Chapter 28

19 6 0
                                    

Mommy

"Wala ba kayong planong gumala ngayon?" Daddy asked us

Nandito kami ngayon sa hapagkainan. Nagbe-breakfast.

Totoo nga siguro ang sinasabi nila na mabilis lumipas ang mga araw pag masaya ka. July na ngayon. Ang huling buwan ng aming bakasyon. At salamat naman sa Diyos kasi walang maski isang problema ang dumating sa amin mula January hanggang ngayon. Yung mga naging problema lang namin ay kung anong isasagot sa exam, kung paano i memorize lahat ng coverage, mga ganon lang pero I'm proud to say na nalampasan namin lahat ng iyon!

"Daddy can I go to the mall?" si Ate at nagpapacute pa ang gagi

"Sure honey. I'll just deposit the money later sa account mo para may pang gala ka"

Yep. Ate got her freedom back. She's not grounded anymore.

"Yay! Thanks Dad!" Ate thanked him

"No problem baby" Daddy smiled at her at nagsimula ng kumain

"What about you three? Wala kayong planong gumala?" singit ni Mommy at uminom ng juice mula sa baso nya

"Ako wala, magbabasa ako" diretsong sagot ni Kuya

Napangiwi naman si Mommy.

"Palagi ka nalang nag-aaral. Bakasyon ngayon Win. Give yourself a break, anak!" malumnay na sabi ni Mommy

"Kailangan Mom"

"Ako meron" singit ko

"Mag di-date na naman kayo ni Ethan?" asik ni Pierrie

"Anong pakialam mo?" singhal ko sa kanya

"Guys, stop that. Nasa hapagkainan tayo" saway ni Daddy at tumingin sakin

"Just be sure to go back here before 6 pm Hera" serysong aniya and I nodded

Yep. Pinakilala ko na sya kina Mommy at Daddy last month and they both got no problem with us naman. As long as na unahin namin ang pag aaral namin at alam namin ang limits namin. They trust Ethan naman lalo na nung nalaman nilang anak sya ni Mamay.

"Thanks Dad" I thanked him at I kicked Pierrie's legs under the table

"Aray!" sigaw nya and he glared at me at nagpatay malisya naman ako kaagad.

Buti nga sayo.

"Ang ingay naman nung nasa gilid natin eh, di ako nakapag concentrate sa movie" inis na reklamo ko kay Ethan nang makalabas na kami sa loob ng sinehan

"Sabi ko ngang mag movie suites nalang tayo e" tumatawang aniya

Ang movie suites ay like watching a movie in a private room. By room yun at syempre babayaran nyo yung private room na yun. Para syang isang sinehan rin, madilim. Ang kaibahan lang ay pribado yun, para lang talaga sa inyo at nakakahiga ka.

"Ayoko nga! Baka ano pang gawin mo e" inirapan ko sya

"Amfeeling!" namamangha kunwaring sagot nya saka tumawa

Napapahiya naman akong nag angat ng tingin saka ngumuso.

"Sus! Halika na nga!" inakbayan nya ako saka inipit ang leeg ko

"Ano ba! Masakit!" angil ko at binitawan nya naman ako

"San tayo?" tanong ko

"Ikaw bahala"

"Kakain?"

"Puro ka nalang kain"

"Edi arcade?"

Chasing LabelWhere stories live. Discover now