Chapter 35

27 5 0
                                    

London

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makarating kami sa bahay. Sinabi ko sa kanya ang nangyari at wala syang ibang sinsabi kundi gago daw si Ethan at patay daw si Ethan sa kanya kung may mangyari samin ng bata.

"What happened?" salubong samin ni Daddy pagkarating namin sa bahay.

Nagulat ako. Akala ko ba hindi sila uuwi ngayon?

"You're here?" kinakabahang tanong ni Kuya

"Yes, why?" si Mommy ang sumagot kay Kuya at lumapit sya sakin upang patahanin ako.

Kumunot ang noo ni Daddy nang tumingin sakin.

"Anong nangyari sayo?" tanong nya

"Dad kasi--"

"Win, I'm not asking you." pagputol nya sa sasabihin sana ni Kuya "I'm asking your sister."

Iyak lang ako ng iyak sa gilid. Naghalo halo na ang nararamdaman ko. Galit, sakit, kaba. Nanghihina na ako.

"Dad, Mom, pwede bang bukas nyo lang sya tanungin? Let her rest muna."

"No" agarang sagot ni Mommy

"What's happening?" gulat na tanong ni Ate habang dali daling syang bumaba sa hagdan. Kasunod nya si Pierrie na dumeretso sa tabi ko nang makababa sila.

"Are you okay, Ate?" tanong nya "Oh, you're obviously not." sagot nya sa tanong nya nang di ko sya sinagot

"Go to your room, Pierrie."

"No way" sagot nya kay Daddy

Umiling iling nalang si Daddy dahil alam nyang pag ayaw ni Pierrie, ayaw nya talaga. Di mo sya mapililit.

"So ano ngang nangya----"

"Daddy, I'm pregnant." I announced sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Daddy

"HERA!" sigaw ni Ate. Kinakabahan sa susunod na mangyayari.

Napapikit si Kuya at napailing si Pierrie.

"What the heck are you talking about, Hera?" galit na tanong ni Daddy

"Baby, what are you talking about?" tanong naman ni Mommy. Pilit na pinapakalma ang sarili nya.

"I'm pregnant"

"Itigil mo ang pagsasabi ng ganyan Hera. It's not funny." mariing tanong ni Daddy

"But I'm not trying to be funny, Daddy. Buntis nga ako. I'm pregnant."

Humigpit ang hawak ni Pierrie sa kamay ko. Kinakabahan sa magiging reaksyon ng nga magulang namin. Handa na ako sa sampal na at sa kung ano man ang sasabihin nila ngunit nagulat ako nang natahimik ang lahat.

Umiiyak si Mommy at Ate. Nakita ko namang tumulo ang luha ni Daddy. Si Kuya ay tahimik lang nakaupo sa gilid, nakatingin sakin.

"I told you, Honey." mahinang sabi ni Mommy kay Daddy na ikinagulat namin

"You knew?" Kuya asked Mommy. Hindi sya sinagot nito at niyakap lang ako ni Mommy.

"Ang bata bata mo pa. Pero nandyan na e. Congrats anak." sabi nito na mas lalong nagpaiyak sakin

"Si Ethan ba?" si Daddy. I nodded and Daddy sighed.

"Pananagutan nya ang batang yan sa ayaw at sa gusto nya."

"Dad, no." sabay na sigaw namin ni Kuya kaya mas lalong nangunot ang noo ni Daddy

"Why not? Sya ang ama, responsibilidad nya ang batag dinadala ng kapatid mo, Win."

Chasing LabelWhere stories live. Discover now