Chapter 13

28 6 0
                                    

Rocky Road

"Oh? You're here Kuya Win?" tanong ni Ruix na kadadating palang

Nilapag nya ang bag nya sa mesa namin at umupo sa tabi ni kuya. We're here sa cafeteria to eat for our lunch. And as usual, I'm with my cousins.

"I have something important to do mamayang 1 pm kaya napaaga" Kuya answered and Ruix just nodded

"Tara let's order na" Andrea said

"Kami na ang oorder, dito lang kayo" Aiden said at lumingon kay Pierrie "Samahan mo ko"

"Ayoko nga" tanggi agad ng kapatid kong isip bata at agad naman namin syang sinamaan ng tingin

"Ano?" hamon nya sa amin

"Samahan mo si Aiden" Kuya said

"Ha?" tanong nya

"Samahan mo si--"

"Hakdog!" walang kwentang sagot nya at natawa naman kami

"Fine" sumimangot sya "Tara Noah" aya kay Noah

Tss nandamay pa. Tamad talaga.

"Pagbibitbitin mo lang ako ng tray eh" kontra sa kanya ni Noah pero tumayo din naman para sumama

"What do you wanna have?" Noah asked us

"Pizza nalang, i don't wanna eat rice. I'm not that hungry eh" maarteng sagot ni Maggy

"Ay ako din noh, pizza nalang. Ham and cheese and bottled water" singit ko

"Hawaiian" Maggy

"Ako hmmm. Vegetable salad nalang at juice. Di rin ako gutom eh" Andrea

Tumango si Noah at agad na sumunod kina Aiden at Pierrie. Hindi nya na tinanong sina Kuya at Ruix kasi alam na naman namin kung anong gusto nila tss. Wala si Ate Liberty ngayon dahil may ginagawa daw sya, ngunit napapansin kong madalas na syang hindi sumasama sa amin eh. Hmm something's fishy.

"Tss. Diet diet pa eh di naman mga sexy" umirap si Ruix

"Wag mo nalang bilhan Noh, diet naman pala" sarkastikong sigaw ni Kuya kay Noah na hindi naman sya narinig

"Alam mo, ang epal mo Kuya" umirap ako sa kanya at tumawa lang sila

"Oo nga kuya Win" Maggy

"Kayo nga yung dapat mag diet eh kasi ang laki na ng tyan nyo oh" tinuro pa ni Andrea ang tyan nila Kuya at Ruix

"Oy oy oy. Abs ang tawag dito, baby" Ruix sabay himas sa "abs" nya kuno

"Pakita mo nga Ruix, para tumahimik" Kuya

Sabay kaming napairap ni Maggy. Duh! Though may abs naman talaga sila at palagi naman namin yung nakikita. Wala lang. Trip lang namin mang asar.

"Una na ko. May klase na ako" paalam ko sa kanila sabay tayo at kuha ng bag ko.

Kumaway naman ang mga pinsan ko.

"Ingat ka baka madapa ka" Ruix said playfully

"Anong akala mo sakin bata?" singhal ko sa kanya at tumawa nalang sya.

Habang naglalakad ako, I saw Ethan papunta din sa direction ko. Kumakain ng ice cream. Rocky road.

"Hoy" tawag nya sakin

"Hoy ka rin" umirap ako

"Gusto mo?" inalok nya sakin ang ice cream stick nya

"No thanks" kahit na naglalaway ako

Ngumisi sya at dinilaan ang buong ice cream. Ahhh nagpapainggit.

"Klase mo na?" tanong nya

"O---"

Hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang pinasok sa ang buong ice cream nya sa bibig ko at tumawa sya.

"Gago" sabi ko sabay kuha sa ice cream nya na nasa bibig ko

"May laway mo na to eh. Dinilaan mo na to" pagmamaktol ko at tawang tawa parin sya

Kinuha nya ang panyo nya sa bag nya.

