Chapter 25

20 5 0
                                    

Call

"Ako naman videohan mo, Pier!" sigaw ko kay Pierrie

Abala sya sa pagvivideo kay Maggy na nag susurfing. Si Andrea naman ay nagpapaturo pa sa trainor at sina Kuya, Noah at Aiden ay nag-eenjoy na sa pag susurfing. Bata pa lang kasi sila ay marunong na. Si Ruix ay di ko alam kung nasaan, naghahanap siguro yun ng babae.

"Teka lang Ate, di pa tapos si Maggy" sigaw pabalik ni Pierrie sakin

Marunong si Pierrie mag surfing kaya lang, bago paman sya naka pag surf ay hinila na sya ni Maggy para may taga video sya, kaya wala nang nagawa si Pierrie.

Marunong naman ako mag surfing kaso hindi pumayag si Kuya na mag su-surf ako nang wala sya, delikado raw. Eh ayoko namang guluhin silang tatlo, mukhang nag eenjoy e.

Pangatlong araw namin dito sa Siargao at nandito kami ngayon sa Cloud 9. Isang sikat na lugar dito sa Siargao. Sabi pa nga ng Tourist Guide namin ay ito raw agad ang kadalasang unang pinupuntahan ng mga tao pag pumunta sila dito. Malakas at fresh na fresh ang hangin. Malalakas at malalaki yung mga alon kaya naman perpekto ito pag gusto mong mag surfing. Halos lahat nga ng nandito ay nagsusurfing o di kaya ay nandoon sa boardwalk na nasa gitna ng dagat.

"Ang tagal naman e" nakanguso kong sinigawan si Maggy na mukhang nag-eenjoy pa talaga sa pag susurfing.

"Last 15 minutes" bagaman malakas ang tunog ng alon na sinabayan pa ng tunog ng hangin ay narinig ko ang sigaw nya kaya naman wala akong nagawa kundi ang panoorin nalang sila na nag eenjoy sa pag susurf

"Kuya!" sigaw ko sa kanya nang hindi ko na talaga kaya ang inggit

"Dyan ka lang" sigaw nya at unti unting huminto sa pag su-surf para lumapit sakin

"What?" iritang tanong nya na para talagang isa akong istorbo

"Gusto ko na mag surf, samahan mo na ako" parang maiiyak na sabi ko

Bigla naman syang lumapit sa bag nya at pinunasan ang mga kamay nya.

"Oh" binigay nya sakin ang cellphone nya

Automatikong tumaas ang kilay ko.

"Anong gagawin ko dyan?" tanong ko, naguguluhan

"Gusto mong bag surf diba? Then, here. Unli yang data ko, mag surf ka hanggang kailan mo gusto" tumawa sya sa sarili nyang joke

"Puchangina!" hindi makapaniwalang ani ko

Humagalpak naman sya ng tawa.

"Joke lang" sabi nya na tumatawa pa rin

Inirapan ko nalang sya.

"Tara na kasi, gusto ko ng mag post sa social media"

"Tss! Yabang!"

"Heraaaa! I'm doneee" sigaw ni Maggy habang papalapit sa amin

Tumatagaktak pa ang tubig mula sa buhok at katawan nya.

"Yes! It's my turn. Tara Kuya" yaya ko kay Kuya at sumunod naman sya

"Taena! Gustong-gusto ko na maligo" nagpaparinig na reklamo ni Pierrie

"Mamaya ka na maligo, videohan mo muna ako"

Nakasimangot ang mukha ni Pierrie habang nag vi-video haha ang cute talaga ng kapatid ko.

We decided to go back sa hotel ng mga 7 ng gabi. Naaliw kasi talaga kami sa pag su-surf at pagkuha ng mga pictures lalo na nung nagkaroon na ng sunset.

Pagkarating namin sa hotel, pagod na pagod kaming lahat. As usual. Kaya hindi na namin nagawang bumababa at kumain ng dinner sa isang restaurant doon.

Chasing LabelWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu