Chapter 3

55 7 3
                                    

Tweets

"Magkakilala kayo?" palipat lipat ang tingin ni mamay sa aming dalawa ni Ethan

Oo si Ethan! Ang Ethan na naging m.u ko noon at ang Ethan na anak ni Mamay na nandito sa harap ko ay iisa!

Potangina naman! Tadhana! Di ako na inform ha, di ako na ready.

"Magkakilala kayo ma?" tanong nya kay mamay sabay upo sa upoan na nasa harap ko na tabi ni mamay

"Nako naman anak! Syempre! Magkakilala rin kayo?"

Oo Mamay! Magkakilalang magkakilala! Tangena nyang anak mong paasa!

"Ah he was my classmate po when we were in shs" inunahan ko na sa pagsasalita si Ethan at baka may masabi pa syang mali kay mamay.

Bakit nga ba hindi ko naisip yun noon? Michelle de Guzman, Ethan de Guzman. Argh how stupid of me!

And see? Ni hindi ko nga pala kilala ang mga magulang ni Ethan at heto ako't nag momove-on parin? Tarantadong kupido!

"Ah talaga? Alam mo ba Ethan, itong si Hera ay mahal ko talaga. Naaalala mo anak noong bata pa kayo? Diba may trabaho ako noon? Sa kanila ako nag trabaho. Ako ang nag alaga kay Hera simula pinanganak sya, nagliligo, nagbihis, nagpapakain at palagi ko itong kinakantahan noon para lang maka tulog pati ang kapatid nitong si pierrie kaya miss na miss ko sila. Buti nalang at nagkita kami ngayon" kwento ni mamay sa anak nya

Ethan smiled at me and he looked at his mom.

"Talaga? It's good"

I don't know if it is just me? But I can sense Ethan's plasticity while delivering those words. And it's like he's feeling awkward.

"Oo naman! Nako! Marami talaga akong ala-ala sa batang ito at sa kanilang pamilya. Tsaka alam mo Eth---"

"Hera!" sabay kaming tatlong napalingon sa gawi ni Ate

YES!

"Halika na! Who are you talking ba...Mamay?" Ate said hysterically

"Mamay" tawag nya ulit kay mamay sabay takbo sa kanya at yumakap

Awkward!

I immediately looked at Ethan na hindi ko matukoy kung anong nasa mukha nya ngayon. Galit? Jealousy? At bakit naman sya magagalit o magseselos eh wala naman kaming ginawa? Ang complicated talaga ng utak ng lalaking yan kahit kailan!

"Anak! Ang laki mo na Liberty!"

"Ay si Ethan nga pala anak ko" Mamay introduced Ethan to Ate

Napatingin si Ate kay ethan na hindi man lang ngumiti.

Oh come on ate! Not now please! Mamay doesn't know anything about us!

"Ah Ate let's go? Akala ko ba pinapauwi na tayo ni Daddy?" pagpapalusot ko, kinakabahan

"Ah! Right!" my sister smiled at them

"Mamay we have to go. Alam mo naman si Daddy kung magalit" tumawa si Ate

"Nako sige anak! Sana magkita pa tayo. Ingat kayo"

"Of course mamay. Kayo din"

"Tara na sis. Bye Mamay, Ethan" tumango ako sa kanila sabay hila kay Ate

Hila hila ko parin si Ate hanggang makarating kami ng car park.

"What was that?"

"Ano?" padabog kong tanong sa kanya pabalik

"Si Ethan? Anak ni Mamay?" Ate sabay pasok sa driver's seat

"Obviously Ate, duh?"

May sasabihin pa sana si Ate ngunit hindi nya nalang isinatinig pa at nagbuntong hininga nalang sya at umiling iling habang nagsisimula ng magmaneho.

When we arrived at our house, we immediately went to the dining area and we saw Dad, Mom, Kuya Win and Pierrie and they're all eating already.

We kissed Dad and Mom's cheek then sabay kaming umupo ni Ate sa pwesto namin sa table. Katabi ko ngayon si Pierrie.

"Ba't antagal nyo?" Pierrie asked

"We'll talk later" I simply answered and he just nodded

Mamaya ko na sasabihin sa kanila ni Kuya na anak si Ethan ni Mamay. Panigurado magugulat sila. Ha!! At mabuti nalang din at hindi na naisipan ni Ate na sabihin sa kanilang lahat ang nangyari. Well, my Ate's always like that. She's a secret keeper.

"Ah anak, your Mom and I will go to Singapore the day after tomorrow. Y'all wanna come?" Daddy asked us

"For work?" Kuya asked

"Nope. Bakasyon lang, to have fun" Mom laughed

"Alam nyo namang tumatanda na kami ng Mommy nyo. We should enjoy" Dad

"That's right Dad" Pierrie

"Na we should enjoy?"

Umiling si Pierrie

"Na tumatanda na kayo" Pierrie sabay halakhak

"Pierrie" Kuya warned him

Tumawa kaming lahat

"Hala Dad o! Bawasan mo nga allowance nyan" Ate Liberty

"Ang kj nyo naman" Pierrie

"O nga naman. Hayaan nyo na itong bunso natin bata pa kasi" Mommy sabay kiss sa cheek ni Pierrie

"Bata? May girlfriend na nga yan eh" tukso ko

"Really son?" Dad looks amused

"No! That's not true Daddy!" sumimangot na sya kaya natawa nalang kaming lahat

"So ano na? Sasama kayo? We'll book a ticket immediately" Mom

"Ay ako Mom hindi, I can't go. I have to study in advance for our lessons next semester"

Kuya's taking his course seriously talaga. Hindi sya pwedeng bumagsak. Dad will be so disappointed at him if that ever happens.

"Enrolment na din kasi mom" Ate

"Kaya pass muna kami Mommy" tumingin si Mommy sa akin

"So I guess Pierrie won't join our trip too?" Dad asked looking at pierrie.

Pierrie nodded "We will be busy for the enrolment next week Dad" he explained

"Is that so?" tumaas ang kilay ni Mommy

Tumango kaming apat.

"Okay then, tell your cousins to come here ha, sleepover?" Dad laughed

Alam na naman nilang palagi kaming nag oovernight e.

"Sure" Ate

While I was lying on my bed, naisipan kong mag browse ng internet.

*Opens facebook*
Ugh memes everywhere. Well, I love memes naman.

*Opens messenger*
I replied to Vain's message sa group chat namin. Nangungumusta lang naman sila. I also read messages from the Villanueva group chat, my cousins, but I didn't reply.

*Opens ig*
I watched some stories of the people I follow at wala namang masyadong new post sila kaya I went to twitter

*Opens twitter*
There, I saw Ethan's tweet. 1 hour ago at sunod sunod pa.

EthanDG@ethandguzman:
You fucking failed to be a mom to us, and all those times, you were there pala, taking care of other people's children. What the hell!

EthanDG@ethandguzman:
I don't fucking know what to feel.

Yep! We're following each other on twitter. Ito lang ang natirang pang komunikasyon naming dalawa because one week after I found out na nagkabalikan sila ni rain, I blocked him sa lahat ng social media platforms. Well, except for twitter.

So this is the reason kung bakit pala galit at selos ang nakita ko sa mukha nya kanina. I feel so bad for myself. Bakit nga ba kami pa ang naalagaan ni Mamay noon. Habang inaalagaan nya kami, yung mga anak nya, nangungulila sa haplos ng isang ina. Stay in kasi si mamay noon. Every saturday lang sya umuuwi.

Sooo, may hinanakit ka pala. I'm sorry ethan, I didn't know.

Chasing LabelOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz