Chapter 29

24 6 0
                                    

Date

Two weeks have passed and Mommy's still in coma. Araw-araw kaming magkakapatid na nandito sa hospital, kulang nalang e dito na kami tumira. Si Daddy ay wala dito minsan kasi bukod sa may mga kaso pa syang hinahawakan, inaasikaso nya rin ang kay Mommy. Gusto nya raw sampahan ng kaso yung lalaking nakabangga sa kotse ni Mommy. Hindi ko alam kung paano gawin yun ni Daddy gayong alam naman naming aksidente ito. Ayon sa mga police, malakas daw ang pagkakabangga nung motor at ng kotse ni Mommy kaya tumaliwas ang kotse nya at malakas na naderetsong bumangga sa puno ng acacia na nasa gilid ng daan kaya ganon nalang ang nangyari kay Mommy. Malakas na nauntog ang ulo ni Mommy na naging dahilan sa pagkaka coma nito. Bukod doon, nagkaroon din ng blood clot sa ulo nya.

"Mommy, wake up! We bought this for you" itinaas nya ang mga dalang prutas na dala nya kahit na alam naman nyang hindi yun makikita ni Mommy "Look at this o"

Naluluha kong tiningnan ang kapatid ko.

"Pierrie ilagay mo na yan dito" ani Maggy

"Pakiabot nga Noah"

Imbes na tumayo sya at pumunta kay Maggy para ilagay ang mga prutas sa tabi nito ay ipinaabot nya lang ito kay Noah. Ayaw nya talagang umalis sa tabi ni Mommy.

"Pierrie, it's okay. Tita will be fine soon" Andrea hugged her

Alam namin kung gaano ka apektado si Pierrie kasi sa aming magkakapatid. Ito ang paborito ni Mommy kasi ito ang bunso. Mommy's boy yan e.

"Kailan pa yang soon na yan ate? Gusto ko ngayon na" humihikbing tanong nya kay Andrea

Hindi naman nakasagot si Andrea. Pinagpatuloy nya lang ang pang aalo nya kay Pierrie.

"Pierrie, that's enough" saway ni Kuya sa kanya

"Alam mo namang naririnig ka ni Tita. Mas lalo mo lang syang pinapalungkot" dagdag ni Aiden

Dahil sa sinabi ni Aiden ay natigil naman si Pierrie sa pag iyak at tumingin nalang kay Mommy.

"Oh, umiiyak ka na naman" bulong ni Ethan sa gilid ko at marahang pinahidan ang mga luha na hindi ko namamalayang nag uunahan na palang bumabagsak

Si Ethan at ang mga pinsan ko ay araw araw bumibisita rito. Sila yung katulong namin sa pagbabantay kay Mommy. Sila rin yung nagpapagaan sa mga damdamin namin araw-araw. Pag nandito kasi sila, palagi lang kaming nagkwekwentuhan ng kung ano ano at mabuti na rin yun dahil nawawala minsan sa utak ko ang sitwasyon ni Mommy. Lalo na pag nagjo-joke si Ruix. Yung ibang mga relatives naman namin, sina Tito Miguel, Tito Noel, ang mga asawa nila at ang iba pang relatives namin ay madalas ding bumibisita dito. Gustohin man daw nilang araw-arawin ag pagbisita kay Mommy, ay hindi naman yun pwede kasi may mga trabaho silang dapat pasukan.

"Naaawa ako kay Pierrie" humihikbing sagot ko kay Ethan "Sana gumising na si Mommy"

"Sana nga talaga" singit ni Ruix sa usapan namin ni Ethan at agad naman kaming napatingin sa kanya

"Habang tumatagal kasi si Tita dito sa hospital ay lalong nagiging isip bata ang isang yan." tinuro nya si Pierrie gamit ang mga labi nya kaya natawa kami

"Mommy's boy kasi e" sagot ni Maggy

"Masyado kasing bine-baby ni Tita" si Noah

"Kaya nga"

Wednesday na ngayon at nandito kami sa paaralan. Ito na kasi ang huling araw ng enrolment kaya kinailangan na talaga naming pumunta dito. Ngayon palang din mag e-enroll ang mga pinsan ko para raw may kasama kami. Si Ethan at si Kuya ay nakapag enroll na nung first day palang ng enrolment kaya wala sila dito ngayon.

Chasing LabelWhere stories live. Discover now