Chapter 30

28 6 0
                                    

Warning: R18

Abnormal

Pagkalabas na pagkalabas ko sa restaurant na iyon ay agad na nag uunahang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kung tutuusin ay pwedeng pwede kong isigaw ang pagkainis ko sa doon ngunit ayokong gumawa ng malaking eskandalo sa public place. It might ruin our family's name.

"What was that?" inis na tanong ni Ate pagkarating namin sa carpark "Bakit hindi mo inalam anong nangyari?"

"Alam ko na. Nagsasama sila" humihikbing ani ko

"Nagsasama?" ngumiwi si Maggy "More like nagdidate."

"Talk to him. Yung kayong dalawa lang. Pakinggan mo naman ang explenasyon nya." ani Ruix

"Oo nga. Pakinggan mo yun." pag sang ayon ni Aiden

"Ha? Gago kayo? Harap harapan nyang niloloko yang pinsan nyo. Di nyo nakita? Were you blind?" si Noah na ang sumagot kay Ruix at kay Aiden

"Baka may rason kasi. Ba't ba ayaw mong makinig? Hindi sa lahat ng panahon tama ka"

"I don't care!" matigas na sabi ni Noah at bumaling sakin "Hiwalayan mo na yun. He's not good for you."

"Wag kang makinig kay Noah. Kausapin mo muna. Ask. Don't just assume things." advice ni Andrea

Hanggang sa makarating kami sa hospital ay hindi nawala sa isip ko ang nangyaring yun. Hindi na ako umiiyak kasi ayokong marinig ni Mommy na nasasaktan ako, mag-aalala lang sya lalo, pero nasa isip ko pa rin ang isang malaking question mark kung bakit sila magkasama at kung bakit sya nagsinungaling sakin. Akala ko ba nasa bahay ka Ethan? Kahit na gustong gusto ko talaga syang kausapin kanina ay hindi ko ginawa kasi hindi ko pa kaya. Doble doble na yung problemang dinadala ko. Nasa hospital na nga yung mommy ko, may ginawa pa syang problema. Gulong gulo na ako. Sirado ang utak ko sa mga sinasabi nila at sa kung ano man ang sasabihin nila.

"Rodette" tinawag ako ni Kuya pagkapasok nya palang sa hospital room ni Mommy. Seryosong seryoso ang boses nya.

Gabi na at umuwi na ang mga pinsan ko. Ako, si Pierrie at si Ate nalang ang natira dito bago dumating si Kuya. Si Ate ay natutulog sa couch habang si Pierrie naman ang naglalaro ng kung ano sa cellphone nya.

"What is it?" nag angat ako ng tingin para makita ko ang mukha nya

Nilapag nya muna sa mesa ang mga dala nyang prutas saka sya bumaling sakin.

"Mag-uusap tayo sa labas"

Automatiko namang napakunot ang noo ko.

"Ha? Bakit sa labas? Hindi ba pwedeng dito?"

"Sa labas." mariin nyang sabi at agad yang lumabas

Ayoko mang sumunod doon dahil wala akong gana ngunit naisip kong siguradong seryoso ang pag uusapan namin dahil bukod sa seryoso ang pagkakasabi nya dun, tinawag nya rin ako sa second name ko, which is ginagawa nya lang yun pag seryoso o galit na sya sakin.

"Pierrie bantayan mo si Mommy, lalabas muna ako. Wag ngang puro cellphone ina-atupag mo" bilin ko sa kanya

"Yeah whatever" nakangusong sagot nya habang nasa cellphone pa rin ang paningin

"Pierrie!!"

"Fine fine!" aniya at inilagay ang cellphone sa tabi nya saka kumuha ng mansanas para kumain

Pagkalabas ko, nakita ko agad si Kuya sa may bench seryosong nakatulala at naka ekis ang mga kilay.

Nakakatakot naman tong lapitan. Parang anumang oras ay handa syang singhalan kung sino man ang lalapit sa kanya.

Chasing LabelWhere stories live. Discover now