Chapter 6

40 7 0
                                    

Talk

"Can we talk?"

This is it! Let's do this.

"Hala kaaaa. Parang may mangyayaring iba ngayon haaa" ngumingisi at palipat lipat ang tingin ni Leo sa amin ni Ethan at nang-aasar ang tono nya. Usually, sasagutin ko din ng pang aasar si Leo pag nang aasar sya pero ngayon, hindi ko yun pinagtuonan ng pansin. Kinakabahan ako sa sagot ni Ethan.

Ethan looked at me.

"Okay"

I let put a deep sigh then I looked at my cousin na nasa gilid ko na ngayon.

"Mauna ka ng umuwi Noh" sabi ko at umiling naman sya agad

"I'll just talk to Ethan to clear some things alam mo naman" bulong ko sa kanya.

I don't want Ethan to know na sinabi ko sa mga pinsan ko yung nangyaring pagkikita namin at ng mama nya noong sembreak.

"No! Sasama ako" Noah said in a very serious tone

"Nohhh! Hindi pwede. Mauna ka nalang kasi, mag cocommute nalang ako pauwi o papakuha ako kay Kuya"

"You can come with us bro if you want" Ethan said

"Noah naman wag kang epal sa kanila" Waine

"Oo nga hayaan mo na nga sila bro, ang mabuti pa, sumama ka samin ngayon, mag babasketball kami. Lika na!" tumatawang ani Johnson sabay akbay ka Noah "Ethan, sumunod ka ah"

Tumango naman si Ethan sa kanya.

"No!"

Ang tigas talaga ng ulo ng Noah na ito!

"Noah!!!!" I'm already annoyed

"Fine! But I won't still go, I'll just wait for you here sa carpark"

Mukhang ayaw talagang papaawat ng isang to eh.

"Fine"

"Let's go?" Ethan asked in a cold tone

I just nodded at him at nagsimula na kaming pumasok ulit sa loob ng mall.

"Text me Hera!" sigaw ni Noah

"Sure thing Noh. Promise" I assured him

"Ethan! Yung pinsan ko! Pag may ginawa kang---"

"Don't worry bro. We'll just talk" hindi na natapos ni Noah ang sasabihin nya ng sumingit si Ethan. "And i won't hurt her" dagdag nya

Shet Ethan! Wag kang magsalita ng ganyan! Alam mo bang nag mo-move-on pa ako sayong deputek ka?

"Good." ani Noah

Pero ahh eto na talaga yun? Gusto kooo. Gustong gusto ko ng magkausap kami para magkaliwanagan na at para maka pag sorry na din ako sa kanya pero i'm not yet readyyyy. Biglaan itong nangyayari ngayon. Hindi ako nakapaghanda ng kung ano ang sasabihin. Paano na ito?

"Is it okay for you if dito tayo mag usap?" he asked me habang naka ready na syang buksan ang pinto ng breadbasket.

"Of course"

Ito ang palaging palaging parang meeting place ng mga studyante dito o kahit sinong may kikitain, o may pag uusapan. Maganda kasi ang lugar. Ang first floor ng breadbasket ay mga paninda nilang tinapay, cakes, cupcakes, cookies, macaroons at iba pa, may apat na counter din dito kung saan pwede kang umorder ng lasagna o ibang uri ng pasta, ice cream, softdrinks, water, juices, milk, soup at marami pang iba. May mga lamesa at upoan rin dito sa first floor. Sa second floor naman ng breadbasket, nandoon yung mga medyo sosyal na mga upoan, lamesa na pinagitnaan ng mga couch. Dito sa second floor mas magandang pwesto kung may importante kayong pag uusapan ng kausap mo kasi hindi talaga madidinig sa kabilang table kasi may mga harang. Upoan lamesa upoan harang Upoan lamesa upoan. Ganyan yung mga pwesto.

Chasing LabelOn viuen les histories. Descobreix ara