Chapter 42

4.7K 227 42
                                    

"Found you."

Paulit-ulit na nagpaplay sa utak ko yung sinabi niya kanina. Matapos niyang sabihin yun nakatulog na ulit siya. Kaya ayun tumawag ako ng taxi para lang ihatid siya sa bahay nila. Good thing na malapit lang pala. Hindi ko alam na dito na pala sila lumipat. Si tita na yung nagbukas ng pinto. Nagulat nga siya nung makita kaming magkasama at pasan ko sa likod si Lilith. Inalalayan lang ako ni tita na ipasok siya sa kwarto niya.

"Dito ka na matulog Demi gabi na." Pagaalala niya. Wala paring pinagbago si tita after six years. Maganda pa rin. Nilalaro ko lang si Levi na karga-karga ko. Oo andito parin siya at cute parin. Huhu namiss ko yung anak namin.

"Nako hindi na po. Kailangan ko pang asikasuhin yung mga dadalhin ko bukas kaya uuwi na siguro ako samin." Naalala ko si Snow pero hindi naman siguro pinabayaan yun ni Carlo.

"You can do that tomorrow. Sige na hindi ako mapapanatag kung uuwi ka ng magisa. Dito ka na may guest room naman." Gusto ko pa sana tumanggi kaso ngumiti si tita kaya di nako makahindi. Kung aalis din ako baka wala nang masasakyan sa labas. Buti nalang talaga nag commute lang ako ngayong araw.

"Then I'll take that offer tita." Mas lalong lumapad yung ngiti niya sa sagot ko.

"Great. I'll tell the maids na ihanda kwarto mo. For now would you like some coffee?"

"Hmm sige po." Ngumiti narin ako kaya nagtungo na kami sa balcony para makapagpahangin. Binaba ko na rin si Levi para makatulog ng maayos dun sa dog bed niya. Feeling ko rin nawala na yung antok ko dahil sa mga ganap kanina.

"How are you?"

"Okay lang po. I'm working at currently on the same firm with Lilith." Nung sabihin ko yun biglang natawa si tita.

"Akalain mo yun small world." Di ko nga rin ineexpect na magkikita ulit kami. Para akong pinaglalaruan ni universe ngayon.

"Oo nga po eh. " Umiinom ako ng kape nung bigla nalang siya magsalita ulit.

"Single ka pa ba ija?" Muntik ko na maibuga yung iniinom ko. Naubo pa ako gulat. Si tita may baong surpresa talaga.

"p-po?" Pinunasan ko muna yung bibig ko bago siya tinignan. Nakangiti lang sakin siya sakin na para bang may nais ipahiwatig. Kinakabahan ako sa mga tingin niya. Parang si Lilith pag may binabalak na masama.

"Single din si Lilith ko. How was your parents ba?" Parang nagloading ako dun ah.

"Ah okay na naman sila tita. Tanggap na po nila yung preference ko. Nung graduation feeling ko balde-balde yung iniyak ko." Naalala ko nanaman yung time na yun. Ang sarap alalahanin. Yung ilang taon mong hinintay na tatanggapin ka at nung binigay na nga ang gusto mo parang lahat ng sakit at saya hinalo-halo na. Tinapik lang ni tita yung balikat ko bago ngumiti.

"Told you matatanggap din nila. Matagal man pero worth it naman diba?"

"Hmm thanks tita." Ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya.

"So ano na how about getting back with my daughter?"

"Uhm okay lang ba yun tita?" Parang ang labo naman nauna pa ako makipagusap ng maayos sa mommy niya. Ngayong araw nga lang din kami muling nagkasama tapos ganito agad.

"Ang alin? bakit di mo na ba mahal anak ko?"

"No no no hindi po sa ganun pero kasi kakakita lang namin muli tapos gagawa agad ako ng move. Ni hindi pa nga kami nakakapagusap ng maayos. Paano kung hindi na niya ako gusto? Baka mapilitan lang siya-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang siyang tumawa. Dejavu nanaman.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon