Chapter 7

5.3K 265 73
                                    

Lilith's PoV

Gagong Sandoval yun at nambulabog ng kay aga. Gustong-gusto niya talagang iniinis ako. Yamot na napahiga ulit ako sa kama. Sinubukan kong matulog ulit pero gising na gising na ang diwa ko. Ugh kaya ayoko nagigising ng maaga. Inis akong napaupo sa kama at tumingin sa wall clock. It's still 5:20 am. To think na madaling araw na ako nakatulog dahil sa tawagan session namin ni Adam. Kasi nga daw bumabawi siya ng oras na di kami masyadong nakapagusap kahapon.

Dahil hindi na rin naman ako makakatulog ulit. Kinalikot ko muna yung phone ko. Wala pang text si Adam. Of course he's still asleep kung hindi lang ako ginambala ng babeng yun malamang sa malamang mamaya pang eleven gising ko. Naglaro muna ako ng ilang games at nanood ng mga namiss kong vlogs. Lumipas din ang isang oras ng hindi ko man lang namamalayan. Minabuti ko ng lumabas ng kwarto para icheck yung babaeng iniwan ko sa sala. Aba malay ko kung ano na ang ginagawa niya at baka may ginagalaw siya sa mga gamit ko.

Paglabas ko wala siya sa sala pero andun yung bag na dala niya sa couch. Sumalubong sakin ang mabangong amoy ng bacon. Nagtungo ako sa kitchen at tama nga ang hinala ko nagluluto siya. 

"Good morning. Peace offering." Sabay lagay niya sa mesa ng bagong lutong bacon. May itlog at kape na din. Aba di naman siya prepared. Dinaig niya pa yaya nila Adam. Nagsaing na din siya. 

"Di ko alam na naghire pala ako ng katulong?" Masungit kong tingin sa hinanda niya. Sa totoo lang nagugutom ako sa nakikita ko.

"Tch magkano ba bayad?" Nakangiti niyang sabi. Tch bakit ganun parang alam niya talaga kung paano ako patahimikin. Di ko din maintindihan sarili ko at di ko magawang gawin sa kanya ang usual na ginagawa ko sa mga nangingialam sakin. 

"One pipti." 

"Presyong bakla naman yan." pagrereklamo niya. Medyo natawa ako dun pero pinigilan ko. Di ako easy to get. 

"Bakit alam mo? namakla ka na?" Napamaang yung mukha niya na parang nandiri. 

"Papatol ako sa lalaki at babae pero never sa bakla." Ani niya at nilapag yung bagong salin na kanin. Now that she mention it, I forgot that she's bisexual. Nakatingin lang siya sakin nung marealize niya yung sinabi niya. Tinitigan niya lang ako na parang binabasa yung reaksyon ko. Ano nga bang dapat ko ireact dun eh sa alam ko na din naman.

"What?" Taas kilay kong tanong. 

"Okay lang sayo?" Pagtataka niya.

"Na ano?" 

"Na bisexual ako." Napakunot naman noo ko dun. Bakit naman ako hindi magiging okay eh sa buhay niya yan.

"Ano naman pake ko sa buhay mo?"

"Ewan akala ko kasi hater ka ng lgbt." Natatawa na siya ngayon at nagpatuloy sa paghahanda ng mesa. Alam na alam niya kung ano ang gagawin. Di naman din kasi mahirap hanapin mga gamit sa condo ko kasi madali lang naman makita.

"Sino nagsabi?" 

"Sila yung mga hater mo." Ngisi niya at nilapag yung plate ng scrambled egg. 

"Isa ka sa kanila no?" Simpleng tanong pero alam kong mahirap sagutin. Napatulala naman siya nung marinig niya. Alam ko na din naman na ayaw niya sakin sa simula pa and to be honest di ko din naman siya gusto. Dun palang sa pagtanggi niya na siya lang gagawa ng proj alam kong di kami magkakasundo. I'm not expecting anything from her though.

"Oo dati." Sagot niya at naupo. Ako naman yung napatigil sa sagot niya. Dati? She meant two days ago? 

"Bakit dati? Di na ngayon?" Parang na curious naman ako dun. 

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon