Chapter 26

26 5 0
                                    

Nothing more

"How about this?" I asked Ethan as I showed him the shirt I like for Kuya

"Pwede" tumango tangong sabi nya "Pero I think mas bagay sa kanya ito, babe" dagdag nya at pinagtabi yung shirt na napili ko sa shirt na nakuha nya

"You think so?"

Pinag compare ko yung dalawa.

"Yeah, maputi kasi yung Kuya mo kaya mas bagay sa kanya iyang dark green"

"But this one's better" agad na sagot ko na nasa shirt pa rin ang paningin

Itinaas ko yun ng konti. Yung shirt na napili ko. From my peripheral view, I saw him shrugged his shoulders.

"It's up to you, baby" sagot nya nalang at lumapit sakin

Today's December 23 at nandito kami ngayon sa mall. We're here to buy gifts for our family and friends.

Sa huli ay binili ko nalang yung dalawang shirt na pinag cocompare namin ni Ethan kanina. Bagay naman yun pareho kay kuya kaya hindi na rin sayang ang pera ko.

"Nabilhan mo na silang lahat?" tukoy ko sa family and barkada nya pagkatapos naming magpa counter

"Yeah, ikaw? Sino pang hindi mo nabilhan?" tanong nya at lumapit sakin, akmang kukunin ang mga paper bags na hawak ko

"Si Mommy nalang" sagot ko at inilayo ang mga hawak ko sa kanya " Ethan, wag na" tanggi ko

"Ako na" pamimilit nya

"Wag na"

"Ako na"

"Wag na sabi"

Para na kaming tanga dito.

"Ako na, baby"

"Akong akala mo sakin? Disabled?" tinaasan ko sya ng kilay

"Tsk" umiling iling sya at gamit ang buong lakas nya at nakuha nya nga lahat ang mga paper bags na hawak ko

"Ako na, wag ngang matigas yang ulo mo" pabiro nyang tinuro ang ulo ko

I rolled my eyes at him at hinayaan ko nalang syang bitbitin lahat ng iyon na halos hindi nya na mahawakan ang iba. Gusto mo pala ha. Edi bahala ka!

"So? Are we going to eat first or bilhan muna natin ng gift si Mommy?" tanong nya matapos naming ilagay sa sasakyan na dala ko ang mga nabili namin kanina

Mom---what?

"Mommy?" I grinned "Naks naman! Nakiki mommy ka na ngayon sa Mommy ko?" I teased him at kaswal naman syang tumango

"Why? Bawal ba?" kumunot ang mga noo nya

"Ayaw kitang maging kapatid uy!" I laughed at sumama naman ang mukha nya

"Tsh!" singhal nya "As if I want you to be my sister" he smirked at nainis naman ako bigla

"I only want you to be my wife. Nothing more. So magiging Mommy ko rin ang Mommy mo. Get it, baby?" malambing na dagdag nya at hinawakan ang kamay ko kaya naman nawala agad ang inis na nadama ko kanina.

Pochangina! Ang lakas makaparupok nun ha!

"Tsss!" umiirap na singhal ko at ngumisi naman sya ng pagkalaki-laki

"Natameme ka chong?" tukso nya

"Bwesit." singhal ko sa kanya "Suntukin kita dyan e"

Agad naman syang namangha.

"Wow violent! I like it" nang aasar na sabi nya. Ginaya nya yung nasa pelikula kaya natawa nalang kami pareho.

We went to a jewelry shop first para mabilhan ko ng regalo si Mommy. Isang simpleng kwentas lang ang binili ko para sa kanya na may diamond na nasa gitna ng circle na pendant. Hindi naman maarte si Mommy at naaappreciate nya naman lahat ng bagay kaya I'm sure na magugustuhan nya rin ito.

Chasing LabelWhere stories live. Discover now