MUL 8

1.6K 46 5
                                    


Sophie's POV

Nakita ko rin si Xander at sa tingin ko galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon.

Paano ko nalaman? Simple lang nung pupuntahan ko sana s'ya ay umalis siya bigla.

"Hoy halika na," tawag sa akin ng kaibigan kong si Patrisha.

"Oo nandyan na ko," sabi ko at sumunod na ako sa kanya.

"Ano 'yung nangyari sa'yo at huminto ka dun?" tanong sa akin ni Patrisha habang kami ay naglalakad.

"Ah wala."

"Anong wala? Huwag mo kong gawing tanga. Ano nga 'yun?"

"Oo na, nakita ko lang naman si Xander."

"Yun lang naman pa--- WHAT?"

Napatigil kaming dalawa at tumingin ang ibang estyudyante sa amin dahil napasigaw si Patrisha.

"Ok," aniya in an awkward voice pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Talaga? So what's his reaction nung nakita ka n'ya?"

"Of course shock 'yung reaksyon n'ya pagkatapos ay umalis na lang s'ya bigla."

"Usap na rin ang susunod diyan dahil nagkita na kayo."

"Hindi rin siguro."

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Nakita ko kasi siya may kasamang babae eh baka girlfriend n'ya 'yun."

"Kilala mo ba 'yung babae?"

"Hindi ko nakita 'yung mukha eh."

"Bakit parang nanlulumo ka dyan?" tanong niya pero hindi na ko sumagot.

"Alam mo Sophie hindi ka naman sigurado kung girlfriend niya nga 'yung babaeng 'yun at kung girlfriend nga n'ya 'yun eh so what? Di ba nga nagbalik ka rito sa Pilipinas para balikan si Xander hindi para magpatalo na lang," wika niya dahilan upang manumbalik ang ngiti sa aking labi. Patrisha is right. Hindi dapat ako napaghihinaan ng loob.

Xander's POV

Magkakasama naman kami ngayon dito sa meteor garden. Napagdesisyunan namin na dito muna tumambay tutal ay masarap ang simoy ng hangin rito.

"Oo nga eh nakakatawa talaga nung nahulog ka Felix dun sa hagdan," natatawang sabi ni Ronald.

"Oo nga eh," pagsangayon naman ni Leo.

"Huwag n'yo nga akong pagtawanan."

"Xander kanina ka pa tulala d'yan ah ano ba 'yang iniisip mo?" puna naman sa akin ni Philip.

"Wala may nakita lang akong multo."

"Multo? Ang taas ng sikat ng araw may multo?" nagtatakang tanong ni Felix.

"Grabe katakot naman pala dito sa university," sabi ni Ronald habang niyayakap pa ang sarili at umaktong natatakot.

"Alam n'yo ang sarap niyong pagbatukan. Ang iingay niyo eh," reklamo kaya naman tumahimik sila.

"Ano ba talaga 'yang iniisip mo?" tanong ni Arthur.

"Si Sophie, nakita ko s'ya."

"So-Sophie Alvarez?"

"Oo, siya nga."

"Sabi naman namin kasi sa'yo Xander eh nandito si Sophie," sabi ni Felix.

"Sinabi natin 'yun?" tanong ni Ronald

"Hindi."

"Hindi naman pala eh."

"Oo sinabi natin 'yun. Ikaw ang sarap mong batukan."

"Oo na. Sorry naman ayaw ko lang kasi talagang isipin na nandito 'yung babaeng 'yun."

"Syempre dahil nagkita na kayo mag-uusap kayo n'yan."

"So?"

"Ang amin lang naman paano mo siya haharapin?" At dun na ako natigil..

Ano ba dapat ang maging reaksyon ko ngayon na nagbalik na s'ya? Matuwa? Magalit? Ewan hindi ko alam basta ang alam ko lubos niya kong nasaktan.

*****

Naglalakad ako ng may mapansin akong naguusap dun sa medyo may tagong lugar.

Kilala ko 'yung boses na iyon kaya sumilip ako ngunit nagulat ako sa aking nakita at nadinig.

"Ba't hindi ka na lang sumabay sa akin pauwi tutal pauwi na rin naman ako?"

"Ayoko ma. Baka may makakita eh."

"Eh dun ka na sa labas sumakay para naman sabay na tayong umuwi di ba."

"Okay lang talaga ako ma. Mauna ka na tsaka isa pa may hindi pa naman ako uuwi eh," nakangiting wika niya.

"Sigurado ka?"

"Yes ma," sagot niya na may kasabay na tango.

"Sige, bye na lang."

"Bye ma," paalam niya then bineso n'ya ito at umalis na 'yung mama niya.

Nang nakaalis na 'yung mama niya ay agad naman akong lumakad ng isang hakbang at nagsalita.

"Di ba si Emilia Tan iyon? Ang asawa ng anak ni Sir Clinton Tan. Bakit kayo magkausap at magkakilala? Bakit mo s'ya tinatawag na ma?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Nakita kong nashock siya dahil sa mga sinabi ko at sa tinanong ko.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now