Chapter 15

32 6 0
                                    

Congrats

"Hi" Alexa greeted me pagkadating ko sa classroom

Wala pa sina Angelie, Vain at Dina. Maaga pa naman kasi.

I smiled at her "Magluluto tayo next week?" I asked her at umupo ako sa upuan ko na katabi din naman ng upuan nya

Today's friday.

"Yes, main dish naman daw tsaka chicken yung gagamitin" she smiled

"Sinong mang gro grocery?"

"Leader" she laughed

"Nakoo!" I laughed "Pwede bang pass muna? May gagawin kasi ako sa weekends eh"

"Sige ako nalang, aysus mag didate lang kayo ni Ethan eh" she teased me

I can feel my face turning red.

"Ha? Di ah" i laughed nervously "May pupuntahan kami ng family ko this Saturday and Sunday kasi kaya di ako makapag grocery ng ingredients para sa lulutoin natin next week"

"Wehhhh. Sige na okay nga lang"

"Thanks" I smiled at her

"Pero kayo na nga ni Ethan?" tanong nya.

Tss. Alam ko namang alam nya na eh. Sinabi sa akin ni Noah na sinabihan na sila ni Ethan.

"Uh ye----"

I was about to say yes nang nahagip ng mga mata ko si Dina at Vain sa may pinto. Patay! Hindi ko pa naman sila sinabihan kasi alam ko naman na parang they don't like Ethan for me eh. Pero hindi ko naman alam paano sasabihin kay Alexa na ihinto ang usapan namin kasi for sure malalaman ng mga kaibigan ko.

"Yes" I continued

Bahala na nga! Naka upo na sila Vain at Dina sa mga upuan nila na nasa harap ko.

"Her, ang aga mo ata?" Dina asked me at tumingin sya kay Alexa "Hi Alexa"

"Hello! Uy Hera congratssss! Yiee kaya pala sobrang good mood ni Ethan these past few days ah, sinagot mo na pala" she teased me

"Ah" I faked a laugh "Thank yo---"

"What the hell?"

"Anong boyfriend?"

Sabay sigaw ng dalawa kong kaibigan.

"Hala di pa nila alam?" Alexa looked so guilty "Nako sorry Hera"

"Ngayon alam na" singit ni Angelie na kadadating palang

"Bakit di mo sinabi sa amin Her?" Dina sounded like I betrayed them

"I was planning to---"

"Planning? Bakit may pag plano pa?" Angelie again, cutted me off

"Oo nga! You could just tell it to us without planning anything" vain stood up "Cr lang ako nakakastress naman!"

"Sama" Dina sabay tayo din at diretsong sumunod kay Vain

"Ako din" Angelie

I looked at my three friends, debating my inner self if I should go with them or I'll just stay here.

"Dyan ka lang?" taas kilay na tanong ni Angelie sa akin

Baby, that's the cue! Dali dali akong tumayo "Ako rin" at humabol sa kanila na nakalayo layo na. Tahimik parin kami hanggang pagdating namin sa restroom. May tao sa isang cubicle doon kaya hinintay ko muna na makalabas sya bago ko simulang mag explain sa kanila.

"Uh" simula ko noong lumabas na yung babae sa isang cubicle

"So ano na?" Vain

"Kayo na nga?" Dina

Tahimik lang si Angelie na nakatingin sa akin.

"Uh oo" bumaba ang tingin ko sa sahig "sasabihin ko naman sa inyo eh pero hindi pa ngayon kasi alam ko naman na ayaw nyo kay Ethan" I pouted

Angelie sighed at nagsalita na.

"Oo ayaw namin kay Ethan para sayo pero kung dyan ka masaya, susuportahan ka namin"

"Oo nga, basta ba di ka nya sasaktan. Okay lang" Dina smiled and hugged me

"Ay ano yan? Group hug? Pasaliii" yumakap na din sa amin si Vain at Angelie

"Ayan okay na tayo ha" paninigurado ko

"Ok naman!" Angelie

Lunch time na kaya dali dali akong lumabas sa classroom namin at pumuntang rooftop. Simula nung naging kami ni Ethan ay palagi na kaming sabay nagla lunch dito sa rooftop. Wala kasi masyadong pumupunta dito eh. Ang peaceful. Pagdating ko, nakita ko kaagad ang boyfriend ko na nakatayo malapit sa pinto. Nag aabang. Naghihintay. Haynako. Kinikilig nanaman ako!

"Ang tagal mo" diritsong sabi nya nang makita ako at diretsong yumakap at humalik sa noo ko

"Sorry. May ginawa kasi ako" kinuha ko ang lunchbox ko "Kanina ka pa?"

"Ngayon lang din" tumawa sya "Oh, C2 mo"

"Thanks Ethan!"

He hugged me.

"Oa mo talaga" pang aasar nya

"Aba! Ikaw na nga tong pinapasalamatan. Edi wag!"

Tumawa naman ng malakas ang king ina!

"Pikon!" nagsisimula na syang sumubo ng kanin

"Oh? Ba't ka nakatitig sakin? Ako ba yung pagkain?"

Urgh! Mapang asar talaga amp!

"Bastos!!!" umirap ako at tumawa naman sya

Pahiya ako dun ah! Malay ko bang nakatitig na pala ako sa kanya. Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makapaniwala na yung crush ko lang noon, eh boyfriend ko na ngayon! Hangsarappppp isipin!

"Baka naman ako yung gusto mong kainin?" tumaas yung dalawang kilay nya ng dalawang beses

"Ang kapal!!!!!"

"Mamaya na babe. Kahit buong magdamag mo pa ako kainin. Okay lang." walang hinto yung pagtawa nya

"Saya mo no? Saya mo! Bwesit na to. Nakakawala ng gana"

"Aysus! Nagpaparinig! Papasubo ka?" tumawa nanaman sya jusko

Baliw ba tong boyfriend ko?

"Alam mo, isa kang napakalaking hakdog bwesit ka!"

Tumawa nalang kaming dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

"Hahatid kita mamaya" offer nya ng pababa na kami sa hagdanan para pumunta sa subject namin

"Wag na! Sasabay ako kay Aiden! Parehas out namin eh"

Pero sa totoo lang, gusto ko talagang sabay kami umuwi, yun bang ihahatid nya ako pero sayang lang pera nya eh. Nanghihinayang ako.

"Sure ka? Pwede namang wag ka na sumabay sa kanya at ihatid nalang kita"

"Wag na. Okay lang" kumabit ako sa braso nya at nginitian sya "See you tomorrow nalang?" sabi ko nang makarating kami sa classroom ko

"Oo naman!" he tapped my head "Punta nako sa classroom ko. Bye! Update me every minute ha"

"Sure! Bye!

Kumaway lang sya at tumakbo na papunta sa classroom nya.

"Aysussssss. Sana all" kantyaw ni Vain na hindi ko alam na nasa gilid ko pala sya kanina pa

"Che" umirap ako at tumawa ang mga ka klase ko

"Sana all"

Chasing LabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon