Chapter 8

5.2K 254 14
                                    

Exam week. Ibig sabihin araw ng pagpasa ng mga requirements. Napass na din namin ni Veron yung sa amin sa ConWorld and medyo nashock si sir nung makitang kaming dalawa yung nagsubmit. Kasi nga diba di naman kilala yung babaeng yun na gumagawa ng project maliban sa plates niya. Kinausap nga ako ni sir magisa kung paano ko nagawa yun. That was on monday and two days since last usap namin. Parang normal lang naman. Back to the usual routine ang buhay ko.


"Hey malapit na Udays ano sasalihan mo Dems?" Tanong nitong katabi ko. Nasa woods kasi kami nagiintay ng susunod na klase.


"Hmm siguro sasama ako sa aya ni ate Dan na mag volunteer ulit. Free food is life." ngiti-ngiti kong sagot. Maliban sa tumulong gumawa ng props, may libreng kain din kasi dun. Para naman maka save sa allowance bakit di ko igrab opportunity diba. Isa pa, masarap yung mga ulam nila at mababait din yung mga members.


"Ganun? wala kang extra points niyan?"


"Di ko naman kailangan. Ikaw ba? ano sasalihan mo?" Baling ko sa kanya ng tanong.

"Medyo kailangan ko makabawi sa calculus natin. Buti ka pa hundred points na wala ka nang poproblemahin. Siguro sa mass dance na lang ako tutal andoon din sina Kat at Lory." Pagbubuntong hininga niya. Medyo natawa naman ako sa plano niyang sumama dun sa dalawang magjowa. For sure third wheel nanaman siya for a more than a week.


"Kailan ba simula ng praktis?" Sumipsip ako dun sa iced coffee ko.


"After exam daw para makapagfocus tayo sa pagstudy. Diba si Adam ay volunteer din? Iwasan mo na yun baka makita ka ng dragon." Natatawa niyang sabi. Kalmadong tumingin ako sa kanya.

"Di yun okay na kami ni Li." Tumaas naman agad kilay ng bruha.


"Okay ka lang? anong okay pinagsasabi mo eh last week lang kulang nalang saksakin mo yun ng T-square at saka anong Li? close na kayo?!" Halatang di siya makapaniwala sa sinabi ko. Sabagay kung naririnig ako ng past week self ko baka sinapak na ako nun.


"Well nagkausap kami di naman siya ganun ka demonyo. Oo masungit, maarte at madamot pero di niya naman ako inaway ng over gaya ng sinasabi nila."  Pagrarason ko at tinignan siya sa mata.


"To think na galing yan sayo ha. Ano ba nangyari?" Pagtataka niya.

"Eto kasi yun..." Nagsimula na akong magkwento mula nung inuman hanggang sa realization ko sa kanya at tinapos ko nung pinasa na namin yung project. Grabe ang haba feeling ko napanis laway ko kakadaldal. Yung mukha talaga ni Riyn parang batang nakikinig ng bed time story.


"So ano yun friends na kayo?" Pagtatanong niya. Friends nga ba kami?

"Ewan di ko sure." Kibit balikat kong sagot.

"Ha? labo mo naman ano yun nawala lang yung misunderstanding mo sa kanya?" Napaisip ako sa sinabi niya. Parang ganun na nga.

"Baka naman di mo na siya hate dahil like mo na?" Pangaasar niya sakin. Eh kung iuntog ko siya no.

"Saang lupalop mo naman nakuha yang conclusion mo? Hindi ko siya hate pero di din siya like." Pagdedeny ko. Hindi naman talaga eh.

"Asus kilala kita no. Bet mo na si Veron." Tatawa - tawa niyang usal. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Kung ano ano nalang talaga pumapasok sa kokote nito.


"No thanks. Oo maganda siya pero di ko talaga ugali ma attract sa taong straight." Sabay irap ko. Tumawa lang siya at hinampas ako ng notebook. Oo nga pala magrereview sana kami pero heto nanaman puro chikahan lang.


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon