Chapter 10

5.5K 280 56
                                    

Pagdating namin agad bumungad sakin ang maraming pamilyar na mukha. Mga schoolmates namin to. Ang crowded ng club dahil Friday night ngayon. Kasabay ko ang magjowa na pumasok. Sumalubong naman sila Maxine, Ashley and Steph kay Li. Nakalimutan ko, kasali nga pala siya sa grupo nila. Si Adam naman ay nag paalam na pupunta sa table ng barkada niya.


Shit nakakaout of place ah. Ginala ko nalang tingin ko at hinanap sila Janine. Para naman hindi mapanis yung laway ko. Saktong nakita ko sila sa gilid.


"Li lilipat muna ako ng table-" magpapaalam na sana ako kaso hinawakan niya kamay ko at tinignan ng masama.


"No you stay here." Ayun wala akong nagawa. Ano namang gagawin ko dito? Di niya naman ako kinakausap.


"By the way girls I want you to meet my friend, Eve." Pagpapakilala niya sakin. Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Kailan pa kami naging friends?


"Oh really? I didn't know may ibang friend ka pala maliban samin at Keish." Nakangiting binaling ni Max ang tingin sakin. Ang judger ng mga mata niyang nang hehead to toe ah.


"Of course I have but you can't call her Eve. Ako lang pwede tumawag nun so you could call her Demi." Inangkin niya na talaga second name ko. Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanila. Di ko naman kasi type yung mga friends niya. Halatang alagad ni Berna at Angelica Tumang.


"Hi Demi. I'm Maxine and this is Steph and Ash." Una niyang tinuro si Steph na short hair and then si Ashley na kulay gray ang tip ng hair. They wore the usual skin exposing clothes nila. Not here to judge though. Pwede naman nating suotin kung ano gusto natin. Overall, maganda sila. Hindi ko maitatanggi na kahit mga bullies tung friends niya, may ibubuga talaga sa itsura.


Nakipagshake hands nalang ako sa kanila para matapos na ang convo. Dinala nila kami sa table nila and as expected may boys silang kasama. Pero wala akong time para i appreciate ang mga mukha nila dahil busy ako sa pagiisip kung bakit hawak hawak parin ni Li yung kamay ko. Hindi naman sa nahihiya ako pero parang sasabog na kasi puso ko kung hindi niya bibitawan. Kaya nung inabutan ako ni Max ng inumin agad kong binitawan kamay niya at inabot ito. Kumunot naman noo niya bago lumingon sakin. Instead na hawakan ulit kamay ko pinulipot niya yung kamay niya sa braso ko. Ang clingy talaga hays.


Matapos ko ma discover sa sarili ko na may little crush ako sa babaeng to, pinilit kong patayin. Ayaw ko kasing ientertain dahil baka lumalim. Isa pa masmabuting doon siya dumikit sa bf niya. Bakit nga ba siya nakakapit sakin?


Nagsimula na nga ang inuman at may kanya-kanyang kausap yung mga friends niya. Si Adam din busy na nakikituwaan kina JB. Infairness at di masyadong clingy at pda sila ngayon.


"Eve kwento ka." Bigla niyang usal at uminom ng beer.


"Anong ikukwento ko sayo?" Ginawa pa akong story teller.


"Hmm bakit ka nagengineering?"


"Kasi yun gusto ni papa." Simple kong sagot. Tumaas naman kilay niya dun.


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon