Chapter 24

22 5 0
                                    

Lucky

Today's our second day here in Siargao. Ngayon ay nakasakay kami ng bangka dahil mag i-island hopping kami.

"Guys! Smile!" rinig kong sigaw ng tourist guide namin

"Hoy Ate smile raw. Mamaya ka na makipaglandi kay Ethan" sita ni Pierrie sakin

Napapahiya naman akong nag angat ng tingin at nakita kong ako nalang talaga ang hindi nakinig. Ngumiti naman ako at agad naman kaming nag pose at ngumiti sa camera.

Habang papunta sa unang islang pupuntahan namin, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng dagat. Napakalinaw nito to the point na makikita mo na yung mga malalaking corals sa ilalim ng dagat. May mga isda rin na lumalangoy.

Nagsasalita ang tourist guide namin sa aming harapan pero yung atensyon ko ay nandoon lamang sa dagat. Parang gusto ko na tumalon sa bangkang ito at lumangoy. Nakakaakit talaga.

"Hoy"

"Ano ba?" saway ko kay Maggy na nasa tabi ko

Paano ba naman kasi, ginulat nya na nga ako, tinulak nya pa ako ng kaunti na naging dahilan para umahon ang kaba sa dibdib ko. Ang lalim lalim kaya ng dagat. Though may life jacket naman kami, natatakot pa rin ako. Okay, binabawi ko na yung sinabi ko kanina na parang gusto kong tumalon sa bangkang ito at maligo. Ngayon, hindi na.

"Hahaha ang epic kasi ng itsura mo, para kang manghang-mangha!" tumatawang aniya "Ngayon ka pa nakakita ng dagat gurl?" dagdag nya sa nang aasar na tono pa rin

"Eh kung ihulog kaya kita?"

"Ito naman, hindi na mabiro" niyakap nya ako

Lalo akong namangha nung nakarating kami sa Naked Island. Puting-puti at pinong-pino ang mga buhangin. There's no shade or anything in this island kaya pala tinatawag itong Naked Island. Perfect ang lugar na ito kung gusto mong magpa tan dahil walang cottage or trees or something ang island na ito na pwede mong silongan.

"Woah! Looks like mangingitim ako neto" Pierrie

"Ako rin! But I want to be tan so" Aiden answered him as he shrugged his shoulders

"Guys! Let's take a picture" sigaw ni Andrea habang itinataas na ang cellphone nya

Agad naman kaming nagsilapitan papunta kay Andrea.

"One, two, three"

"There you go!"

"Tara na Ate, libutin na natin ang island" aya ni Pierrie sakin

"Hoy mamaya na yan. Sabay nating lilibutin ang islang ito. Delikado pag kayo lang" si Kuya Win

"Kuya naman! Makikita mo rin naman kami" protesta ko dahil talaga namang kahit nandoon kami sa kabilang dulo ay makikita nya parin kami

"Basta hindi pwede" masungit na sabi nya

"Tsh! hindi pwede" mahinang ginaya ni Pierrie ang sinabi ni Kuya at nag make face pa

Agad ko namam syang sinaway.

"Hoy! Makita ka nun, patay ka talaga" saway ko at tumawa nalang kaming dalawa

We stayed there for like 2 hours before we decided to go to Guyam Island. We played volleyball without net because Aiden only brought his bola. We also took a dip sa dagat.

"Guyam Island is a tear drop shaped island in the Philippine sea--" pag eexplain nung tourist guide namin habang nasa bangka pa kami papunta doon sa Guyam Island

"Woah! Hello Guyam Islanddddd!" sigaw ko pagkatapak namin sa buhangin doon

"Ang gandaaaa" sigaw naman ni Maggy at makikita mo talaga sa mga mata nyang namamangha sya

Chasing LabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon