Chapter 22

21 5 0
                                    

Rain

"Wohoo! I'm excitedddd!" sigaw ni Maggy

Nandito kami sa loob ng sasakyan ngayon papunta sa airport. Ngayon ang alis namin papunta sa Siargao. Completo sana kaming magpipinsan ngayon kung hindi lang grounded si Ate.

Naka stand by kami ngayon sa isang maliit na coffee shop sa loob ng airport. Alas syete palang ng umaga ngayon. May one hour pa bago mag boarding. I was scrolling my feed on instagram when I got a message from Ethan.

Ethan: Nasa airport na kayo?

Hera: Yeah. What are you doing?

Ethan: Nakahiga lang, naghihintay sa reply mo. Ingat kayo. Text me pag boarding na kayo.

Hera: Sus hahaha sure!

"Hera!" biglang sigaw ni Maggy malapit sa tenga ko

Sa sobrang gulat ko, muntik ko ng maitapon sa damit ko ang frappe na iniinom ko.

"Ano ba? What the fuck is your problem, Mags?" inis na sigaw ko sa kanya habang hinahawakan ang kaliwang tenga ko na parang namanhid dahil sa sigaw nya

"Kanina pa kami nag uusap dito" nakangusong sabi nya

"Eh ano ngayon?" tumaas ang kilay ko

"You're always on your phone. Hindi ba makapaghintay si Ethan sa reply mo?" si Andrea naman ang sumagot para kay Maggy

"Pinsan time to. Crush ko nga di ko no replyan e" si Ruix

"Oo nga naman Ate" sumang ayon naman si Pierrie

Bigla naman akong na guilty. Simula noong naging kami ni Ethan, aaminin kong medyo hindi na ako sumasama masyado sa kanila kasi kami palagi ni Ethan ang magkasama. Kung sumama naman ako, wala rin sa kanila ang atensyon ko kasi minu-minuto kaming nag uusap ni Ethan. Katulad nalang ngayon.

"Fine" nilagay ko sa bulsa ng short ko ang cellphone ko

"Ayun!" sigaw ni Noah at niyakap naman ako ni Maggy

Niyakap ko nalang sya pabalik at nakisali na ako sa mga pinag uusapan nila.

"Pero Kuya, wala na ba talagang chance na magkabalikan kayo ni Ate Lany?" tanong ni Andrea kay Kuya Win

Yes. Ito ang topic namin ngayon. Himala nga e at napapayag si Kuya na pag usapan sila ni Ate Lany. Secretive kasi si Kuya. Hindi nya sinasabi samin ang mga bagay bagay tungkol sa kanya kaya laking gulat nalang namin nung malaman namin na may girlfriend na sya at mas lalong laking gulat namin nang malaman namin na naghiwalay na sila.

"Wala na siguro" ngumiti si Kuya ng mapaet

"Bakit naman kuya?" si Aiden

"Di ko sya mabigyan masyado ng oras e" simpleng sagot nya at uminom sa hot coffee nya

"Oh? Malapit na mag boarding tara na"

Hindi na nasundan pa ng tanong si Kuya nang biglang sumingit si Noah sa usapan. Buti nalang at namalayan ni Noah ang oras dahil mukhang nag e-enjoy pa naman kaming lahat sa pang chichismis sa love life ni Kuya.

Dali dali naming kinuha ang mga bagahe namin at lumabas na sa coffe shop.

"Cr lang ako" paalam ko sa kanila

"Ngayon pa? Malapit na mag boarding Her, mamaya na yan" Maggy

"Di ko na kaya! Mauna na kayo. Susunod lang ako. Mabilis lang to"

"Samahan na kita" si Noah

Binigay namin ang mga bagahe namin sa kanila para madala nila. Mabuti nalang at walang tao masyado sa restroom na ito. May isang cubicle lang ang may tao. Madami naman kasing restroom sa airport na to e.

Chasing LabelWhere stories live. Discover now