Chapter 28

5.7K 268 55
                                    


"How was your date?"


"Uhm hello? Okay lang naman hinatid ko na siya pauw- Teka nga bakit ka ganyan makatingin?" Napalunok ako ng laway sa itsura niya. Parang mangangain ng tao. 


"Why? Ganito naman talaga ako tumingin." Uh hindi no dati mukha siyang rabbit pero ngayon mukha na siyang tigre. 


"A-akala ko ba may gimik kayo?" Pagiiba ko ng topic. 


"Not now may lakad pala si Maxine. So? Musta naman kayo ng crush mo?" Ngumiti siya na halata namang peke. Alam niyo yung emoji na nakangiti pero halatang nasa loob yung kulo.


"J-joke lang naman yun. Best friend ko yung kasama ko." Pagbabawi ko ng sinabi ko kanina. Baka lapain pa ako neto gusto ko pang mabuhay.


"Ohh bakit ka nagpapaliwanag? Ang tanong ko lang naman kamusta kayo." Mataray niyang sagot. Nakakatakot siya swear.


"Eh bakit ka nagagalit?" 


"Sino nagsabing galit ako?" Halata Li jusko.


"Sorry na kasi napasarap lang yung usapan namin. Kumain ka na ba?" Hindi siya sumagot at naglakad lang papuntang couch.


"Huy kumain ka na ba?" Tanong ko ulit. Ayaw ako pansinin at nagseselpon lang. Galit nga siya. Ilang sandali lang tumunog yung phone ko. Tinignan ko kung sino nagtext amp siya lang pala.


'No' Yan lang sinabi niya.


"Bakit hindi ka pa kumakain? at ba't ayaw mo akong kausapin?" Hindi nanaman siya sumagot. Napakamot nalang ako sa ulo dahil feeling ko napepeste yung utak ko sa kanya. Pumasok muna ako ng kwarto para magbihis ng pang bahay bago nagtungo sa kusina at magluto ng pagkain niya. Busog narin naman ako kasi nga kumain nako kasama si Tricia.


"Madam andito na yung pagkain mo." Pagaanunsyo ko sa kanya. For sure naman maririnig niya yun. Lumapit naman siya sakin habang naka poker face parin. Ayaw niya talaga ako pansinin. Umaandar nanaman pagiging childish niya.


"Ayaw mo ba talaga ako kausapin?" Tanong ko ngunit di man lang siya tumingin sakin. Diretso lang siya sa pagkain at nagsimula nang lantakan ito. 


"Hays. Sabi ko naman sayo best friend ko yung kasama ko. Friendly date lang naman yun isa pa may jowa yung tao. Ano nanaman bang kinakagalit mo?" Dahil ba sa hindi ko pagsagot sa mga tawag niya? Hindi parin siya kumikibo kaya napabuntong hininga na ako.


"kung nagagalit ka kung bakit di ko sinasagot tawag mo. Li I'm busy gusto ko respituhin yung alone time namin ng best friend ko ngayon na nga lang kami ulit nagkasama." 


"So I am bothering you?" Binaba niya yung kutsara at tinignan ako sa mata ng seryoso at diretso. 


"Hindi naman sa ganun. Eh bakit ba gusto mong malaman kung asan kami?" Hindi siya nakasagot. 

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon