Chapter 5

48 7 0
                                    

Second Semester

"Pierrieeee? Can you move a little bit faster? Ang bagal bagal naman mo naman eh! Mali-late na tayo" sigaw ni Ate mula sa labas ng bahay na naka abang kay Pierrie sa harap ng pinto.

First day ng second semester ngayon, at pag may pasok, ito yung gawain namin every morning. Sabay kasi kaming apat na pupunta ng school, well, actually, ihahatid lang talaga kami ni kuya kasi gabi pa yung pasok nya 4:00-8:00 pm pa. Ihahatid kami kasi we only have three cars dito sa bahay. Yung isa, kay Mommy, yung isa kay Dad at itong isa, ang kay Kuya. Hindi pa daw kasi papayag si Daddy na mag drive kami ni Ate, though marunong kami pero hindi mapapayapa ang isip nina Daddy at Mommy sa amin kung kami yung nag dadrive kaya mabuti na daw na ganito. Si Pierrie naman, hindi na nagpabili ng kotse kasi tamad sya, he doesn't want to drive daw at baka raw pag may kotse na sya eh gawin namin syang driver ni ate tss. So ayon, pagka uwian naman namin, it's either maghihintay kami ni Kuya or sasabay kami sa iba naming pinsan pauwi. We don't have the same schedule kasi college na kami.

"Oo na nga Ate!! Coming! Ang oa neto 7:00 am palang naman ah?" inis na sigaw ni Pierrie pabalik kay Ate sabay pababa sa hagdan

"Oo at 7:30 yung first subject nating tatlo" umirap si Ate "In case you don't know"

"Kaya nga di tayo mali-late tss 15 to 20 minutes lang naman papunta doon from our house "

Kuya win started driving already.

"Kahit na!" Ate

"Alam mo namang maarte yan Pier kaya wag mo nalang pansinin, don't mind her" Kuya sabay tawa at lumingon sa amin ni Ate sa likod. Si Pierrie yung nasa passenger's seat.

"Oo nga Ate you're so oa" singit ko

"Shut up!" Ate rolled her eyes and we just laughed at her reaction. Pikon.

"Ang tagal mo naman?" salubong ni Dina sa akin, my friend, pagkapasok ko palang ng gate

Oh! They're all here na pala! My bestfriends, Dina, Vain and Angelie. And they're just waiting for me para makapunta na sa first subject namin. Physics.

"Sorry, ang tagal kasi ni Pierrie and you know, we waited for him" ako

"Oh nevermind that. The important thing is that you're already here. Let's go?" Vain laughed

"Anong oras ba uwian natin ngayon?" Angelie asked while we were walking papunta sa building namin,

Uh here we go again!

"Jusko naman Gel! First day na first day, seriously? Yan talaga ang tanong mo? Ni hindi pa nga tayo nakaabot sa first subject natin oh. Umaga palang oh" Dina sabay turo sa langit para ipakita kay angelie ang araw

"I wanna go home na kasi" maarteng sagot nito

Well, she's always like that ever since.

"Wala ka na ba talagang ibang maisip kundi uwian?" I asked her

"Eh kasi eh--"

"Shut up!" Vain stopped her

Pagkadating namin sa classroom, madami dami na ring tao. Nahagip ng paningin ko si Alexa. Alexa Sotto. Barkada sya ni Ethan. Actually, we used to be so close, noong m.u ko palang si Ethan. Siya yung nakakasundo ko sa pagkabaliw ko kay Ethan noon. Siya yung nag uupdate, nag sesend ng pictures kung may gala silang magbabarkada at kung anong ginawa ni Ethan. Siya din yung dahilan kung bakit ako nabaliw kay Ethan. Friends din naman sila nina Vain, Gel at Dina pero di ganon ka close gaya ng closeness namin ni Alexa dati.

Occupied na ang mga upoan maliban doon sa gilid, sa last column, may dalawang tao lang kaya we had no choice but to just sit there at sa kamalas malasang putek! Katabi ko sya, dyan kasi sya nakaupo sa second to the last column which is katabi ng column namin at sakto namang nasa ikaapat syang upoan sa column nayon katulad ko kaya naging magkatabi kami.

"Hi Hera" she greeted me with a smile

Nilingon din nya ang mga kaibigan ko sabay ngiti. I just smiled at her. Ayokong makipag usap sa kanya! Nahihiya akong baka sinabi na ni Ethan sa kanila yung nangyari noong sembreak, yung nagkita kami ni mama nya. Baka sinabi nya sa kanila kung gaano sya kagalit sa akin. Hanggang ngayon, bumabagabag pa rin talaga sa akin yung nangyari noong araw na yun. I wanna say sorry to Ethan but I don't know how.

Natapos yung araw na yun ng wala masyadong ginagawa sa school. Puro pagpapakilala lang.

"Noah, dadaan muna tao sa BQ please" sabi ko sa pinsan kong nag da drive.

Sumabay ako sa kanya pauwi kasi pareho kami ng schedule sa out ngayong araw tsaka ayoko ng maghintay kay Kuya, gabi pa out non.

"May bibilhin ka?" he asked me

"Milktea"

"Fine!"

"Yes! Love you Noh"

"Bilisan mo"

"Samahan mo ko"

"Ayoko! Ako nanaman pagbabayarin mo" reklamo nya pero lumabas din naman ng sasakyan

Gago talaga!

Mataas ang pila sa infinitea kaya si Noah na ang nag pila para mag order at umupo muna ako sa vacant seat para mag antay sa kanya.

"Dito na natin to iinumin o sa kotse nalang?" he asked me while giving me my wintermelon milktea

"Sa kotse nalang"

"Okay then, let's go"

Papasok na sana kami ng sasakyan ng biglang

"Bro noah" someone called him

Luminga linga kaming dalawa para tignan yung sino yung tumawag sa kanya at puteeeeeeek!

"Bro" Noah ran towards them

Tangina! Si Johnson lang naman ang tumawag sa kanya kasama nya sina Waine, Leo at Ethan. Nag usap-usap sila. Putek. Hindi naman ako makapasok ng sasakyan kasi nakay Noah ang susi at ayoko silang istorbohin. Ayokong tumingin kay Ethan dahil na gi-guilty pa rin ako. Pero baka ito na ang chance para maka usap ko sya.

"Uy hi Hera" Johnson

Sawakas may nakapansin na rin sakin.

"Hello" I smiled back

"Sige bro mauna na kami" sabi ni Ethan kay Noah

Pero bago paman naka layo sina Ethan, i called him

"Ethan?"

Lumingon sila sa akin.

Ethan lang ang tinawag ko diba? Kayo ba si ethan? Duh!

"Can we talk?"

This is it! Let's do this.

Chasing LabelWhere stories live. Discover now