Chapter 14

32 7 0
                                    

Official

"Hoy ang tahimik mo ata? Is there something wrong?" Noah asked me while he's driving

Uwian na ngayon at dahil magkaparehas ang schedule ng uwian namin ngayon, sa kanya na naman ako sumabay pauwi. I looked at him and I sighed.

"Noah, can i ask you something?"

Siguro naman ay alam ni noah, magkabarkada naman sila.

"You're already asking"

I glared at him.

Tumawa naman sya at tumingin sya sa akin "What is it? Bakit parang ang seryoso mo?"

"What do you think about Ethan?"

"What about him?" kumunot ang noo nya

"Do you think I should trust him?"

Para syang natigilan at hindi agad nakasagot but he just shrugged.

"Ano?" pangungulit ko

"You are already trusting him Hera. Why are you asking me this?" tumingin sya sakin saglit at tumingin ulit sa kalsada

"Kasi naguguluhan ako, palaging sinasabi nina Dina na hindi ako dapat pa kompyansa and magtiwala sa kanya. Hindi ko sila pinakinggan eh ngunit ngayon, naisip ko, naalala mo ba nung nagkita tayo sa parking lot sa bq mall? Nung nag usap kami?"

"Oo. Bakit anong nangyari noon? May ginawa sya sayo? Tangena sinabihan ko nang--"

"Hindiiii ano ka ba" pinutol ko ang sasabihin nya "Kasi Noah, yung time na yun, tinanong ko sya kung bakit nya ako iniwan kaso ang sinagot nya lang sa akin ay hindi raw nya pwedeng sabihin sa akin kasi nangako daw sya--"

"Kanino?" kunot-noong singit nya

"Wait, hindi ko alam kanino. Kaya lang, noong nagkausap kami, nung araw na nag passed out ako sa mall, sinabi nya sakin ang dahilan kung bakit nya ako iniwan noon, may sakit daw si Rain. Akala ko ba hindi nya pwedeng sabihin? Pero bakit sinabi nya?" parang batang sumbong ko kay noah

Konti nalang talaga at maiiyak na ako.

"Tangina!" bulong ni Noah na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko

"Bakit noh? Totoo ba yun? Ano ba talaga ang totoo?"

Ngunit hindi na ako sinagot ni noah hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nagsalita sya bigla

"Alam kong mahal mo sya pero siguro wag kang basta bastang magtiwala. Dalawa lang kasi yan e, it's either may hidden motives sya o na realize nyang dapat nyang sabihin sayo" sinabi nya lang yun ng parang wala sa kanyang sarili habang deretsong pinaharurot ang sasakyan nya pauwi sa kanilang bahay.

Hindi nawala sa isipan ko ang pag uusap namin ni Noah kanina. Alam kong seryoso sya doon. Sa lahat ng pinsan kong lalaki, si Noah ang talagang mapagkakatiwalaan mo. Hindi sya kagaya nina Ruix, Aiden at Pierrie na mapaglaro o hindi masyadong sineseryoso ang mga salitang lumalabas sa bibig nila.

My phone suddenly beeped.

Ethan: Are you home?

I immediately replied.

Me: Kanina lang.

Ethan replied with a fire emoji.

Me: what's up with that

Ethan: you're so cold :(

Awwweee cutieee. I want to reply that to him but i find it kinda cringe uhhh.

Me: Just thinkin bout something.

Ethan: About what, bb?

Me: Stop calling me bb.

Ethan: Fine! But what are you thinking?

Me: Nevermind.

Hindi ko na hinintay ang reply ni Ethan at bumaba na ako para kumain sana ngunit naabotan ko ang mga pinsan kong nag momovie marathon sa sala.

"Oh? Why are you all here?" I asked them

"Grabe ang sakit mo namang magsalita" Ruix pouted playfully

"I mean, bakit hindi ko alam na nandito kayo?"

"Wag ka ng maraming tanong" Maggy rolled her eyes kaya umirap din ako sa kanya

"Boring sa bahay eh" Andrea

"Mag iinom kayo?"

"Nope! Bonding lang"

"Busy kana kasi kay Ethan kaya di kana nakakasama pag may lakad tayo" Aiden

"Hoy hindi ahh." deny ko

"Sus"

Ayun! Natapos ang gabing yun na puro kulitan lang kasama ang mga pinsan ko. One week have passed and so far, wala pa namang balita kay Rain. Maybe his dad only came back here for some important matters kaya nawala din konti ang pangamba ko. Pero paano kung biglang bumalik si Rain? Paano kung bigla nyang kunin sa akin si Ethan. Nakuha na nya si Ethan sa akin noon at hindi malabong makuha niya ulit si Ethan ngayon lalo na at wala parin kaming label dahil hindi pa naman kami.

"Penny for your thoughts?" Ethans's face showed up

Nandito kami sa isang park ngayon. Dito namin napagdesisyonan magkita bago pumunta sa mall para manood ng sine.

"You're here!" I faked a smile

Kumunot ang noo nya.

"What's wrong?" He sounded so concerned

Tumingin ako sa kanya. I stared at him for like 3 minutes. Hindi ko kaya. Hindi ko na makakaya pag naagaw nya ulit si Ethan sa akin. Takot ako. Takot na takot.

"Hey" Ethan held my hand

"Let's make this official Ethan. I'm your girlfriend now" I said it with full of finality

Ethan looked so shocked.

"Totoo?... Bakit... Baka" utal utal nyang sabi. Hindi matuloy tuloy kung ano mang sasabihin nya

"Ayaw mo?" tumaas ang isang kilay ko

"What? No! Of course gusto ko. It's just that, what made you decide na sagutin na ako ngayon?"

Curious cat hmm.

"Mahal kita e. Alangan patagalin ko pa?" I smiled at him sweetly

He hugged me.

"I love you, Hera. So much!" sincere nyang sabi

"I love you too Ethan" I hugged him back

Kumalas sya sa yakap sa akin.

"Hindi ka ba talaga napipilitan? You know I can wait Hera"

"Of course not. Bakit pa natin patatagalin kung pwede namang ngayon na?" I smiled at him

"Okayyy. I love you baby. Thanks for not giving me up before." he hugged me

"I love you too, Ethan. Mula noon, hanggang ngayon" I hugged him back

And somehow, I feel relieved.

Chasing LabelWhere stories live. Discover now