Chapter 39

4.9K 230 24
                                    

Today is her last day bago siya pupunta ng states. Kasalukuyan kaming nasa isang club. Nagpadespedida party sina Keish sa isang resort club. Yung barkada lang naman ang kasama tapos andito rin si Jeremy. Kanina pa kami naguusap kasama ng onting asaran narin. Nung mapagdisisyunan nilang sumayaw sa dance floor naiwan kaming apat sa table. Ang KeiMax parang nasa sarili nilang mundo kaya inaya ko nalang yung katabi ko.

"Tara sa labas?" Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dahan-dahan na hinila sa exit.

"Hindi ba tayo magpapaalam?"

"Wala namang pake yata yung dalawa." Natatawa kong sagot kasi mukhang ang seryoso ng usapan nila. Kala mo talaga totoo eh sa narinig ko yung butiki lang pala ni Keish yung topic. Nagtungo kami sa may dalampasigan dahil malapit lang naman mula sa club. Napansin niya sigurong nakasleeveless lang ako kaya hinubad niya yung cardigan niya at pinasuot sakin. Ang sweet naman. She really turned out different months ago.

"Nilalamig ka pa?" Malambing niyang tanong. Umiling naman ako habang nakatitig parin sa kanya. Tanging ang ilaw na nagmumula sa malapit na poste ang nagbibigay liwanag sa amin at ingay mula sa club kasama ng mahihinang alon ang maririnig. Makulimlim ang langit parang uulan yata. Feeling ko tuloy nagkakadejavu ako.

"Alam ko natanong ko na to pero anong gagawin mo pagalis ko?" Bigla niyang tanong ng may malaking ngiti sa mga labi. Magkahawak kamay lang kaming naglalakad.

"Probably magmumukmok" at iiyak.

"Aw don't worry isang linggo lang naman ako dun. I'll be sure to comeback for you." Humarap siya sakin at kinurot yung pisngi ko.

"Hmm baka makakita ka ng mas maganda o gwapo dun ah" Pagbibiro ko kahit alam kong malaki yung chance na yun ang mangyayari.

"Nah bakit pa ako maghahanap eh ang ganda ng future jowa ko." Ang saya ng mga ngiti niya. Gusto kong ibaon sa isipan ko ang mga ngiting to dahil bukas di ko na to masisilayan.

"Alam mo ang cheesy mo na. Nahawa ka na ba sa sweetan ko?" Natatawa kong sagot kaya natawa narin siya.

"Sweet in actions ka lang ang harsh mo kaya sakin." Sumandal siya sa balikat ko kaya inakbayan ko siya. Automatic na pumulupot yung kamay niya sa bewang ko. Ang clingy namin ngayon buti nalang walang masyadong tao.

"Ugaling berna ka naman kasi dati. Apaka sakit mo sa ulo."

"Ikaw naman ang sungit mo kaya. Kala ko nga guidance counselor ka eh." Nagbiruan lang kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa...

"Eve pagalis ko huwag kang titingin sa iba ah." Napakunot naman noo ko dun sa sinabi niya. Magagawa ko pa ba yun?

"Edi para akong bulag niyan. Paano ako titingin sa kausa-" Nakatanggap naman ako ng kurot sa tagiliran. Ayan nanaman siya.

"Seryoso kasi." Tumawa nalang ako at mas hinapit siya sakin. Tumigil kami sa paglalakad para yakapin ko siya. I think nagwoworry nanaman to. Feeling ko mas dumoble yung bigat ng pakiramdam ko. Overthinker kasi si Lilith nasabi na niya to sakin noon and I think wala naman akong magagawa kung nagooverthink siya kasi minsan yung pagiisip natin hindi talaga natin mapipigilan. What should I do? Alam kong masasaktan siya sa gagawin ko. She don't deserve it. Di ko siya deserve. I'm a coward.

"Li titingin pa ba ako sa iba eh ang swerte ko na sa manliligaw ko?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang pisngi.

"Sus pero yeah I trust you." Ngumiti siya kaya mas lalo akong naiiyak. Yung trust na yun mababasag din. Shit naman.

"Bakit ang cute cute mo?" Nanggigigil ko siyang niyakap ulit. Nahahawa nako sa pagiging clingy ni Li. Pero hindi ko inaasahan na bigla nalang papatak ang ulan. Humiwalay ako sa kanya at nakita ko yung pagpanic niya dahil unti-unting lumalakas yung ulan.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon