Chapter 4

57 8 0
                                    

Atmosphere

"Oh come on Ate! Wag kang kj!" naiiritang sigaw ni Pierrie sa akin.

Galet na galet? Gustong manaket?

Today's saturday at dahil start na ng second semester sa lunes, the young Villanuevas (us and our cousins) decided to go to atmosphere. Isang kilalang bar ang atmosphere dito sa bohol.

"Shut up Pierrie! Ayoko ngang sumama. Pasukan na sa lunes kaya mag rerelax ako dito sa bahay this whole weekend. Kung gusto nyo, kayo nalang" sigaw ko sa kanya

"Exactly Hera! May pasok na monday kaya you should come with us! you should enjoy the remaining days of our semestral break! Ghad" singit ni Ate habang nag cecellphone

Ka chat nya siguro yung mga pinsan namin sa group chat.

"Ayoko nga ate!!! Kayo nalang" umirap ako

"Bakit ba Ate?" Pierrie

"I just don't feel like up to it"

"Dali na sisssss" parang batang sabi nya

"Oo nga Ate sige naaaa" Pierrie sabay yakap sa akin

Hmmm nanglalambing ang bunso namin. May gusto kasi. Gusto nyang sumama ako. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Except for Kuya na nandoon sa mini library namin at nag study na naman. Ang sipag talaga non mag aral.

"Fine fine! Pero we should go home early ha"

"Yes!"


"Yun oh"

Sabay na sabi nila at sumuntok pa sa hangin ang baliw na si Pierrie.

"Uuwi tayo ng early Ate?" tanong na naman ni Pierrie

"Oo"

"Early in the morning?" Pierrie sabay tawa na para bang ang saya saya nya talaga

"Boang jud" Ate sabay ngisi

"Really Pierrie? Really huh?" sabay kiliti ko sa kanya

Dapat ay matulog ako, total mamayang 6 pm pa naman kami pupunta at 2 pm pa ngayon. Pero imbes na matulog ay nag asaran nalang kaming tatlo sa kwarto ko. Ang daldal kasi ng dalawang to eh at mas iingay pa to kung nandito si Kuya kaso nag-aaral eh masyadong seryoso kaya nevermind.

Around 6:15 kami nakarating sa Atmosphere o tinatawag nilang Atmo. Pierrie drove the car since wala si Kuya and tinatamad kami ni Ate na mag drive.

Pag pasok palang namin, dinig na kaagad namin ang music na parang seductive kung pakinggan at ang disco lights sa loob na romantic naman tignan.

"Pierrie? Here! Lib? Hera?"

We found our cousins sa table na nasa pinaka dulo and they're already drinking tequila. Well, except for Maggy and Andrea na virgin colada lang ang iniinom para di masyadong malasing, and i bet yun lang din ang ipapainom nila sa amin ni ate.

Agad akong tumabi kay Maggy.

"Kanina lang kayo?" I asked her

"Nope. Kadadating lang din namin ni Kuya Ruix"

I nodded sabay inom ng virgin colada na kabibigay lang ng waiter sa akin. I told yah, they also just ordered this drink for me and Ate.

Agad na nag asaran kami ng mga pinsan ko. Except for Ate na hindi ko alam kung nasaan. Baka nakakita ng kakilala kaya umalis muna. Tawanan dito, tawanan doon. Ganito kami palagi. At ngayon ay nag ra-rate ang mga boys ng babae. Tsk tsk boys! Pero sanay na kami na ganon ang mga pinsan namin pati si Kuya at Pierrie ay ganoon din palaging nang ra-rate.

Ruix is known as playboy sa paaralan namin. Papalit palit ng babae. Si Noah naman, isang beses lang ata yan nagka girlfriend tas wala na. Si Paul at Pierrie naman ay wala pa kaming naririnig na nagka girlfriend. Crush siguro. Ang Kuya Win ko kay nagka girlfriend once, pero hiniwalayan nya noong hindi na sya naiintindihan ni Lany kasi puro pag aaral ang inaatupag nya at nawawalan na sya ng oras kay Ate Lany. Sayang, I like ate Lany pa naman. Walang arte at always on the go.

"Hoy! Balita ko, nagkita daw kayo ni Ethan ah?" Andrea

"Talaga? Ba't di nyo sinabi sakin? Ang dadaya nyo ah!" busangot na singit ni Maggy

Marahan akong tumango at tumingin sa mga pinsan kong lalaki (except kay ruix na nag cr) na hindi ko namamalayang nakatuon na pala sa amin ang atensyon nila. Ganito talaga sila eh pag lovelife na naming mga babae ang pinag-uusapan, interesadong interesado. Hmp! Gusto daw kasi lang nilang dumaan muna sa kanila ang mga manliligaw namin bago manligaw sa amin nang makilatis daw nila. Tss!

Sinabi ko sa kanila lahat ng nangyari hanggang sa parte kung saan nag tweet si Ethan.

"Talaga? Kaya pala. I saw that tweet of Ethan eh pero binalewala ko lang. I never thought mama nya si Ate Michelle" nakabalik na pala sa table namin si Ruix.

Of course, kilala nila Mamay.

"It's okay Her, just forget it, forget what happened and you said naman na you already moved on right?" Maggy

I nodded.

Yes I told my cousins na I already moved on from Ethan kasi I don't want them to worry na.

"Oo nga. It's not a big deal. Eh ano ngayon kung mama nya si Ate Michelle?" sabi ni Paul

"Besides, hindi naman natin yun palaging nakikita sa school, i mean, si Ethan" ruix

"Sa laki ba naman ng paaralan na yun" Pierrie

"Don't worry, i'll talk to him about this" Noah

"Yes you should!" Ruix sabay tap sa likod ni Noah

Tumingin lang si Noah sa kanya.

Lumipas ang dalawang oras, hindi namin namamalayan dahil sa chikahan namin. The boys are dancing on the floor na with some girls, at may mga tama na rin silang lahat. I saw Ruix on the other side of the bar also, he's kissing a girl. French kiss pa actually.

At exactly 12 am, we girls, decided to go home na dahil gabi na at kaming babae ang mag da-drive ng kotse dahil lasing sila at delikado iyon. Hays!

Chasing LabelWhere stories live. Discover now