Chapter 21

20 5 0
                                    

Necklace

"What? Bakit?"

Kausap ko si Vain sa cellphone ko. We will be having our midterm exam later and this girl just told me na aabsent sya. Last day pa naman ngayon kasi christmas break na simula bukas.

["LBM. Nanghihina ako."] sagot nya sa kabilang linya

"Sige sige. Kami nalang bahalang kumausap sa mga instructor na sa January ka na mag te-take ng exam"

["Thanks Heraaaaaa! I love youuu"]

"I love you too. Pagaling ka, pupunta kami dyan mamaya"

She giggled ["Okay"]

Yun lang and she ended the call.

Napatingin naman ako sa katabi ko

"Oh? Anong nangyayari sayo?" tanong ko nang nakita ko na nakabusangot ang mukha nya

"I love you too" ginaya nya yung tono ng boses ko kanina at ngumiwi sya

"Tss! I love you. Okay na?" umirap ako "Pati si Vain, pagseselosan mo? Seryoso ka?"

Ngumuso naman sya at niyakap ako. Ang cute lang ng gagong to pag nagseselos eh.

Napahinga ako ng malalim.

Ang tagal ko tong hinintay. Yung yayakapin nya ko, yung magseselos sya, yung palitan ng I love you's, yung makasama syang kumain, gumala, yung kantahan ako, yung i a-update nya ako araw araw, yung maging boyfriend sya. Ang tagal tagal ko tong hinintay; ang label na ito. Iba pa rin talaga pag boyfriend mo. Iba pa rin talaga pag ginagawa nyo yan nang may label kayo. Iba talaga.

"Yuck! Di nyo man lang ba naisip nya may kasama kayo?" nandidiring saway ni Pierrie na nasa tapat ko nakaupo

Nandito kami ngayon sa jollibee nag la-lunch. Kasama ko itong dalawang kapatid ko at si Ethan. Of course wala si Ate. Grounded e. Yung mga pinsan ko naman, they're all busy studying kasi nga midterms.

"Tss! Inggit ka lang" panunukso ni Ethan sa kanya at tumawa naman si kuya Win na nasa tapat ni Ethan habang ngumunguya.

"Alam mo? I'm starting to dislike you for my Ate! You're always annoying the hell out of me" eksaheradang sagot nito kay Ethan

"Anong magagawa mo? Mahal ako ng kapatid mo e" pang aasar pa lalo si Ethan kay Pierrie at tumigil naman ang kapatid kong kumain.

Naka ekis ang mga kilay ni Pierrie na tumingin sakin.

"Your boyfriend is so fucking annoying!" ngumuso naman sya

"Pierrie! Watch your words!" saway ni Kuya sa kanya

"Mana ka sa kanya. Ikaw lang ang annoying sating apat" tukoy ko saming magkakapatid

Bumusangot lalo ang mukha ni Pierrie at natawa naman kami.

"Good thing, christmas break na bukas. Di ko na makikita ang kakornihan nyo"

"Nga pala, sumama ka samin Ethan. We're going to Siargao this christmas break." aya ni Kuya sa kanya

"Salamat Kuya pero may importante kasi kaming gagawin ng pamilya ko. Tsaka pupuntahan namin si Kuya sa Dumaguete"

Tumango naman si Kuya "Ganoon ba. Sayang."

"Kailan alis nyo?" lumingon si Ethan sakin

"The day after tomorrow" simpleng sagot ko

"Update me always ha. Ingat kayo." paalala nya at hinawakan ang kamay ko

"Kailan kayo pupuntang Dumaguete?"

"Next week pa."

"Say hi to Mamay for me!" ani Pierrie

Chasing LabelWhere stories live. Discover now