Chapter 31

27 4 0
                                    

Happy

"Bukas na ba?" nang aasar na tanong nya pagkatapos ng ginawa namin

Nandito kami sa kama ko ngayon nakahiga. Pagod na pagod.

"Ha?"

"Yung utak mo babe, bukas na ba? Sabi mo kanina sarado pa yung isip mo para makinig sa eksplenasyon ko. Ngayon, bukas na ba?" he grinnned at hinawakan ang kamay ko

"Hmmm. Ba't kayo nagdididate?"

"We were not dating!" defensive na sagot nya

"What was it then?"

"Sinamahan ko lang sya. Her father called me na kailangan raw ni Rain mamili ng mga gamit para sa pasukan kaso busy ang mga magulang nya. Di naman papayag ang papa nya na aalis sya mag isa kaya naisipan nya akong hingan ng pabor at yun ay ang samahan si Rain. Nang malaman yun ni papa, pinilit nya akong samahan nalang daw si Rain kasi nakakahiya naman daw humindi. Malaki ang utang na loob namin sa pamilya nya babe, alam mo yun kaya pumayag ako. I was about to call you nang makita ako ng mga pinsan mo sa arcade kaya yun sinuntok ako ni Noah. Tangina!" mahabang paliwanag nya

"School supplies pala e bakit nagkita kayo nina Noah sa arcade?" tumaas ang kilay ko

"Alam mo namang madadaanan ang arcade bago makapunta sa NBS" he reasoned out

"Sus!"

"Totoo nga"

"Pengeng ebidensya?" nang aasar na sabi ko pero sa totoo lang ay naniwala naman ako sa kanya, gusto ko lang mang asar.

Umawang ang mga labi nya "Are you serious?" di makapaniwalang aniya

"Yep"

"Babe" nagugulat pa ring aniya

I laughed at his reaction "Joke lang! Oa neto!"

"Wag kang magbiro ng ganun, ayokong mag away ulit tayo dahil lang dun" seryosong sabi nya

"Oo na"

He was about to say something when my phone rang.

Shet! Si Daddy.

"Dad?" mahinang sabi ko

["Where are you? Pumunta ka na dito!"]

"Dad, I'm.. tired" hininaan ko ang boses ko when I said the last word. Baka kasi kung ano ang isipin nya. Na pra praning na ata ako.

["You're what?"]

"I'm tired. After lunch nalang ako pupunta dyan."

I heard Kuya on the background. He said something like hayaan na raw muna ako ngayon.

["Fine! Hindi na ako uuwi dyan ngayon, didiretso na ako sa opisina"]

Yes! Napasigaw ako sa isip ko.

"Okay" sagot ko nalang

["Take a rest okay? Bye baby"]

"Bye dad" yun lang and we ended the call

"Daddy mo?" tanong ni Ethan na nasa tabi ko pa rin

"Obvious naman diba?" masungit na sagot ko

"Tss" sumama naman ang mukha nya

"Go home. Pupunta akong hospital mamaya."

"Later"

"Ethan!"

"2nd round?" he casually said then he grinned kaya agad nanginit ang mukha ko

"Gago!" sigaw ko at binatukan sya

Chasing LabelWhere stories live. Discover now