Chapter 14

5.1K 257 46
                                    

Kita niyo nga naman. Ako na nga ang nagluto at naghanda ako pa naghugas. Kinacareer ko na talaga pagiging alalay nung spoiled brat na yun. Pero sayang din naman yung sweldo pang tuition ko narin. Matapos ko na ligpitin yung pinagkainan namin, nagtungo ako sa banyo para magbihis. Dalawa kasi banyo niya dito. Isa sa loob ng kwarto tapos isa sa labas. 


Kung hinahanap niyo si Li ayun sa kwarto niya sabi magliligo daw. Pawis kasi galing praktis need niya din palamigin ulo niya. Matapos kong makapag half bath, kinalikot ko na yung phone ko. Makapaglaro nga muna ng mobile legends. Hindi ko na napansin na bumukas pala yung pinto ng kwarto niya dahil focus ako sa rank game. 


"Eveeee~" Tawag niya sakin. Di ko siya nilingon. 


"Yeah?" 


"Manood tayo ng movie." Tumabi siya sakin at sumandal sa balikat ko. Ang comfy na nga niya sakin. 


"Anong movie?" Wala sa utak kong tanong. Nagcaclash na kasi. Lintik na stun pa. 


"Hmm horror?" Napataas naman kilay ko sa suggestion niya. Di ko alam mahilig pala to sa horror.


"Sure ka?" 


"Hmm gusto ko manoon ng horror kaso di ko magawa magisa." Nanonood lang siya sa pinaggagawa ko. 


"Okay." 


"Anong okay?" 


"Manonood tayo." Di parin ako lumilingon sa kanya. Umalis siya sa balikat ko. Naramdaman kong may masamang mga mata na nakatingin sakin.


"Tigilan mo na nga yan." Pagrereklamo niya.


"Wait tapusin ko lang to." Yun oh maniac na.


"Ugh you know I hate it when I'm talking to someone and they're not paying attention to me." Maypagbabanta sa tono ng boses niya. Pero di yan oobra sakin. 


"Then don't talk to me." Pagsusuplada ko. Naman guluhin na ako wag lang sa laro. 


"Ugh Eveeee" Niyugyug niya ako. Hasyt. Tumayo ako at lumipat. Patuloy parin ang paglalaro. Malapit na din naman kasi matapos. 


"Di ka ba napagod sa praktis niyo?" Tanong ko pero hindi siya sumagot kaya napagdisisyunan kong iangat ang tingin ko sa kanya. shet ang sama ng tingin. Mananalo na din naman kaya pinatay ko nalang yung phone at nilapag sa tabi ko.


"Oh ayan na tapos na. Tara manood." Aya ko. Hindi siya ulit sumagot at tinitigan lang ako ng masama. Mukha talagang bata eh.


"Li tara." Lumapit ako ulit sa kanya pero bago pa ako makalapit talaga nakatanggap ako ng hampas.


"Aray! Abusado ka na talaga sakin. Kakasuhan na kita ng violence." Hinimas-himas ko yung hinmpas niyang braso ko. 

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon