Chapter 32

20 5 0
                                    

Weird

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay first day of school na!

Mommy has already recovered at bumalik na talaga sa dati yung sigla nya.

"Goodmorning" bati ko pagdating ko sa dining area

Nandoon na silang lahat except kay Daddy na maaga pumasok sa trabaho nya.

"Aray! Ano ba?" rinig kong inis na inis na sigaw ni Pierrie

"Tumahimik ka nga" singhal ni Kuya sa kanya

"Anyare?" kuryosong tanong ko

"Nag aasaran na naman" Ate answered me and she sighed so I just shrugged my shoulders in response

"Panget" pang-aasar na naman ni kuya sa nananahimik na si Pierrie

"Mas panget ka" naka ekis ang kilay na sagot nito

"Ikaw ang bunso kaya ikaw ang panget!"

Hindi nya sinagot si Kuya ngunit nakasalubong ang mga kilay nyang tiningnan si Mommy.

"What is it, Pierrie?" nakangiting tanong ni mommy sa kanya

"Mommy di ba sabi ng mga tao, magkamukha tayo?" he asked Mom and he pouted

Tss parang bata eh ang tanda na naman nito. Masyado kasing bine-baby nina Mommy kaya kahit na teenager na, bata parin ang utak.

"Hmmm" Mommy nodded her head "Why?"

"Edi panget ka rin" humalakhak ito ng pagkalakas lakas "sabi ni Kuya pangit ako e magkamukha tayo"

Siraulo!

"Pierrie!" sabay na saway ni Kuya at ni Ate sa kanya

Tumawa si Mommy at hinalikan ang pisngi ni Pierrie "Hindi ah. Ang gwapo kaya nitong bunso ko" panlalambing nito

"See?" nakangisi itong bumaling kay Kuya and we just laughed.

Sabay kaming tumungo papunta sa skwelahan at as usual, hinatid lang kami ni Kuya.

"Girl! Omggggg!" bungad ni Vain samin

"Ang tagal mo naman" singhal ko sa kanya

Kanina pa kami naghihintay dito. First day na first day, ang bagal pa rin kumilos. Tss!

"Na late ako ng gising e sorna" nagpapacute na sabi nito "Pero gurls! Omg talaga!" dagdag nito

"Ano ngang omg?" inis na tanong ni Angelie sa kanya

Bahagyang kumunot ang noo ni Vain "Oh my gosh kasi yun! Mygad Anj? Di mo alam? Oh my gosh yun pero pwede rin namang Oh my god or--"

"Gago! Syempre alam ko! Ang ibig kong sabihin, ano ang balita mo sa likod ng omg na yan?" pinutol na ni Angelie si Vain

Agad namang bumaling sakin si Vain kaya napabaling na rin sakin sina Angelie at Dina.

"Bakit?" tanong ko

"Rain's here!" umiirap na sabi nito

"Omg" sabay na sigaw ni Dina at ni Angelie

"See? Omg" tumatango tangong ani Vain

"Oh? Walang reaksyon?" si Dina

"Alam ko naman. Si Ethan pa nga yung sumama sa kanyang mamili ng school supplies e" I bitterly said

"Hindi ka man lang nagalit?"

"Nagalit kaso inexplain na rin naman ni Ethan sakin kung bakit kaya ayun pinatawad ko na rin"

Chasing LabelWhere stories live. Discover now