Chapter 32

6.7K 290 117
                                    

Kakarating ko lang sa tinext na lugar ni Li nung makita ko ang mga mukha ng mga kabigan niyang kala mo nalatang gulay at yung mga mata dinaig pa si panda. Maliban kay Keish at Li, ang fresh tignan ng dalawa. 


"Hello baby!" Bungad ni Keish sakin na nakatanggap ng masamang tingin mula kina Max at Li. 


"Hi anong nangyari sa inyo?" tanong ko sa tatlo.


"Laspag sa rizal nila." Ngisi ni Li. Palibhasa na turuan ko siya kahapon. 


"Bakit di mo tinuruan Keish?" Jowa niya yung isa tapos di man lang tinulungan. 


"Di naman lumapit sakin." Sagot niya habang busy sa librong binabasa niya. This is Keisha sa school. Ito yung una kong nakitang side niya bago pa yung kalog na Keish.


"I need food." Matamlay na sabi ni Ash. May kinuha naman sa bag si Steph. Isang malaking pack ng chippy at hinagis kay Ash. 


"Thank you." Ang lapad ng ngiti niyang sinalo yung pagkain. Pansin ko lang super magkasundo silang dalawa. Alam na alam ni Steph kung ano ang gagawin para sa isang matakaw na Ashley. May something akong nasesense sa kanila simula pa nung outing o guni-guni ko lang?


Umupo ako sa tabi ni Li at agad naman niyang pinulupot yung kamay niya sa braso ko. Ang clingy talaga eh. It's been a week since nung birthday niya. Akala ko makikita namin si Adam pero wala siya nung Monday. Naaawa ako sa kanya pero I think kailangan niya rin ng time para tanggapin yung katotohanan.


Anyway, after nung birthday ni Li we somehow became more intimate. From a morning forehead kiss ngayon she's asking it on her lips. She's extra sweet din. Di ko alam kung ano kami. Para kaming magjowa pero walang label. Hindi naman sa ayaw ko actually gusto ko nga kaso lang hindi ko maiwasan mag wonder din. 


"What about gimmick later?" suggestion ni Li. 


"Akala ko ba may plates kang gagawin?" Kunot noo kong tanong sa kanya. 


"Ay oo nga pala.Friday?" 


"Game. I need a break din." Pagsangayon ni Max. 


"Seconded. How about girls night naman? Nakakasawa din mag club." Dagdag pa ni Steph. 


"Kina Li tayo." Excited na sabi ni Ash na nakatanggap naman ng hampas kay Li. 


"No way magkakalat lang kayo sa condo. Kina Keish na tayo." Mataray niyang pagreject. I remember ayaw niya nga nagugulo condo niya. Maypagkaclean freak din to almost OCD na.


"Okay lang basta kayo bahala sa food." Nagkibit balikat lang siya habang focus parin sa libro na binabasa. 


"Ako bahala diyan." Nagtaas ng kamay si Ash. Of course pagdating sa pagkain maaasahan talaga si Ash. 


"Then uwi na tayo?" Tumayo na si Steph. 


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon