Chapter 20

24 5 0
                                    

Answers

Isang linggo na simula nung nalaman namin na naibagsak ni Ate ang lahat ng subjects nya sa prelim ngayong semester. Katulad nga ng sabi ng mga magulang ko, grounded sya hanggang June at December 6 palang ngayon. Nag aaral parin sya at nangako syang babawi sya at mapasa nya lahat ng subjects nya ngaong sem. Malungkot isipin na bantay sarado na si Ate, hindi na sya makakasama sa mga gala namin at sinisiguro ng mga magulang ko na pumapasok sya sa mga klase nya araw araw. Sa anong paraan? Hindi ko rin alam. Pero knowing Daddy, alam kong ginamit nya na naman ang connections nya. Balita ko nga kay Kuya na nawalan daw ng trabaho ang ama ng ex boyfriend ni Ate dahil kay Daddy. Gustohin man naming pigilan si Daddy ngunit buo na kanyang naging desisyon lalo na't sinuportahan din ni Mommy ang mga plano nya tungkol sa pagsira ng buhay ng ex boyfriend ni Ate. Tss.

"Hoy!" pang gulat ni Ethan sakin at pinitik nya ang noo ko "Tulala ka na naman, ilang araw ka ng ganyan"

Nandito kami sa rooftop ngayon. May program sa activity center. Lahat ng department kasali dun at dahil mabuting impluwensya si Ethan ay ayun! Nandito kami ngayon dito sa rooftop. Bahala na raw yung mga kaibigan namin na mag attendance samin.

"Di ko maiwasan eh. Nalulungkot ako para kay Ate" ngumuso ako

"Magiging okay din yun. Malapit na rin naman mag June" hinawakan nya ang kamay ko at pinag intertwined nya ito

"Malapit?" ngumiwi ako "December palang ngayon oy!"

"Mabilis ang oras ngayon kaya malapit na rin yun" he laughed

"Walang kwenta" asar ko sa kanya

Hindi nya ako sinagot. Tumayo sya at pumunta sa may gilid ng sliding door. Hindi ko naman sya nilingon dahil busy ako sa pag tatype ng message kay Angelie na ilagay yung pangalan ko sa attendance sheet. Bigla ko namang narinig ang pag strum nya ng gitara at hindi ko namalayang nandito na pala sya sa tabi ko ulit.

Nung una kitang nakita
Anghel sa ganda

Kanta nya at tumingin sakin.

Tamis ng ngiti
Damit ay puti
Ako'y natulala

Nagkatitigan kami. I stared at his face while he's singing at hindi ko maipagkakailang ang gwapo talaga ng lalaking to at ang ganda pa ng boses nya. Malalim at malamig.

Hindi malaman ang gagawin
Hinahabol ang pintig ng puso

I smiled at him

Nahulog na yata ako

Sinabayan ko sya ng kanta ay napangiti naman sya.

Nahulog na yata sayo

Tinapos nya ang kanta nang nakatingin sa mga mata ko. I just can't hide the happiness that I'm feeling right now.

Dahil sa tuwa ko ay napayakap ako sa kanya ng wala sa oras. Tumawa naman sya, binaba ang gitara nya at niyakap ako pabalik ng mahigpit.

"Thank you Ethan" emosyonal sa sabi ko "Thank you for making me this happy"

"No. I should be the one thanking you" mas humigoit naman ang yakap nya sa akin "Thank you for loving me, thank you for waiting, thank you for giving me another chance, thank you for staying. Thank you Dette!" he sincerely said and he kissed my forehead

Bumitaw ako sa yakap.

"Wow! Dette!" I laughed

"Tss. Para ako lang yung may tawag sayo sa second name mo" nahihiyang aniya

"Dette rin kaya tawag ni kuya sakin pag nagagalit" I pouted

"Okay. Babe nalang" he smirked and he held my hand

Chasing LabelWhere stories live. Discover now