Chapter 36

5.7K 257 25
                                    


Huwebes ng umaga at kasalukuyan kaming nagkaklase. Nakikinig lang ako sa discussion ng prof nung may kumalabit sa likod ko. Alam ko kung sino dahil wala naman ibang mangungulit sakin dito. Conworld ang sub namin ngayon meaning magkaklase kami ni Li. 


"Ano?" Bulong ko sa kanya. 


"Sabay tayong maglunch." Sagot niya. 


"Ha? bakit?" Hindi naman kasi kami nagkakasabay ng lunch dahil di nagkakatugma yung sched namin. 


"Wala yung prof namin mamaya. Sabay tayo ah" Hmm okay? Pumayag nako tutal wala naman akong makakasama maglunch ngayon. Nagpatuloy lang yung klase hanggang sa matapos ito at lumipat ako sa next class. Iba na next sub namin kaya di na kami nagsabay. 


"Uy Dems hello." Bati sakin ni Jem may kasama siyang babae ohh. 


"Hi." Ngumiti ako at siniko siya. "girlfriend mo?" 


"Hindi pa." Nahihiya niyang sagot at napakamot sa batok kaya natawa ako. 


"Hello I'm Demi Eve Sandoval kaibigan ni Jem." Pagpapakilala ko sa babae at inabot ang kamay ko. Kinuha niya naman ito at nakipagshake hands. Ang ganda ng nililigawan ni Jem kaso mukhang snob. Ewan yung aura niya lang siguro.


"I'm Claire Jean Santillan his childhood friend. I heard about you from Jem." Tama nga ako maypagka attitude tong babaeng to. Yung tono ng pananalita parang nakakasense ako ng pagtataray. Don't tell me sinabi ni Jem na naging crush niya ako? 


"I hope hindi masasama?" 


"Hindi naman. Sinabi niya lang naging crush ka niya." Sabi na nga.


"Oh ex crush na Jean." Pagkokorek ni Jem. 


"Yeah at wala kang dapat ipangamba taken nako." Baka kasi isipin niya balakid ako sa kanila.


"Really?" Si Jem pa talaga ang tinanong wala yatang tiwala sakin.


"Hmm sila ng pinsan ko." Sagot niya lang. 


"Pinsan? Ang alam ko lang na pinsan mo dito ay si Lilith ah." Opps.


"Ah eh Jem mauna nako may klase pa kasi ako." Nagmamadali akong umalis jusko mabubuko pa kami ng wala sa oras. Binigyan ko lang ng tingin si Jem na siya na bahala mukhang na gets niya naman at tumango lang. Yun pala yung sinasabi niyang nililigawan niya. Ang ganda nung babae kaso mukhang Lilith the second pero ayoko naman ijudge agad since magchildhood friends sila at ayoko ulitin yung pagkakamali ko kay Lilith.


Pumasok na ako sa next class ko at nakinig. Wala naman masyadong ganap kaya mabilis lang din lumipas yung oras. Hindi ko na nga napansin na lunch break na pala. Paglabas ko palang ng room si Lilith agad nakita ko nagiintay sa may balcony. 


"Tara?" Aya niya. Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad. 


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon