Chapter 19

21 5 0
                                    

Disappointed

"Dad?" kinakabahang tawag ko sa kanya nang makarating ako sa carpark

Nakasandal sya sa sasakyan nya at sigurado akong nasa loob na si Pierrie.

"Get inside the car!" walang emosyong utos nya

Dali dali akong pumasok sa backseat ng sasakyan at pumasok na rin si Daddy sa driver's seat.

Tahimik kami buong byahe. Gusto ko mang tanungin si Daddy o si Pierrie kung anong nangyayari ay inunahan ako ng takot na baka pagalitan ako ni Daddy.

"You can't do this to us, Liberty!" rinig kong sigaw ni mommy.

Hindi paman ako nakapasok sa bahay ay alam ko na may kinalaman talaga ito kay Ate at galit talaga si Mommy.

Sabay kaming tatlo na pumasok sa bahay at nakita kong nakaupo si Ate sa couch umiiyak at nasa tabi nito si Kuya. Si Mommy naman ay nakatayo sa harap nila na para bang na didismaya talaga.

"She already did" buong buo ang boses ni Daddy ng sabihin nya yun

Napatingin si Mommy sa gawi namin nang marinig nya ang boses ni Daddy.

"Hera, Pierrie, go to your room" Mommy

"No!"


"Ayoko"

Magkasabay na suway namin ni Pierrie!

"Ano ba! Wag na kayong dumagdag sa problema" Mommy

"Ano ba kasing nangyayari?" inis na tanong ko

"Do not raise your voice at your Mom, Hera!" saway sakin ni Daddy

"Go to your room!" utos nya na naman samin ni Pierrie

"Pero mommy--"

"Pierrie sige na anak pumunta na muna kayo sa taas" pakiusap nya

"Si Ate ang involve dito kaya dapat naming malaman" tumingin ako kay Kuya, nanghihingi ng tulong

"Let them stay, Mom" marahang sabi ni Kuya

"Hayaan mo na. Dapat din naman talaga nila malaman ang ginawa ng Ate nila nang sa ganoon ay hindi sila tumulad" Daddy at napunta ang tingin nya kay Ate

"Oh anong iniiyak mo? Kagagawan mo yan!"

Napatingin naman kami kay Ate at nakitang umiiyak sya. Pulang pula na ang mata nya.

"I'm sorry Daddy, Mom" hingi ng tawad ni Ate

Umupo ako sa tabi ni Kuya. Si Pierrie naman umupo sa single couch.

"Wala kaming ibang pinagawa sayo Liberty kundi ang mag aral. Yun lang, hindi mo pa nagawa?" galit na sigaw ni Mommy "Alam mo anak. Alam mo kung gaano ka importante sa amin ang pag aaral nyo! Bakit mo kami binigo ng daddy mo? You disappointed us."

Lumapit naman si Daddy sa tabi ni Mommy at tumingin kay Ate.

"Bakit ka bagsak sa lahat ng subject mo?" mariing tanong ni Daddy "Bakit naman sa lahat ng subject anak? Sa lahat." diniinan ni Daddy ang huling sinabi nya.

Bagsak si Ate sa prelim? Sa lahat ng subject? Tumingin ako kay Ate na umiiyak pa rin.

"Daddy..."

Hindi nya magawang mag salita kung bakit.

"May boyfriend ka?" mariing tanong ni Mommy at hindi naman nagsalita si Ate "May boyfriend ka ba?" nawawalang pasensyang ulit ni Mommy sa tanong nya kanina

Nahagip naman sa peripheral view ko ang dahan dahang pagtango ni Ate. Shet.

"Wag mong sabihing buntis ka?" napapikit na tanong ni Daddy

Chasing LabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon