Chapter 7

36 6 0
                                    

Sleepover

Nang dumating ako sa bahay agad akong naligo at humiga para matulog na sana pero hindi ako makatulog, hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Mahal ko si Ethan. Mahal na mahal. After all those years, mahal ko parin talaga sya. Useless yung pag tatry kong mag move on noon kasi wala namang nangyayari e. Ni hindi nga nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya kahit one percent. Ngayon lang kami nagkausap about sa amin, about sa nangyari noon. Walang closure na naganap noon. Basta nalang kaming hindi nagkausap. Noong narinig ko kasi na nagkabalikan na sila, palagi na akong umiiwas. Sa twing nakikita ko sila ni Rain noon na nagsusubuan ng snacks, automatic na akong umiiwas kasi masakit. Parang nagugupok ang puso ko sa twing nakikita ko silang magkasama. Ngayon, hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, marami akong katanungan na gusto kong masagot. Gulong gulo ako. Kung hindi nya na mahal si Rain, bakit nakipagbalikan pa sya? Ano? Ano yung rason? Bakit di nya pwedeng sabihin sa akin? Ano ba ang dapat kong malaman?

Lunes noong nangyari yung pag uusap namin ni ethan. Friday na ngayon, lunchbreak namin at napag desisyonan namin ng mga pinsan ko kahapon na mag overnight sa bahay namin.

"Anong oras ba ang out nyo?" Ruix asked

"4:00 pm out ko" sagot ko

"Parehas tayo. 4:00 pm din ang out ko. Sabay kana sakin papunta sa inyo. Nagdala na ako ng damit para di na ko uuwi ng bahay mamaya" Paul Aiden said

"Yes okay Aid" I hugged him. Magkatabi kasi kami ngayon

"Ako 4:30. Hintayin nyo ako Aid, Her" Maggy said

Agad akong tumango.

"Okay Mags, we'll wait sa carpark or sa library" Aiden

"3:30 ang out ko. Pupunta pa ako sa bahay magkukuha ng damit kaya mauuna ako sa inyo" Andrea said

"Bring my clothes please sis. 5:00 pm pa ang out ko" Noah

"Okay. Ako nang bahala"

"Yes! Thanks sis! You're the best!" Noah kiseed her sister sa cheeks

"Ano ba, Kuya!"

"Arte" Noah sabay tawa

Umirap lang si Andrea sa kanya.

"2 pm ang out ko. 2 pm din diba out mo Kuya Ruix. Sabay nako sayo" Pierrie

"Sure baby boy" Ruix smirked

"Si Liberty?" Andrea asked

"Kaka chat lang ni Ate Liberty sa group chat natin ngayon at sabi nya 3:00 pm ang out nya pero may lakad pa sya kaya una nalang daw tayo. O kung sino man ang mauuna" Maggy sabay tayo

"1 pm na may klase pako. Gotta go bye" Maggy

"Bye Mags" kumaway kami sa kanya

"Alright, mauuna na din ako. Pupunta akong library" Noah said

"Sabay nako sayo kuya" Pierrie

"Come on"

"Wala pa ba kayong pasok? May pasok akong 2:00 pero may gagawin pa ako kaya mauuna na ako. Bye" Andrea sabay kuha ng bag nya at umalis na

One hour lang din ang tinagal namin ni Aiden at Ruix at umalis na din kami para sa kanya kanya naming klase.

Nang nakadating kami ni Aiden at Maggy sa bahay namin, dumeretso ako sa kwarto ko para magbihis. Si Aiden at Maggy naman dumeretso sa fourth floor para pumuntang guest room.

5:30 noong bumaba ako para tumulong na mag prepare. Nandoon na silang lahat except kay Ate Liberty na wala pa hanggang ngayon at ni Ruix na nandoon sa guest room. Maybe he's sleeping. Ginising namin si Ruix ng mga 6 pm para makapag dinner na kami. At after noon, naisipan naming uminom sa pool area ng bahay namin.

Chasing LabelDonde viven las historias. Descúbrelo ahora