Chapter 13

5K 252 43
                                    

Napaupo ako sa sahig nung matapos kong idikit yung last na design na crumpled paper. Wrong calculation natapos namin ng 8:30. Lumapit samin si Adam at nagabot ng bottled water. 


"Wow you really did it." Manghang ngiti niya samin.


"Duh civil engineering student to." Pagmamayabang ni Dani. Ang gulo ng paligid namin. Napapalibutan ng tinatanggal para dumikit yung double sided tape. 


"Sabi ko nga. Sige kukunin na muna namin to at ilalagay sa Art Center. Pahinga na muna kayo." Kasama ang ilang volunteers sabay nilang binuhat yung ginawa namin. Malaki din yun at mabigat. Maingat din naman sila dahil baka masira. Naku pepektusan ko ang makasira nun. 


Nung makaalis na sila, nagsiluma narin naming ligpitin yung pinaggamitan namin at mga kalat. Isang malaking bag lang naman ng kalat nakuha namin. Matapos ay binalik na namin yung mga sobra sa loob. Busy padin sila sa paggawa nung malalaking design ng letters.


"Uuwi na ba kayo?" Ngiting tanong samin ni ate Twinkle. 


"Opo thank you nga pala sa dinner." Shet ang cute din nitong president ng student government.


"No kami dapat ang magthank you sa inyo. Ang laking tulong niyong dalawa promise. Kayong lahat na nagvolunteer supeeer thank you talaga." Di ko mapigilang ngumiti din. Nasabi ko na bang crush ko din to? ang bait niya kasi tas yung smile shet nakakatunaw. Pero sa kanilang dalawa ni Li mas gusto ko parin smile ni Li sadyang nacucutan ako sa smile ni pres. Wait nga lang bat ba naisip ko yung kulugo na yun.


"Walang anuman Pres." Tugon ni ate Dan. Saktong dumating na din sina Adam.


"Hey Ads tapos niyo na?" Tanong sa kanya ni Pres. 


"Yes ate Twinkle. Magpapaalam na nga sana ako na uuwi na." 


"Okay siya sige pwede na kaung umuwi at magpahinga. Magiingat kayo sa daan ah." Para siyang nanay namin alam niyo yun. Yung ganung feeling. Kinuha na namin ang mga gamit namin at lumabas na nga. 


"Hey Dan sama ka nalang din hahatid kita sa inyo tutal 8:50 pa din naman." Nakatingin lang siya sa relo niya habang sinasabi ito. Di ko na sila pinansin dahil busy ako sa pagcheck ng phone ko. Iniwan ko lang kasi sa bag. 


From Snowball: 

Eveee sabay ka na kay Adam ah. Sunduin niyo na rin ako. Sabi ko sa kanya may project tayo. Magdala ka na din ng damit pamalit dun kana matulog sa condo. I don't accept rejection. Paghindi kita nakita mamaya huhuntingin kita bukas. You know me Sandoval.


Bakit ganun parang naririnig ko boses niya sa message. Ang spoiled parin talaga. Bakit may kasama pang pagbabanta? Di ko rin talaga magets minsan utak nun. May side talaga siyang warfreak eh kaya nakakatakot din.


"Ads hatid mo na muna ako sa dorm tapos hatid mo si Dani. Tsaka mo na ako daanan may kukunin akong mga gamit." Naglalakad na kami papuntang parking. Ngumiti lang siya at nagsalute. Parang ewan lang. Naalala ko tuloy yung advertisement ng biogesic.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon