Chapter 34

19 5 0
                                    

Over

Halos isang oras kaming nag iiyakan ni ate. Walang nagsasalita samin kahit konti, panay lang iyak lang ang ginagawa namin. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Kahit na di pa ako nag take ng pregnancy test ay alam ko at sigurado akong buntis ako. Ang tanga ko! Bakit di ko to naisip nung ginawa namin ni Ethan yun? Sobra talaga akong nadala sa emosyon.

Nang parang mauubosan na ng luha ay tumigil ako sa pag iyak at kumalas sa yakap ni ate. Pinahidan nya naman ang huling luha na kumawala sa kanyang mga mata.

"Anong plano mo ngayon Her? Basta wag kang gumawa ng kahit anong ikakasama sa bata na yan Hera!" nag aalala at nagpapanic na sabi nya

I let out a deep sigh.

"Di ko yun gagawin Ate. Aalagaan ko to. Papalakihin ko to kahit na ako lang." hinawakan ko ang tyan ko at tumulo nanaman ang mga luha ko

Anak...

"Anong ikaw lang? Si Ethan? Gago sya? Responsibilidad nya ang batang yan. Pananagutan nya ang batang yan sa ayaw at sa gusto nya!" tumaas ang boses ni Ate

"Natatakot ako ate. Baka ayawan nya ang batang ito. Baka ayawan nya kami." bumaba ang tingin ko sa sahig

"Sabihin mo! May karapatan syang malaman yan Hera. Siya ang ama nyan, kayong dalawa ang bumuo nyan!"

"Anong bumuo? Anong ama?"

Sabay kaming napalingon si Ate sa pinto ng kwarto ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko sa Kuya doon, naka tayo. Naka ekis ang mga kilay nya at nakatingin diretso sakin.

Halatang galing pa sya sa paaralan kasi nakasakbit pa ang bag nya sa balikat nya at nakauniporme pa sya.

"Kuya--"

"Anong ama?" ulit nito

Napapikit ako at nag angat ng tingin kay Ate. Tumango si Ate kaya bumaling ang tingin ko kay Kuya.

"Tawagin mo si Pierrie" utos ko

Sa maikling oras ay nakapagdesisyon ako na sabihin ito sa mga kapatid ko. Dapat nila itong malaman.

"Sabihin nyo muna sakin ano yun?" striktong ani Kuya

"Kuya please! Tawagin mo muna si Pierrie! Wag mong hayaang ma stress itong kapatid mo!" tinuro ako ni Ate

Kuya glared at me saka tumalikod para tawagin si Pierrie.

"It's okay. I'm here." sabi ni Ate habang hinahagod ang likod ko

"Baka magalit sila Ate." parang batang sumbong ko

"Magagalit yun pero sa una lang yun. Di ka nila pabababayaan. Kilala mo sila Hera. Natural lang na magalit sila. Lalo na si Kuya. Pakiramdam nya responsibilidad nyang bantayan tayong tatlo"

"Ate"

Bumukas ang pinto at pumasok ni Kuya na nakakunot ang noo at naka uniporme pa rin. Nakasunod si Pierrie sa kanya na naka ekis din ang kilay, nakapambahay at hawak hawak ang cellphone nya. Halatang naglalaro ng ML.

"Put your phone down, Pierrie" utos ni Kuya sa kanya at dumeretso samin ni Ate

"Ngayon, tell us." galit utos nya na para bang anytime at sasabog na sya

Napatingin ako kay Pierrie na nakakunot din ang noo na nakatingin sakin. Naka off na ang cellphone nya.

"What's happening?" tanong nito

"I'm pregnant" anunsyo ko. Napapikit ako sa takot ng mga reaksyon na maipapakita ng mga kapatid kong lalaki.

"WHAT THE HELL?" sigaw ni Kuya at hinawakan ang buhok nya. Halatang di alam kung anong gagawin.

Chasing LabelWhere stories live. Discover now