Chapter 2

80 9 8
                                    

Unexpected Meeting

Present...

Hindi ko namamalayang nakatulala na pala ako sa kawalan habang inaalala ang mga nangyari noon.

Nandito ako sa Infinitea, isang sikat na milkteahan dito sa Bohol. I'm waiting for my ate. At sa aking pag iisa dito, hindi ko naiwasang isipin kung gaano ako kabaliw kay Ethan noon. Nakakadiring pangyayari!

After everything that happened before, buong puso kong tinanggap na mahal parin nila ang isa't isa. I tried to move on, I really did. At hanggang ngayon, walang pinagbago, sinusubukan ko paring mag move on. Tang ina! I've been trying to move on from him for like three years now at hanggang ngayon, wala paring nangyayari. Ganon parin. Mahal ko pa rin sya.

Isn't it funny? Ang tagal kong maka move-on sa taong hindi naman naging akin. Hindi naging kami, walang label ang relasyon namin noon pero tang ina! Daig ko pa yung ibang tao na kakabreak palang ng jowa nila, after one month nakahanap na nang iba. Pota! Pano yun?

"Hera?" I automatically turned my head around to see kung sino ang tumawag sa akin

"Anak! Ikaw nga!" dali dali syang lumapit sa akin

"Mamay!" hindi ko naiwasang ipakita ang kasiyahan na nadarama ko ngayon. I'm so happy!

"Aba'y kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah. Sinong kasama mo ngayon? Asan ang mommy mo?" parang gyerang tanong nya sakin

Tumayo ako para magmano. Halata sa kanyang mukha ang saya dahil sa muli naming pagkikita.

"Umupo ka muna mamay. What do you want to have po? I'll order it for you" I asked her and I smiled at her sweetly sabay tayo para sana pumunta na sa counter

"Nako wag na! wag na Hera! Kasama ko ngayon ang anak ko at nandoon sya nag oorder. Mabuti pa't magkumustahan nalang tayo"

Si Mamay Michelle ay isa sa mga kasambahay namin noon. Actually, sa aming magkakapatid, ay si Kuya at si Ate ang hindi nya naalagaan. Iba kasi ang nag aalaga sa kanilang dalawa noon dahil hindi na kaya ni Mamay na alagaan kaming apat lalo pa at sobrang kulit ni Kuya at ni Pierrie noon kaya my parents hired someone new to look after Ate and Kuya.

Almost 12 years kaming inaalagaan ni mamay, kaming dalawa ni Pierrie. At dahil masyadong busy sina Mom at Dad noon sa trabaho ay naging malapit din sa puso namin si mamay.

Hiwalay daw sa asawa si Mamay, according to my Mom, dahil may ibang pamilya ang asawa nya at hindi sapat ang sustentong binibigay ng asawa nya para sa mga anak nya kaya she was forced to work to provide the needs of their family. May tatlo daw syang anak pero never pa namin na meet yun ni Mommy. Hindi kasi kami nanghihimasok sa buhay nila at ganoon din sila sa amin. Trabaho ang ipinunta nila sa bahay namin kaya yun lang ang gagawin nila. Stricto kasi ang parents ko.

Umalis si mamay sa trabaho nya sa amin last 2012 dahil kaya na raw nang panganay nya na buhayin sila at pag aralin ang mga kapatid at sumusuporta pa din naman noon yung asawa nya sa pag papa-aral ng mga anak nila.

"Ganoon po ba? Ah I'm with ate Liberty, Mamay but may binili pa sya sa ibaba kaya ako naghihintay sa kanya dito. Kumusta na po kayo?"

"Okay lang naman anak. Miss ko na kayo" yumakap sya sa akin

"Kasama nyo si Pierrie? Gusto ko na makita ang makulit na iyon" tumatawa sya habang nagpapatuloy sa pakikipag usap sa akin

"Ah hindi po, nandoon po sya sa bahay kinakain ng katamaran" we both laughed

"Hayaan mo na at bakasyon din naman ngayon" she smiled at me

"Balita ko sa Bohol Island University ka na nag aaral? o nag transfer ka?" tanong nya

"Doon pa rin ako nag aaral, Mamay, nandoon din naman ang mga pinsan ko at sina Pierrie"

"Parehas pala kayo ng paaralan ng mga anak ko"

"Talaga? Baka kilala ko na yan sa mukha mamay" tumawa ako, where in fact, I don't even care about her children.

"Nandito yung isa kong anak Hera teka lang baka tapos na yung mag order tatawagin ko" she stood up to look after her son

"Anak? dito bilis at may ipapakilala ako sayo"

Kumalabog ang puso ko bigla sa hindi ko malamang dahilan habang unti unti kong tinitingnan ang lalaking papalapit sa table namin.

"Ethan?"

"Hera?"

Sabay naming sigaw. We're shookt.

Chasing LabelWhere stories live. Discover now