Chapter 23

26 5 0
                                    

Explanation

"Tara na sa baba. Mag swimming na tayo Herrrr, Andsss, mygosh! I'm so excited" excited na aya ni Maggy sa amin ni Andrea

Kakarating lang namin dito sa room ng hotel na tinutuloyan namin at gusto na agad ni Maggy na bumaba para mag swimming. Dalawang room lang ang kinuha namin. Ang isa ay para sa amin ni Maggy at Andrea. Ang pangalawang room naman ay for the boys, kay Kuya, Pierrie at Noah, Ruix at Aiden.

Bleu Resort. A five star hotel. Ito ang pangalan ng hotel na tinutuloyan namin. Maganda sya at relaxing talaga.

"Ugh! Later Mags!" inaantok na ani Andrea "Una nalang kayo. Susunod lang ako. I'll just sleep." humiga sya sa kama nang hindi nya man lang tinapos ang pag a-arrange mga gamit nya. Halatang pagod na pagod.

"Mauna ka na rin Mags, sasabay nalang ako kay Andrea." pang rereject ko sa kanya

Kahit na hindi naman talaga ako pagod, hindi pa rin ako sasama sa kanya kasi kakausapin ko pa si Ethan. I need to clear it out. I need to hear his side. Hindi naman ako pwedeng magalit nalang ng diretso sa kanya dahil lang sa narinig ko sa usapan nila ni Rain. Kailangan ko ring pakinggan ang side nya. I need to know the whole story.

"Fine!" sumimangot sya "Ako nalang muna mag isa"

"Pasama ka sa boys" I suggested

I want her to be safe kaya kahit hotel to, dapat may kasama sya.

"Nah! Pagod pa ang mga yun for sure"

Hindi na ako nakasagot nang biglang nag vibrate ang cellphone ko. Tumatawag na ang changina. Agad ko naman yung sinagot at pumunta ako sa balcony ng room namin para hindi maistorbo si Maggy na nag aayos pa at ang tulog ni Andrea.

["I miss you Dette!"]

["Babe?"]

["Babee"]

Rinig kong sabi nya sa kabilang linya ngunit hindi ko pa yun sinagot

["Babe? Why won't you talk?"] mahihimigan mo ang pagkabahala at pag aalala sa boses nya

"Naglakad pa ako papunta dito sa balcony e"

["Nasa hotel na kayo? Ba't di ka man lang nag text nung pag land pa lang ng eroplano"] pilit nyang pinapakalma ang boses nya

"Ethan, I'm going straight to the point" sinadya kong bitinin muna para ma huli ako ang reaksyon nya through his voice.

["Huh?"] litong aniya ["May problema ba tayo Dette?"]

"Magkikita kayo mamaya ni Rain diba?" mapait na tanong ko

Narinig ko namang bumuntong hininga sya sa kabilang linya.

"Bakit di mo sinabi sa kin?" hindi paman sya naka sagot sa una kong tanong ay sinundan ko na agad ito ng isa pang tanong

["Babe"] batid ko ay nangangapa sya kung ano ang tamang salita na dapat sabihin sakin

"You know I'd always understand, Ethan. Pero bakit pinili mo pa ring hindi sabihin?" hindi ko na napigilan ang boses ko

Ako kasi yung taong iniintindi ang lahat at alam nya yun.

["Na..natakot ako... na what if di ka pumayag? What if makipaghiwalay ka? Hindi ko yun makakaya babe. Kakamonthsary palang natin putangina!"] frustrated na sabi nya sa kabilang linya

"Makipaghiwalay?" pagak akong tumawa "Ganon ka babaw ang tingin mo sakin, Ethan?"

["Of course not! Pero--"]

"Cut it out. I don't need an apology. I need an explanation. Go on, explain" pinutol ko ang sana'y sasabihin nya

["Yun nga, ngayon ang uwi nila dito at ininvite nila ako ng dinner dahil magaling na raw si Rain at bilang pasasalamat na rin nila sakin dahil pumayag ako to be on her side that time."] he sighed ["Tumanggi ako pero mapilit ang Papa ni Rain, sinabi nyang huli na rin naman daw to at yun nga I said yes"]

Chasing LabelWhere stories live. Discover now