"Ayan. Dapat masanay ka na" ngumisi sya habang pinapahidan niya ng panyo ang mukha ko

"Masanay na?" tanong ko habang nakatingala at nakatitig sa mga mata nya

"Kainin ang laway ko" tumawa sya at biglang hinalikan ako

Smack lang yun pero tanginaaa first kiss ko yun! Umawang ang bibig ko at pilit na prinoseso ang sinabi at ang ginawa nya. Hindi naman ako nakapag react agad, parang nanlambot ang tuhod ko. Tangena Ethan!

"Tara na, hatid na kita. Malilate ka na o" Ethan sabay hila sakin na hanggang ngayon ay tumatawa parin

"Ah.... Yeahh!" awkward kong sagot

"Aysows! Kinikilig ka lang eh" tumatawang aniya

"Amfeeling mo ha!!" sinapak ko sya

"Aray!" sumimangot sya "Pero okay lang kiligin basta sakin ka lang maging ganyan"

Hindi na ako nakasagot dahil nakadating na kami sa classroom.

"Anong oras out mo? Hatid kita pauwi"

Umiling ako "Sasabay ako kay Noah"

Ayoko talagang hinahatid nya ako kasi wala syang kotse kaya gagastos pa sya ng pamasahe naming dalawa. Sayang lang ang pera.

"Okay then, ihahatid nalang kita sa carpark, alright?" I nodded at him

"Mauna na ako? Bye. Ingat." Ethan habang kumakaway

"Mag iingat ako sa pakikinig?" I joked at sinamaan nya naman ako ng tingin

"Joke lang. Sige na. Papasok na ako" bawi ko sabay pasok sa classroom

Hindi paman ako nakakaupo, tumalak agad ang bunganga ng mga kaibigan ko

"Ayannn! Ganyaaaan yan eh mga galawang Ethan. Wag kang kumpyansa at wag kang masyadong magtiwala" sarkastikong sabi ni Dina

"Ay tama ka dyan gurl! Alam naman nating lahat kung gaano ka paasa si Ethan" ngumisi si Angelie

"Akala ko ba okay na kayo sa amin?" naiiritang sagot ko

"Okay naman pero kasi, baka masaktan ka sa dulo" Vain reasoned out

"Hindi yan mangyayari" nagulat kaming lahat ng sumingit si Alexa sa usapan.

Hindi naman kasi sya basta bastang kumakausap sa amin eh.

"Pano mo nasabi?" tumaas ang kilay ni Angelie

"I know Ethan. He's my friend. He loves Hera. Noon paman" ngumiti si Alexa

Bigla naman akong na concious dito. Nakakahiya ang sinasabi ni Alexa pero mas nakakahiya ang mga kaibigan ko jusko.

"Ahhh mahal nya pala noon" tumango tango si Dina "kaya pala bumalik sya kay Rain noon at na ghost si Hera?" sarkastiko at nakangisi na pagpapatuloy ni Dina

Tumawa naman ang dalawa kong walang hiyang kaibigan.

"Wew! New version pa yang klase na pagmamahal na nadama ni Ethan noon?" sumipol si Vain

"Di tayo updated girls" tumawa naman sila sa sinabi ni Angelie

"Girls, shut up! Nakakahiya" saway ko sa kanilang tatlo.

Natahimik naman kami ngunit hindi namin inaasahan na magsasalita pa si Alexa.

"Wala kayong alam" seryosong seryoso ang pagkakasabi nya na kahit nakatingin sya sa notebook nya at alam naming ang mga kaibigan ko ang sinabihan nya doon.

"Aba!!! Tumahimi---" sasagot pa sana si Angelie ng biglang dumating ang professor namin kaya wala na syang nagawa kundi ang tumahimik at umirap kay Alexa kahit na hindi naman sya nakikita nito.

Kahit kailan talaga tong mga kaibigan ko! Nakooo!

Chasing LabelWhere stories live. Discover now