Chapter 16

28 5 0
                                    

Strange

"Where's Ate?" tanong ko sa pamilya ko na nasa hapag-kainan na at nagsisimula nang kumain

Lumapit ako at humalik sa mga magulang ko "Good morning Mom! Dad!"

"Good morning baby!"
"Good morning anak!"

Sabay na bati ng mga magulang ko sa akin.

"She's in her room" Pierrie answered my question

Lumiko naman ako para makalapit sa dalawa kong kapatid na nasa gilid ni daddy.

"Di pa sya kakain?" hinalikan ko ang pisngi ni Pierrie at ni Kuya "Goodmorning panget! Morning Kuya"

"Mas pangit ka" singhal ni Pierrie sa akin ngunit hindi ko sya pinansin at umupo nalang ako sa upuan ko katabi ni kuya

"She's not feeling well" Kuya sabay halik din sa pisngi ko "Goodmorning princess!"

"Bakit? Fever?"

"Headache lang anak" Daddy at sumenyas sa akin na umupo na

"But we already sent her a breakfast though. In her room" Mommy looked at me "Anong gagawin nyo mamaya?"

"About what Mom?" kuryoso kong tanong

"Noah's Birthday" she simply said

"Speaking of, asan ba gaganapin ang birthday ni Noah, Mommy?" Kuya

"Sa bahay daw nila. Sa garden."

"Hindi mo alam Kuya?" kuryosong tanong ni Pierrie sa kanya

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"MIA ka kasi palagi tuwing lunch" banat ni Pierrie sa kanya

"Oo nga Kuya, sinabi na naman ni Noah last week kung saan gaganapin ang birthday nya" singit ko

"Anong MIA?" tanong nya kay Pierrie saka bumaling sa akin "Hindi ko nga alam" napipikon na bulaas nya.

Bakit parang masama ang araw nito ngayon?

"Missing in Action" umiling iling si Pierrie "Gurang ka na talaga Kuya"

"Ano ba!" singhal ni Kuya sa kanya pero tumawa lang si Pierrie

"Boys, that's enough. Nasa hapag-kainan tayo" awat ni Mommy sa kanila "So, may lakad kayo ngayon?" Mommy looked at me

"Yes Mo-"

"Yes Mom! Magpreprepare po kami ng surprise para kay Noah" ngiting ngiti na sapaw ni Pierrie sa sanay sasabihin ko

Tumingin si Mommy sa kanya saglit at bumalik ang tingin sya sa akin.

"Anong oras ang lakad nyo?"

"After lun--"

"After lunch yung plano namin Mom pero si Ate ay susunod nalang daw kasi may lakad sila ni... Ay mga ka klase nya pala. Diba Ate?"

Tumango ako sa kanya at asar na ngumiti.

"Yes Mom. After lunch kami magkikita lahat"

Mommy nodded.

"San kayo gagawa nang para sa surprise nyo?" Daddy asked me

"Sa bahay nina--"

"Sa bahay nina Tito Miguel dad" sapaw na naman ni Pierrie

Si Tito Miguel ang Daddy nina Maggy, Ruix at Aiden na syang kapatid din ni Daddy.

"Ano ba!" sinamaan ko sya ng tingin at humagalpak naman ng tawa si Kuya "Kanina ka pa ah"

Chasing LabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon