Chapter 23

5.4K 283 82
                                    

Malayo ang pupuntahan naming kaya matagal yung byahe. Gaya nga ng sinabi ni Li kami lang anim ang sakay ng van. Akala ko talaga magdadala ng mga boylet yung squad niya. May driver din kami medyo middle aged na.  Ganito yung setting naming sa loob nasa second row sina Max, Ash and Steph. Kami naman sa likod ni Li at Keish. Napapagitnaan naman nila akong dalawa.


Speaking of katabi, tulog po ulit siya at ginawa nanamang unan yung balikat ko. Feeling ko talaga hindi na to akin. Lakas maka arbor ng balikat. Two hours narin yung byahe medyo malayo pa talaga. Kanina ang ingay nila ngayon tulog.


"Clingy no?" Bigla bulong ng nasa kaliwa ko. Gising pala.


"Yeah" Napabuntong hininga ako.


"Gusto mo help?"


"Sa alin?"


"Sa bff ko. Lakad kita?" Ngisi niya kaya natawa ako. Ang comfortable ko kay Keish dahil narin siguro sa alam ko na same kami?


"Kakabreak lang nila ni Ads. Isa pa straight best friend mo." 


"So ano yun wala kang gagawin? Si Max nga na baliko eh sa straight pa sa ninthy degrees yan dati." Kunot noo niyang tanong. 


"Naririnig kita Kei." Sagot naman nung nasa unahan. Hala.


"Totoo naman babe. Dati ang bitch mo nga sakin." Wow may pa babe pang nalalaman. Pano nalang kung gising yung iba edi na bisto sila.


"Bitch ka din naman sakin." 


"Pero love mo na ko ngayon?" Ngisi ng katabi ko. Mga gago mag lalandian pa sa harap ko. Pero infairness ang cute nila. Di ko talaga ineexpect na may other side si Max na ganito. Ang dakilang queen bee ng school. 


"Tch." Hindi na siya sumagot kaya kinilig naman yung katabi ko. Parang tanga lang pero di nako magtataka kung alam ni Max. Magjowa nga naman sila ni Keish diba.


"Pero balik tayo sayo. Di nga talaga bang wala kang gagawin?" Nakapokus nanaman siya sakin.


"May magagawa ba ako?" 


"Ang weak neto." Nagcross arms lang siya at sumandal. 


"Hindi naman sa ganun ayoko lang irisk yung friendship." Nakakatakot kaya yung close na kayo tapos masisira at magiilangan dahil nagconfess yung isa.


"Help ka nga namin ni Max diba babe?" 


"Kei stop calling me that baka magising sila." Paninita ng shota niya. 


"Sorry so ano Maxi." 


"I'm good kung saan mapapabuti si Lilith." Sagot niya naman. Wow she's really really different dun sa nakasama ko sa inuman. Iba talaga pag na inlove. Pero di nga seryoso ang swerte ni Li na naging friends niya to.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon