Chapter 10

26 6 0
                                    

Reason

"I still love you"

What the fuck?

"Pwede ba? Ano bang sinasabi mo dyan?"

Tumambol bigla ang puso ko. Hindi ko na ma control. Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko.

Kumunot ang noo ko.

"I still love you nga. Mahal pa kita. Alin dyan ang hindi mo maintindihan?"

I gasped.

"Wow Ethan! Ikaw pang may ganang maging ganyan?" hindi makapaniwala na tumingin ako sa kanya

Alam kong ganyan ang ugali nya noon, pero hindi ko inakalang hindi parin nya nababago ang ugaling yan hanggang ngayon. Hindi mataas ang pasensya ni Ethan. Minsan pag wala sa mood, bigla bigla nalang hindi namamansin. Matalino syang tao kaya gusto nyang matalino rin ang mga taong nakapaligid sa kanya, mga kaibigan o babaeng gusto nya, dapat matalino. Dapat may nagawa ka para maging proud si Ethan sayo.

Naaalala ko pa noon.

"Uy Gel, kinakabahan ako" sabi ko sabay kalabit kay Angelie

Ngayon kasi ang continuation ng impromptu namin sa oral communication na subject. Hindi ako natawag noong first batch kaya sure ako na tatawagin ako ngayon kaya kinakabahan ako.

Si Ethan tinawag na noong first batch at ang husay ng sagot nya. Nakakaproud nga eh. Kung pwede palang sumigaw ng "crush ko yan" hihi.

Sina Alexa, Angelie at Vain natawag na din at nakasagot din naman sila ng maayos. May iba namang hindi nakakasagot pero syempre nakakahiya pa rin yun.

"Ano ka ba. Sure akong makakasagot ka oy, ikaw pa" sabay kindat nya sa akin

"Eh Ethan's here eh. Bakit di yan umabsent eh tapos naman sya ah. Wala na syang gagawin sa subject na ito" sumimangot ako

"Aba te! Si Ethan pa mag a-adjust ganon? Papalabasin mo? Bakit? Sayo ba tong classroom?" umirap sya sa akin kaya umirap na din ako.

Nahihiya ako kay Ethan at sa mga kabarkada nya. Puro pa naman sila matatalino at mahilig pa namang mang asar si Leo.

"Ang hirap pag bobo ka at na in love ka sa matalino" I sighed

Kung hindi lang din sana matalino si Ethan, okay lang eh.

Lumingon si Dina sa akin at ngumisi.

"Anong dina drama drama mo dyan?"

"Wala. Labas muna ako. Papahangin lang" paalam ko

"Aircon yung classroom natin tas papahangin ka? Aba kausapin mo nga tong kaibigan mo Vain, baliw ata eh"

"Tse! Bakit bawal ba?" umirap ako tsaka duremeretso sa pinto

Lumabas ako at nag isip ng mga pwedeng maisagot sa mga possible questions na ibabato sa akin ni maam mamaya.

"Make me proud" tumingala ako and I saw Ethan standing beside me

Hindi ako nakasagot. Taena! Dumoble ang kaba ko kanina.

Tumikhim sya "Excuse me"

Ay nakaharang pala ako sa daan.

"What is the biggest misconception in your life?" pagbasa ni maam sa question na nabunot ko

"Your one minute starts now" patuloy nya at pinindot ang stopwatch

Nangangatog ang tuhod ko hindi dahil sa hindi ko alam ang sagot dahil napag aralan ko naman yun kanina, kundi dahil nakatingin si Ethan sa akin ngayon ng seryosong seryoso. Nasa unahan kasi sya naka upo.

"Ah the biggest uh misconception in my life is uh... Uhmmm.. people uhh think that my life's kinda...."

"Times up." the stopwatch rang "10/50 kasi wala ka namang nasagot sa tanong na yun" striktang sabi ng teacher namin

Dali dali akong bumalik sa upuan ko na disappointed sa sarili ko. My friends comforted me.

"Excuse me maam, may I got out?" Ethan raised his right hand

"Sure"

Sinadya nyang dumaan sa gilid ko ng umiiling-iling ang ulo.

"I told you to make me proud"

At hindi nya ako kinausap buong maghapon nun kasi disappointed sya.

Pumikit ako habang naalala ang mga nangyari noon.

"No Ethan. You don't love me anymore. You have rain now. You love her" mapait kong tugon sa kanya

"No! I don't love her! Please listen to me" desperado na ang boses ni Ethan

At dahil mahal ko naman ay pinagbigyan ko kahit na parang wala na ako sa sarili ko dahil sa mga biglaang narinig ko sa kanya.

"10 minutes Ethan" seryoso akong tumingin sa kanya "Go"

"May sakit si Rain" panimula nya at bigla naman akong natigilan "Totoong mahal kita pero kailangan ako ni Rain noong mga panahong yun. May sakit sya Her, stage 3 breast cancer. Nakiusap ang mga mangulang nya sa akin na kung pwede ba daw ay manatili ako sa tabi nya kasi ako ang kailangan nya. Hindi sya magpapagamot kapag hindi kami nagkabalikan."

"Kaya pumayag ka?" I asked him. Still shocked.

"No! Listen. Hindi ako maka hindi sa mga magulang nya kasi tatanggalin nila si Kuya sa call center na pinag ta-trabahoan nya. May share sina Rain dun. Pero hindi ako pumayag, sinabi kong manatili ako pero hindi ako makipagbalikan---"

"Ah kaya pala ang kumalat noon ay ang comeback nyo" sarkastiko kong singit

"No, please listen first. My 10 minutes is almost over" nagpapanic nyang sabi

Tangena! Yun pa talaga ang inaalala nya. Gagong Ethan to!

"Ayun nga, pinagkalat nyang nagkabalikan kami pero hindi yun totoong nangyari. It was all just because of her pride. Hindi nya matanggap na nagmahal na ako ng iba pagkatapos namin. Na minahal na kita agad. Pero Hera, totoo, mahal kita, walang halong biro"

Tumitig sya sa akin at pakiramdam ko naman ay natapos na ang eksplenasyon nya doon. Kaya nagsalita na ako

"Thank you for telling me the reason Ethan, at least after three years, mapapayapa na ang isip ko. Hindi ko na tatanungin ang sarili ko kung saan ako nagkulang at bakit mo ko iniwan sa ere. Thanks!"

Basta nalang yun lumabas sa bibig ko.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang sabihin yun, kahit na gulong gulo ang utak ko ngayon. Hindi ko alam kung anong ang unang iisipin. Naiinitan ako, lumalabo ang paningin ko. Ang sakit ng ulo ko. Parang hindi ako makahinga.

"Hera, one last thing" he said, almost begging

"What is it?" tanong ko kahit na hirap na hirap na ako sa pagsasalita

"I want you back"

At tuluyan ng nagdilim ang paningin ko

Chasing LabelWhere stories live. Discover now