Chapter 33

24 5 0
                                    

Pregnant

"What do you want? Ako na oorder" tanong ni Ethan sakin.

Nandito kami ngayon sa cafeteria nagla-lunch kasama namin ang mga kaibigan nya na sina Wayne at Leo at Johnson at ang mga pinsan ko except kay Noah at kay Ate. Absent si Noah ngayon kasi may importanteng lakad, si Ate naman, may klase pa. Mamaya pang 1 pm ang lunchbreak nya.

"Anything" maikling sagot ko. Tumango naman sya at tumayo na para sumunod kina Aiden at Ruix, Wayne at Johnson na mag order.

"Hayyy gusto ko na umuwi" biglang reklamo ni Maggy sabay inat sa kanyang mga braso

"Edi umuwi ka" sagot ni Leo sa kanya

Nanlaki ang mga mata ni Maggy nang tiningnan nya si Leo "Excuse me? Kinakausap ba kita?"

Leo pointed his self "Ako ba kinakausap mo?"

"Ah! Bwesit ka talaga! Bakit ba nandito ka?" inis na sigaw nya sa mukha ni Leo

"Alam mo Mags, bagay kayo." singit ko at tumawa naman ang mga pinsan ko

"Yeah. Bagay kayo Mags" sang ayon ni Andrea

"What?" di makapaniwalang tanong nya

"Bagay nga daw kayo ate." ulit ni Pierrie

"Ewwww! Mandiri nga kayo!"

"Wow! Maka ew ka, para namang maganda ka!" si Leo

"May sinabi ba ko na maganda ako?"

"Maging kayo na please" singit ko ulit. Ang cute kasi talaga nilang tingnan. Bagay na bagay.

"Shut up Her!"

"Ang bad mo Maggy. Nag sa suggest lang naman e" I pouted

"Bakit nyo ba kasi ako pinipilit sa unggoy na yan?" sagot nya

"Mags chill, nagbibiro lang kami" depensa ni Andrea sakin

Tumahimik nalang kami at wala nang nagsalita hanggang sa dumating sila dala dala ang mga pagkain namin.

"Mag dumaan bang anghel? Ang tahimik nyo?" malokong sabi ni Wayne sabay lapag sa tray na hawak nya

"Anong nangyari?" si Aiden

Walang sumagot sa kanila.

"Back to you Wayne and Aid" humalakhak si Ruix

"Parang kanina lang tumatawa tayo ah?" Si Johnson naman ang nagsalita

"Just shut up John" masungit na singhal ni Leo sa kanya

"Woah! Chill bro"

"Anong nangyari babe?" bulong na tanong ni Ethan sakin nang makaupo na sya sa tabi ko.

"Basta" simpleng sagot ko

Hindi nya naman ako kinulit kasi alam nya na wala talaga ako sa mood magkwento. Kilala nya na ako.

May naamoy naman akong mabaho kaya napatingin ako sa mga pagkain na nasa mesa. Na focus ang paningin ko sa pagkain ni Ruix. Isa itong spaghetti at may hawaiian pizza sa gilid ng plato. Bigla akong nasuka. Parang bumabaliktad ang sikmura ko.

"Oh anong nangyayari sayo?" nag aalalang ani Andrea nang makita nyang nasusuka ako

"Ilayo mo nga sakin yan Ruix" nakakunot noong turo ko sa pagkain nya. Magkatapat kasi kami ng inuupuan, katabi nya si Andrea.

"Huh? Bakit?" naguguluhang tanong nya

Nakatingin na sakin ang lahat ng tao dito sa mesa namin.

"Basta ang baho nyan. Ilayo mo sakin yan"

Chasing LabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon