?"

"Oo nga kuya ang kulit mo. Baliw ka talaga."

"At least hindi panget di ba?"

"Aish kainis ka."

"Naiinis ka sa gwapong mukhang kong 'to."

"Ewan ko sa'yo." sabi ko tapos tinapon ko sa kanya 'yung isang throw pillow. Kaya nga throw pillow di ba?

"Ah ganun," sabi nito tapos kiniliti na ako.

"Kuya hahahaha tama na hahaha tama na," sabi ko habang kinikiliti pa rin ako nito.

Natigil kami ng biglang may nagsalita.

"Ilang beses ko bang sasabihin na ayaw ko ng maingay sa pamamahay ko."

"Papa," sabay na sabi namin ni kuya.

"Dumating na po pala kayo," sabi ni kuya.

"Ang bahay ay bahay hindi isang amusement park na napakaingay. Dito sa bahay ko alam niyo naman na bawal ang maingay."

"Pero--," hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kinurot ako ni kuya sa tagiliran.

"Sa susunod huwag kayo dito maglaro. Ang tatanda niyo na paglalaro pa rin ang iniisip niyo. Kaya wala kayong nagagawa sa mga buhay niyo eh. Hindi kayo tumulad kay Tricia at kay Zychela na may mga kabuluhan ang mga pinaggagawa."

Hindi ko na kinaya ang mga sinasabi ni papa kaya naman tumalikod na ako at umalis.

"Zafirah hindi pa ko tapos. Bumalik ka dito. Zafirah," tawag niya sa akin pero hindi ko na lang inintindi sa halip ay nagtungo ako sa aking silid at sinalampak ang sarili ko sa aking kama.

Kainis talaga. Lahat na lang bawal sa bahay na 'to.

Pati ba naman pagiging masaya bawal. No wonder kung bakit hindi siya masaya ngayon.

"Zafirah," tawag ni mama habang kumakatok tapos bumukas na rin naman ang pintuan.

"Zafirah hindi tama ang ginawa mo kanina."

"At si papa tama. Ganun ba 'yun?"

"Zafirah alam naman natin na mali ang papa pero mali rin 'yung ginawa mo. Dapat nirerespeto mo siya dahil siya ang ama mo."

"Pwede ba ma. Pagod na 'tong tenga ko kanila papa at grandmama. Pati ba naman ikaw."

"Zafirah."

"Kung pagsasabihan mo rin lang naman ako wag na ok."

"Alam kong kasalanan ko 'to.. Ang masasabi ko lang sa'yo kahit anong mangyari huwag na huwag kang maiinlove sa isang casanova dahil hindi naman totoo na kaya nilang magbago ng dahil sa isang babae. Tingnan mo ang papa mo. Akala ko dahil sinabi niyang mahal niya ko magbabago siya pero hindi nangyari 'yun. Mainlove ka na sa bestfriend mo sa kaaway mo huwag ka lang magmamahal ng isang casanova. Tama na 'yung ako lang 'yung nakaranas nito. Huwag na kayo," sabi nito tapos lumabas na ng kwarto ko.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon