Chapter 25

5.8K 285 173
                                    


"Ano sabi mo?" Di ako makapaniwala sa sinabi niya. 


"Nothing ganito pala kiligin sa babae." Tumili siya na parang baliw. Luh. Napakilig ko siya? Pwede ba yun mangyari sa isang straight? Siguro?


"In love ka na sakin niyan?" Dinaan ko nalang sa biro yung tanong.


"Anong love ba yan?" Tatawa-tawa niyang tanong. Lumapit siya at tumungo sa likod ko at sumampa ng walang paalam. Yung kamay ko naman automatic na pinasan siya. Magaan naman kasi nasa tubig kami. Yumakap siya sa leeg ko. Umaandar nanaman pagkaclingy niya. Minsan naiisip ko baka hanap-hanapin ko to pagbalik ng klase. Nasasanay na kasi ako. 


"Ewan anong love ba ako sayo?" 


"Hmm I love you as a sister?" Awts. Family stroke ako. "Or maybe not?" 


"Ha? ang gulo mo kausap." Real talk.


"I mean basta gusto kita ituring na kapatid pero at the same time ayoko? Yung ganun?" 


"Like ayaw mo magkalabel tayo?" 


"Parang nagmukha namang may something satin." Ang lapit na bibig niya sa tenga ko kaya ramdam ko yung hininga niya. Ako lang naman ang may something sayo.


"Eh ano ba? Rommates lang ganun?" Gusto ko malaman standing ko sa buhay mo.


"Sabi ko naman sayo special ka." 


"Special child?" Natawa naman siya sa tanong ko. 


"Hindi basta ang hirap iexplain. Ang protective ko sayo. Ayoko nga magkajowa ka ngayon. Mahahati atensyon mo." Kung magsalita siya parang may feelings din siya sakin. Confused ba si Lilith? Or not? Pero bakit parang feeling ko maynararamdaman siya pero hindi niya lang alam kung ano yun kasi she believed she's straight and impossible na magkafeelings siya in romantic way. Ayun lang nagiging delusional nako.


"Bakit anong meron kung mahahati ang atensyon ko? Andito naman yung squad mo pati si Keish." Biglang humigpit yung yakap niya sakin.


"Basta nga gusto ko magpakaselfish. Gusto kitang makilala pa. Spend more fun moments together kasi to be honest parang nawawala yung problema ko pagandyan ka. Oo nasaktan ako kay Adam I've been doubting him. Mapapraning ba ako kung hindi? Nung nalaman ko na totoo nga masakit pero yung presence mo nagpapagaan ng lahat? Ang cheesy pero nakahanap ako ng kakampi sayo." Sincere niyang pagpapaliwanag kaya napangiti ako.


"So special friend ganun?" Ewan pero ang sarap pala sa feeling na special ka sa taong gusto mo. Kaibigan nga yung turing niya sakin pero alam mo yung iba ka sa nakararami. 


"Oo nga. Bakit andami mong tanong? May nagugustuhan ka na ba?" 


"Pano kung sabihin kong meron?" 


"Yes or no lang naman yun. So meron nga?" Pagtatanong niya ulit. Halata sa boses niya na seryoso siya. 

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon