Chapter 29

6.1K 273 99
                                    


Demi's PoV


Finally tapos narin lahat ng exam ko. Di ko alam kay Li pero sabi niya mamaya pang three last period nila kaya siguro magiintay nalang ako. Papalabas nako nung magkasalubong kami ni Jem. Uhm...


"Uy Demi pauwi ka na?" Ang lapad ng ngiti niya nung makita ako. After a month ngayon ko lang siya ulit nakita at makakausap. Di ko pa naman siya nirereplyan. 


"Hindi eh hihintayin ko pa si Li."


"Samahan na kita." Nagsimula na kaming maglakad pababa ng hagdan.


"Uhm sorry kung hindi nako nakareply nung mga una mong text." Nakokonsensya kasi ako. Mabait kaya sakin si Jem.


"It's okay nung nagsimula ang training camp wala naman masyadong signal dun kaya hindi ko narin nasundan tapos pagbalik namin exam week agad ang daming plates na dapat ipasa. Hindi ka naman din obligado na magreply." Ang gentle ng boses niya. Mapaghahalata talaga na mabait tapos gentleman pa. 


"Next time magrereply na talaga ako." 


"Okay lang ano ka ba. Teka gusto mo ice cream?" Turo niya dun sa nagbebenta ng dirty ice cream. Napangiti ako naalala ko kasi si Li mahilig pa naman yun sa ice cream.


"Uhm no okay-" 


"Ayaw mo?" Medyo lumungkot yung expression niya. 


"Gusto mo ba?" Tanong ko. Tumango naman siya naiimagine ko tuloy na may sparks sa mga mata niya nung sinabi ko yun kaya medyo natawa ako.


"Libre na kita bawi ko sa di pagreply." 


"Really? But I can pay for us." Hindi ako nakinig at binigay yung bayad kay manong at nagorder.


"No I insist. Minsan lang ako manglibre kaya take it as a reward sa pagkapanalo niyo. Late na yung gift pero here you go." Pinasa ko yung ice cream sa kanya. Nakita ko ang pag ngiti niya habang nakatitig sa ice cream. Ilang beses ko na nasabi to pero hawig na hawig talaga sila ni Lilith ng ngiti kaya ang cute.


"Thank you Demi." 


"Welcome Jem. Doon na tayo mag intay sa woods. Tinext ko na si Li na dumeretso na doon." 


Nagusap lang kami ni Jem sa mga bagay-bagay. Nalaman ko na hindi ganun ka okay ang relationship ng mga magulang ni Li. Dati nung mga bata pa sila madalas na doon natutulog si Li sa bahay nila kasi ayaw niyang naririnig yung mga magulang niya na nagaaway. 


"Supportive naman ang parents niya sa kaniya. Pagdating sa anak nila nagkakasundo sila. They spoil her dahil only daughter kasi but one day they both decided to have a divorce kasi ayaw na talaga ng mommy ni Lili yung pangangaliwa ng daddy niya. In the end they separated and she's only ten that time. Malaki ang bahay nila pero palaging wala yung mommy niya due to business kaya sanay na siyang magisa." 

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon